Chapter 5: Facing Wolf

972 30 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Oh, bro. Saan ka naman galing?" usisa nang isa sa akin.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad pero kinalabit naman ako nang isa.

Arrrg.. Lagi na lang ako ang nakikita nang mga ito. Sarap sipain. Pero hindi ko din ito pinansin, what for? Aasarin lang din nila ako.

"Teka ano iyang naaamoy ko? Pambabae ahh."

Napairap ako dito at tinuloy lang ang paglalakad.

Pero may humarang uling isa. Pigil ko ang inis sa mga ito. Lagi na lang. Kada balik ko dito uusisain ako nang kung anu-ano, mga walang hiya. Tsk.

"Pinuntahan mo na naman ang human na iyon?" nakataas kilay nitong tanong.

Naparolled eyes ako. Alam naman nila ih. Ano pa bang bago?

Hindi na lihim ito sa kanila dati palang unang kita ko palang sa kanya nalaman na agad nang mga walang hiyang ito na may gusto na ako sa kanya.

Kaya sa tuwing aalis ako at sa pagbalik alam ko na nag-aabang ang mga letcheng 'to.

"Tsk. Pwede ba tigilan niyo ako." singhal ko sa kanila.

"Woooaaah. Nagagalit na siya. Bahal na kayo diyan." ani isa at biglang naglaho.

Tiningnan ko ang iba at sinamaan nang tingin nagsialisan din sila, naglaho ang iba at ang iba patay malisya pero panay sulyap sa akin.

Napailing na lang ako muling naglakad.

Sinara ko ang pinto nang kwarto ko at nahiga sa kama.

Kakaalis ko lang don siya na naman iniisip ko. But how can I stop? Kung siya naman talaga ang laging laman nito. Other than my mission siya lang ang pumapasok sa isip ko.

Her smell was really nice. Hanggang ngayon amoy na amoy ko pa din. Tiningnan ko ang kamay kong hinawakan niya, I smiled, may lotion pa din ito.

Inamoy ko ito, ewan nababaliw na siguro ako, napapangiti kasi ako kahit pigilin ko.

She's perfect but one thing that couldn't be meant for us is she was a human and I am a creature who don't deserve to have her. It might be a reason of her death.

I heave a sighed and touch the lotion.

Hindi mo man ako makikilala, ipaparamdam ko naman sa'yo na laging safe ka dito sa isla hanggang nandito ako at ang....

may nagmamahal sa'yo.


ZAN'S POV

Antok na antok pa din ako kahit pa nakatulog ako, aist. Nakatulog nang mahigit isang oras lang. Paano ba naman kasi ginugulo ako nang kung sino man iyon, ang yakap at ang halik nito sa batok ko. Damn, kahit ilang oras na ang lumipas ramdam na ramdam ko pa din ang mga labi niya sa batok ko, nakaligo na nga din ako.

Arrrg. Nababaliw na ako, sino ba kasi iyon bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon? Hindi ba niya alam na kinikilig ako kapag naaalala ko siya. Tsk. Huwag lang sana siya magmukhang kabayo. Naku huwag naman po Lord.

"Zan." napapitlag ako sa sigaw ng kung sino. Kunot noo ko itong nilingon at sinamangutan.

"Ang laki nang eyebags huh? Sarap nang tulog ahh." sinamaan ko nang tingin si Alvon.

"Yay, ano bang nangyari sa'yo? Bakit ganyan kalaki iyan?" tanong ni Mila.

"Wala." walang gana kong sagot habang nagtatantrums palakad sa hallway.

"Baka may inimagine." nilingon ko si Kristen, nakapag-apir pa ito kay Eva at Mila.

"Baka naman si Davis. Oh ayan bro, buong gabi ka palang inimagine ni Zan." ani John na nilapitan ko at piniktusan. Kainis lang.

Vampire VS WerewolfOù les histoires vivent. Découvrez maintenant