Chapter 23: Offer

534 20 0
                                    


ZAN'S POV

"Zan, huwag na lang kaya." Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Kristen, kita ko ang takot at pangamba sa mga mata niya at sa mukha niya.

"Don't mind me. Kaya ko sarili ko. Hindi nila ako masasaktan." Aniko.

Pinagmasdan niya ako.

"Paano mo nasisiguro? Imposibleng hindi ka nila saktan." Natigilan ako.

Hindi ko pala pwedeng sabihin ang sinabi ni Ms. Victoria. Hindi ko pwedeng sabihin na may isang nagpoprotekta sa akin. Pero maniniwala ba ako don? Maniniwala ba ako sa sinabi niya? Pero two times din naman ako naligtas dahil sa Alpha na 'yon. Sino ba siya?

"Zan, please, huwag na lang. Baka mahanap naman tayo nang ibang way."

I heave a sighed.

"Please Kristen. Susubukan kong makapasok sa kwarto niya. Puntahan mo na sila, gawin na ang plano."

Tinalikuran ko na siya.

"Zan, please." Hindi ko siya pinansin pero tinaas ko lang kamay ko.

Nasa top floor daw ang kwarto ni Ms. Victoria at room 73B, Eva got those info using her technique. Technique na sobrang nakakalito ewan paano gumana iyon sa kung kanina niya man iyon ginamit, basta ang importante nakuha namin ang room number ni Ms. Victoria, ang kailangan kong gawin is to get inside without someone saw me, may tiwala naman akong hindi nila ako mararamdaman because of my necklace.

Napahawak ako sa kwintas ko. I know he is tellinb the truth, nagtitiwala ako sa kanya. Sabi niya wala siyang ibang matulong sa amin, sa akin, hindi niya magagawang alisin ako o kami dito sa Isla pero the necklace can help me hide my presence, then I believe on him.

Dahan dahan at maingat ako nagpunta sa hagdan, I don't want to use elevator, baka may iba akong makasabay don at magtataka kung bakit sa top floor ako pupunta.I just need to get to the top floor na walang nakakaalam.

After halos 10 minutes na paglalakad paakyat sa hagdan nakarating na ako nang top floor. Sumilip muna ako sa hallway if there's people pero wala kaya naman nagsimula na akong maglakad sa hallway at hinanap ang room ni Ms. Victoria.

Napangiti ako nang makita ang room niya. I look around before open the door. Pumasok ako nang kwarto niya at agad na hinanap ang mga gadgets namin. I look around from drawers, cabinet, closet pero wala.

"Damn, saan niya nilagay?" Aniko, naupos ako sa sahig at nagtakip nang mata and tried to relax myself.

Hindi pwedeng hindin ko iyon makita. Iyon na lang ang tanging pag-asa namin, umaasa sila sa akin, umaasa silang makakahingi kami nang tulong, umaasang makakaligtas.

Damn it, damn, sobrang pinaghandaan nila ang lahat, they do everything to make their plan succeed.

Napabuga ako nang hangin, habang nakayukom ang kamaong tumingala sa ceiling. I need to find it.

Kailangan kong makita, saan ba niya nilagay?

Muli akong nagsimulang maghanap, sa ilalim nang kama, kahit sa banyo, sa lahat nang sulok pero wala.

Napasandal ako sa wall, nakakafrustrate, nakakainis.

Saan na? Paano na?

Nagpalingon-lingon uli ako sa paligid, sa kabuuhan nang kwarto niya then my eyes caught the waste bin, I smile, matalino siya, hindi really hide it somewhere people couldn't think that it's there.

Naglakad ako palapit sa waste bin at binuksan ito. Lalo akong ngumiti, now I got you.

Mabilis kong kinuha ang garbage bag kung nasaan ang mga gadgets namin at binalik ang takip niya sa dati para hindi niya isiping may humawak non. Mabilis na lumabas ako nang room niya.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now