Chapter 10: Another Victim

688 21 2
                                    

ZAN'S POV

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Kunot noong sabi ni Mila.

"Doon lang sa sulok." Pagdadahilan ko naman.

"Oh, bakit nagbablush ka? Kinikilig ka ehh." Anang Eva naman. Natigilan ako.

Halata ba? Halata bang kinikilig ako? Oh my gosh.

Hindi dapat sila maghinala.

Sumimangot ako kunwari kahit pa sobrang saya nang nararamdaman ko.

"Bakit naman ako magbablush? Duhh, malamang namumula, ang init kaya." Sagot ko naman. Wew palusot pa Zan, ipush mo 'yan. Pero mainit naman talaga.

"Psh. Tara na nga andoon sila sa harap nang isang puno nang kalamansi." Anang Mila, sumunod naman ako sa kanila ni Eva.

Kahit pinipigil kong huwag ngumiti, geeez, parang timang namang kumunat ang mga labi ko sa pagngiti.

Naku, sino ba di kiligin. Kahit hindi ko pa nakikita mukha niya ay ayos lang para naman akong sa heaven, lalo na kanina nang magyakapan kami tapos hinahalikan niya ang buhok ko.

Oh my gosh, sino ba kasi siya bakit lagi nalang siyang nagtatago nang mukha. Excited akong makita siya ehh. Para naman alam ko mukha nang lalaking dapat pagpantasyahan o di kaya panaginipan ko.

Tsk. Nakakainis lang na magkayakap pa kami at enjoy na enjoy tapos may tumatawag nang pangalan ko kaya ayon tuloy naglaho na naman siya bigla pero ayos lang, naiiwan naman ang amoy niyang sobrang bango at nakakagigil.

"Aray. What the hell. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Bulyaw ni Abby sa akin. Sh*t hindi ko siya nakita. Lumilipad kasi utak ko, naman ehh, of all people siya pa talaga natapakan ko.

Pero imbes na magsorry ako, sinamaan ko pa siya nang tingin. Tsk. Bahala siya.

"Geeez, ano bang iniisip mo diyan at wala ka sa sarili?" Singhal ni Mila sa akin. Sumimangot na naman ako.

Dala ata ni hoodie guy ang kaluluwa ko ih.

"Tsk. Zan." Napatingin ako kay Davis, nakakunot noo niya.

"Anong ginagawa mo sa likod kanina?" Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Damn it, nakita niya.

"Sa likod?" Tanong ni Eva.

Geeez, nakita kaya niya na may kayakap ako? No, huwag naman sana.

"Zan?" Tawag ni Kristen.

Pinilig ko ulo ko.

"Psh. May tiningnan lang. Tsk." Aniko tapos tinalikuran sila, tinuon ko atensyon ko sa puno kung saan ang daming itlog nang paru-paru, ito ata ang punong pinangingitlugan nila.

Hindi din naman sila nangulit, thanks naman kung hindi iyon nakita ni Davis.

Napadaku tingin ko sa mga gumagalaw. Hala mga uod. Oh my gosh.

"Don't be afraid guys, hindi nangangagat ang mga uod." Anang Ms. Victoria na nasa likod ko na pala.

Napasimangot na lang ako, huwag lang talaga kunin at ipantakot ang mga ito dahil kung hindi magiging arena itong sanctuary.

Halos hapon na kami nakabalik nang hotel, last stop namin sa mini pond na may samot saring uri nang isdang alagain. May malaki, may maliliit, nagpakain kami non. Geez, sobrang saya pero pagtapak ko sa hotel entrance biglang nagbago ang atmosphere.

The end of those happiness is a burden.

Kahit gano kami kasaya pero pagbalik naman at ang reality na isang kaklase namin ang namatay ay siyang sasalubong sa amin.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now