Chapter 39: Another Bite

652 24 6
                                    


ANOTHER BITE

ZAN'S POV

"Anong nangyayari?" Usisa ko nang madatnang nagkakagulo ang mga kasama ko dito sa sala, ang mga bampira at mga tao. Nilingon ako ni Mila.

"Napaaway sila sa mga lobo. Hinahanap ka." Kumunot noo ko sa sinabi ni Mila.

Hinahanap ako?

"Anong ibig mong sabihin?" Usisa ko.

"Ikaw ang kailangan nila Zan. Pero hindi hinayaan nila Ozy na makuha ka." Sabat ni Eva.

"Look like the Alpha really likes you." Napaiwas ako nang tingin sa sinabi ni Kristen.

"But don't worry Zan, hindi kami papayag na makuha ka o sino man sa inyo." Ani Alex. Napatango ako at tiningnan ang mga naroroon, wala si Ozy, Damie at Haven, sina Lexie at Lieven.

"Puntahan mo si Ozy, grabe ang mga sugat niya." Mahinang sabi ni Ruco sa akin. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Si Ozy grabe ang mga sugat?

"Asan siya?" Agad kong tanong.

"Nasa kwarto niya." Sagot nito tapos ngumisi at kinindatan pa ako. I rolled my eyes tapos tinalikuran ang lahat at umakyat nang hagdan.

Tumigil ako sa harap nang pinto ni Ozy, nakabukas ito nang kunti, dinig ko ang mga hiyaw niya at ang ibang mga boses sa loob.

"Damn it. Tigilan niyo na nga iyan. Hayaan niyo na ako." Pagkuway sigaw ni Ozy.

"Tsk. Hindi pwede malalalim mga sugat mo." Boses ni Damie naman ang narinig ko.

"Wala akong pakialam. Tumigil na kayo at nagsilabas na." Sigaw pa ni Ozy.

"Hindi nga pwede. Gagamutin namin iyan." Mariing sabi naman ni Lexie.

"Why don't you go out and find human blood? Mapapabilis ang paggaling mo." Dinig kong sabi ni Leiven. Natigilan pa ako sandali. Human blood? Gagaling siya nang mabilis?

"Lieven we talked about this." Ani Lexie.

Napabuga ako nang hangin at naglakad papunta sa mismong harap nang pinto at mahinang tinulak ito. Bumukas ito at lahat sila napatingin sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Damie. Hindi ko siya sinagot.

Tiningnan ko si Ozy maraming sugat at kalmot ito at nagdudurugo pa, napatingin ako sa mukha niya nakakunot noo siya, I feel sorry dahil sa akin nangyari ito kaya gagamutin ko siya o kung gusto man niyang inumin dugo ko hahayaan ko siya. Binalingan ko sina Damie.

"Ako nang gagamot sa kanya." Aniko. Dahil kasalanan ko iyon, ako ang dahilan kung bakit siya ganito.

"What? No hindi pwede." Ani Damie.

"Damie, hayaan na natin siya baka sa kanya makikinig si Ozy." Mahinang sabi ni Lexie pero dinig na dinig ko.

"Yeah tama si Lexie. Tayo na." Ani Lieven.

"Pero baka anong mangyari sa kanya." Anang Damie pa.

"Tama si Damie, isama niyo siya palabas." Nanlaki mata ko sa sinabi ni Ozy, napatitig ako sa kanya.

"Sige na lumabas na kayo. Zan go with them." Umiling ako. Binalingan ko sina Damie.

"Please let me do what I should do." Aniko sa kanila, sinamaan ako nang tingin ni Damie pero hinila ito ni Lexie at lumabas na sila.

Pagsara nang pinto napalingon ako kay Ozy pero agad akong napaiwas nang makita ang matalim niyang tingin.

"Please hayaan mo akong gamutin ka." Aniko then kinuha ko mga bulak at nilagyan nang gamot panglinis nang mga sugat at lumapit sa kanya at sinimulang linisan ito.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now