Chapter 36: TITANIC

556 15 0
                                    

ZAN'S POV

Nagising ako sa pagkalam nang sikmura ko, pero nang akmang babangon ako nakaramdam ako nang pananakit sa leeg. Agad ko itong hinaplos, masakit at ang hapdi, inaalala ko ang nangyari at natigilan ako nang bumalik sa isip ko ang dahilan nitong sugat ko sa leeg.

Agad akong napatingin sa paligid ko, at sa tabi ko nang may gumalaw dito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki, agad akong sumilip sa kumot, napahinga ako nang maluwag nang makitang nakasuot pa din ako nang damit, akala ko may nangyari sa amin.

Muling gumalaw ang katabi ko at humarap ito sa akin, ang maamong mukha ni Ozy ang nakita ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako natakot sa kanya, sa ginawa niya sa akin kagabi, napangiti pa ako habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Hinaplos ko ang sugat sa leeg ko, ang sugat na 'to ay galing sa pangil niya. Maybe ang nangyayari sa kanya kagabi dahil iyon sa pagkauhaw niya at dahil sa  pag-inom niya nang dugo ko naging okay siya.

Matagal kong tinitigan ang mukha niya at nang lalong kumalam ang sikmura ko agad na akong bumangon pero nagulat ako nang yakapin ako ni Ozy, pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko kaya napahiga na naman ako. Tapos siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

Nanlaki ang mga mata ko, at ang tibok nang puso ko sobrang lakas. Geeez ,heto na naman po ang puso ko.

"Sorry." He whisper huskily in my neck. Sinulyapan ko siya, still nakapikit ang mga mata, hindi ko alam pero napangiti na naman ako.

Atleast nakatulong ako sa kanya.

We stay like this for a long moment, I just let him, hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit parang kampante ako, na parang okay lang na magkadikit kami.

Nang lalong tumindi ang gutom ko, tinapik ko si Ozy.

"Babangon na ako, I'm hungry na at baka hanapin na nila ako." Mahinang sabi ko. Pero ungol lang sagot niya tapos lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Geeez, anong gagawin ko? Arrgg, paano kapag hinanap ako nina Kristen? At kapag nakita nilang walang Zan don paano na? Anong gagawin ko? Baka hanapin nila ako at malaman nila na andito ako.

"Ozy, please aalis na ako baka hanapin nila ako at malamang dito ako patay tayo baka anong isipin nila." Aniko. Tinulak ko ang braso ni Ozy. Geeez, mabigat huh, nagawa ko ngang itulak ang braso niya pero bigla na naman niyang yinakap uli ito sa baywang ko.

"Arrgg, Ozy."

"Hmmm? Hayaan mo sila, dito ka lang." Kumunot noo ko. What now? Anong gagawin ko?

"Nagugutom na talaga ako, baka mamaya ikaw pa kainin ko." Inis kong sabi. Bigla niyang inangat mukha niya tapos nagmulat nang mata at tumitig sa akin sabay ngisi. Geeez, bakit ang gwapo? Oh my, lalong kumalabog ang puso ko.

"Then kainin mo." Aniya tapos lalong ngumisi. Tsk. Gustong gusto naman.

"Perv. Marunong ka naman palang ngumiti tss." Aniko tapos tinulak siya at mabilis na bumangon.

Nagsasalita pa siya pero hindi ko siya pinansin, inayos ko sarili ko at tinakpan nang buhok ko ang sa leeg ko at mabilis akong lumabas nang kwarto niya. Sumilip pa ako sa magkabilang side to assure na walang makakakita sa akin, naglakad na ako nang maassure kong walang tao o vampire pero natigilan ako nang biglang sumigaw si Lieven.

Nataranta ako, nagsilabasan ang lahat, ang mga vampires at human. Pinaikutan nila ako. Hindi ako makalabas.

Damn this, nag-ingat naman ako huh.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now