Chapter 9: It is really fun?

771 27 0
                                    


ZAN'S POV

"Bakit ba kasi naisipan nilang ipasyal tayo? Geeez, nakakainis, ang daming lamok." Himutok ni Mila.

"Akala ba nila mawawala itong takot at lungkot natin?" ani Eva naman.

Napabuntong hinga ako habang tuloy lang sa paglalakad.

Nasa isang palayan kami pero ang paligid nito gubat, malapad din naman itong palayan at may ilang magsasaka, hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Ang sabi sa amin mag-eenjoy daw kami. Mag-eenjoy? After nang trahedyang iyon?

Napabuntong hinga na naman ako nang maalala ko si Mejay. Ano na lang ipapaliwanag namin pag-uwi namin?

Napasinghap ako nang sumagi sa isip ko ang isang tanong. Makakauwi pa ba kaming lahat?

Geeez, oo naman, makakauwi kami. Hanggat sinusunod namin ang rules nang isla walang mangyayari masama sa amin.

Just obey the rules. Iyan na lang ang magiging daan namin para makaligtas kami.

"Damn it. Abby put down your phone." Napatigil ako sa sigaw ni Kristen. Napatingin ako sa unahan namin, si Abby nagpopose habang kinukuhaan ni Carren.

Kita kong hinablot ni Davis ang phone nito at tinapon sa putikan.

Nagulat ang lahat at si Abby nagsimula nang magngawa. Tinaas ko ang sun glass ko at sa ulo ito nilagay. Mataas at tirik na tirik ang araw at nagawa oa talaga nitong magselfie. Psh. Iba din naman trip nang babaeng ito.

Napailing ako habang nagsasagutan ang dalawa. Kinuha pa ni Abby ang phone nito na nasa putikan at muling minura si Davis habang tinuturo ang phone.

Hindi namin ginagamit ang cellphone namin o ano mang gadget dito sa Isla tulad nang sinabi sa rules but here the rule breaker. Tsk. Hindi marunong sumunod sa rules sana siya na lang ang namatay hindi si Mejay.

Nauna na ang iba na hindi na lang pinansin si Abby, nagpatuloy ako sa paglalakad, sumabay naman si Mila at Kristen sa akin hanggang sa nasa tapat na kami ni Abby na ang sama nang tingin kay Davis tapos nalipat sa aming tatlo.

"Geez, mga wala talaga kayong kwenta." Himutok ni Abby at sa mismong harap pa ni Mila sumigaw.

Napatigil kami sa paglalakad. Naparolled eyes na lang ako.

Si Mila matalim na tinitigan si Abby tapos bigla niyang hinablot ang maputik na phone nito at itinapon pa sa malayo.

"Oh, ngayon sino walang kwenta? Sabihin mo iyan sa phone mo." Singhal ni Mila.

Naluluhang nakipagtitigan ito kay Mila. Napahalf smile ako sa itsura ni Abby, ang epic pero bigla akong sumeryoso at tiningnan ito.

"Tsk. Simpleng rules hindi masunod. Bakit Abby? Gusto mong sumunod kay Mejay?" mariing sabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Bakit anong masama sa ginawa ko? Ako naman ang kinunan huh hindi ang paligid o ang mga tao dito." Pangatwiran niya pa. Tsk. Talagang hindi alam ang masama sa ginawa niya? Wow, nagpapakatanga lang.

"Just follow the rules. Ang tigas nang ulo mo. Mabuti sana kung ora mismo paslangin ka na hindi iyong mamaya pa." Sabat naman ni Kristen na lalong ikinangitngit nang galit nito.

Napairap ako dito at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagsisigaw pa si Abby pero hindi na namin pinansin.

"Psh. Kahit kailan ang OA nang bruhang iyon." Ani Mila.

"Alam niyo naman. Hayaan niyo na diyan siya nabubuhay eh." Sagot naman ni Eva na sumabay na din sa amin.

Hindi na namin nilingon pa ang sa likod, sumunod na lang kami sa mga kaklase namin na nauna na.

Vampire VS WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon