Chapter 27: Hope

543 18 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

"Nababaliw ka na ba Greg? Sinabi ko na sa'yo, tigilan mo na ang Zan na iyon. Ano bang nakita mo sa kanya huh?" Kapitana shouted out.

Tumalikod lang si Greg.

"I told you from the start Ma, I want her. Only her." Turan nito.

Nagngitngit sa galit ang Kapitana at hinawakan sa braso ang anak at galit na hinila ito paharap sa kanya.

"Huwag kang hibang Greg. Tao si Zan, at ayoko sa kanya. Hindi ka pa din ba nadadala? Sinabi ni Hebea sa akin na ilang beses ka nang tinanggihan ni Zan. Why don't you spend your time finding someone werewolf to marry not her?" Mariing sabi nang Kapitana.

Kumunot noo ni Greg na tinabig ang kamay nang ina. Tinitigan niya sa mga mata ang ina.

"You don't need to tell me what I'll going to do dahil alam ko ang ginagawa ko. Having her was the best choice. Kaya pwede ba Ma tigilan mo na ako. Ilang beses ko din bang sinabi sa'yo na si Zan lang ang gusto ko." Mariing pangatwiran naman ni Greg. Napahilot sa sentido niya ang Kapitana.

"Ang tigas nang ulo mo. That human will make you die soon. Ipinagbabawal ang magmahal nang hindi natin kauri Greg, before you regret it better leave her alone, better stay away from her and better forget her." Mariing sabi nang Kapitana.

Walang emosyong tinitigan ni Greg ang ina.

"I am doing this to make our pack in a well. And also this is for you, for the better next lineage of our race." Mariing turan nang Kapitana.

Tumalikod si Greg.

"Huwag mo na lang akong pakialam Ma. This is my life. I will do what I want." Matigas at mariing sabi ni Greg.

Lalong nagngitngit ang Kapitana.

"Oo buhay mo iyan pero ilang buhay ba ang nakasalalay sa paghahanap mo nang kabiyak? I regret to choose you over your sister." Bulyaw nang Kapitana.

Napakuyom nang kamao si Greg at galit na hinarap ang ina.

"You regret it? You regret of choosing me over her? Nagsisisi ka ngayon na pinili mong mabuhay ang batang nagdala sa'yo sa kung ano ka ngayon? Iyon ba Ma, iyon ba?" Pasigaw ni Greg.

Natigilan si Kapitana at napatitig sa anak. Greg smirked.

"Dahil lang tao ang pinili kong ibigin kaya ka ngayon nagsisisi? How could you say these? All my life I follow you, all my life you dictated me may narinig ka bang reklamo? May narinig ka bang pagtutol?" Napaiwas nang tingin ang Kapitana.

"Ahh.. Ehh. Hi-hindi.. ganon. Ang gu--"

"Stop it Ma. Ito lang hinihingi ko sa'yo ang hayaan akong piliin ang nagpapatibok ng puso ko. At si Zan ang gusto ko, masisisi mo ba ako? This is us Ma, this is we are, you can't stop yourself to love someone our inner self choose. Naiintindihan mo ba Ma?"

"But how about the next generation? Paano ang magiging anak mo? Anong kapalaran ang magiging buhay nila? If that Zan will be their mother?"

Tinitigan nang mabuti nang Kapitana ang anak.

"Then it was be. Kung ano sila ganon sila. Just stop bringing this topic again Ma. I will do what I want."

Mabilis na tumalikod si Greg.

Naiwan namang tulala ang Kapitana.

*--***--*

Nabalot nang takot ang lahat nang makarinig sila nang yabag na pababa sa hagdan na pinagkulungan sa mga tao.

Walang emosyong pumasok si Ms. Victoria.

"Si Ms. Victoria." Anang isa.

"Ms. Please help us. Please."umiiyak na pagmamakaawa nang isa. Naging maingay ang lahat, halos nagmamakaawa.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now