Chapter 18: with Greg

680 22 0
                                    

ZAN'S POV

Ilang beses na akong napabuntong hinga.

Until now nararamdaman ko pa din ang mga halik niya, ang malambot niyang labi.

Hindi ko napapansin na napapahawak na ako dito sa labi ko at napapapikit. Paano ko nga ba hindi malilimutan iyon? Ang mga halik niyang sobrang init at masarap sa pakiramdam at ang pagdikit nang mga katawan namin kahit pa balot pa din kaming pareho nang mga damit namin, sobrang sarap sa feeling, iyong tipong ramdam mong safe ka at ang init nang katawan niya, it is really different.

At ang isa pang feeling na parang alam na alam nang katawan ko ang pakiramdam na iyon, na parang aware ito sa init nang katawan niya, 'yong tipong expected na nito ang ganong pakiramdam, 'yong tipong parang matagal na niya itong naramdaman at sabik na muling maramdaman ito.

Hindi ko alam kung bakit at paano pero that what I feel. Kabaliwan right? Pero what can I do? Thats how my body react. Hindi ko mababago iyon.

Aist, sino ba talaga siya? Kailan ko ba siya makikilala? Iyong tipong siya, walang hood or sumbrero, iyong makikita ko ang buong mukha niya, ang mga mata at ilong, hanggang kailan ba niya balak magtago sa hoodie niya?

"Zan. Are you awake?" Napabangon ako sa boses na bumungad after nang pagbukas nang pinto nang kwarto ko.

"Oo, bakit?" Mula kagabi hindi pa ako nakakatulog nang maayos, after nang nangyari, puro siya na lamang ang nasa isip ko, nakalimutan ko na ang nasaksihan kong pangyayari kagabi, ngayon pa lang uli bumalik sa alaala ko, ang mga werewolves na iyon at ang isang tao.

"May naghahanap sa'yo sa labas." Pumasok na nang tuluyan si Kristen, naupo siya sa tabi ko.

"Zan, May pag-asa pa kaya tayong makalabas dito? May pag-asa pa kaya tayong mabuhay?" Parang maiiyak niyang tanong.

Niyakap ko siya at pinatahan.

"I'll do everything, all possible thing para makatakas tayo. Don't think negative. Okay, just calm." Bulong ko sa kanya.

"Sana lang Zan. Sana may paraan pa. Natatakot ako, natatakot akong mamatay." Humagolgol na siya.

"Kristen please, be strong. We are here. Magkakasama tayo, walang mangyayari sa atin o sa kahit sino sa atin. Pangako hahanap ako nang paraan."

"Pero anong magagawa mo?"

I heave a sighed. Ano nga bang magagawa ko? From the start ito ang malaking tanong, anong magagawa ko? O may magagawa nga ba ako?

No, hindi dapat kami mawalan nang oag-asa. Meron pang paraan para makaligtas kami at makaalis dito.

"Sino naghahanap?" Pagkuway tanong ko.

"Si Greg. He want to talk to you."

Greg? The son of the Captain. Ano kayang kailangan nang isang iyon?

"Bakit?" Pabulong kong tanong.

Nagkibit balikat lang si Kristen. Pagkuway tumayo siya kasabay nang pagbukas nang pinto.

"Zan, naiinip na si Greg. Tsk. Nanliligaw pa ang isang 'yon sa'yo? Sabi niya may pupuntahan daw kayo kanina sabi niya gusto ka niyang kausapin bigla bigla nagbago." Taas kilay na sabi ni Mila.

I heave another sighed.

Tumayo na din ako at tinungo ang banyo at naghilamos at magtootbrush.

Paglabas ko andoon pa din sina Mila at Kristen at inantay talaga ako.

"Sabihin mo nga, nanliligaw ba siya sa'yo?"

"No, hindi siya nanliligaw. Hindi ko din alam kung anong kailangan niya at kung saan kami pupunta." Sagot ko naman.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now