Chapter 14: Drools

613 22 1
                                    

ZAN'S POV

Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong kakaiba. Geeez, I am still tired and sleepy.

Napamulat ako at nilibot ang paningin sa madilim kong kwarto, tanging lampshade lang ang nagliliwanag dito. At wala namang kakaiba dito.

Nilingon ko ang alarm clock ko, its 6 in the morning.

I heave a sighed at bumangon at tinungo ang banyo para magpee.

Muli akong bumalik sa kama ko at nahiga pero napabalikwas ako nang makaramdam na naman nang kakaiba.

At sa isang sulok may naaninag akong bulto nang tao, gumapang ang kakaibang kaba sa buong pagkatao ko. Damn it, siya ito. This feeling, na nasisiyahan, na nasasabik at parang may kung ano dito sa loob ko na nagpapanginig sa katawan ko, alam ko na siya ito, the hoodie man.

Naglakad ito papunta sa silya di kalayuan sa kama ko, as usual he's wearing hood.

Pero pansin kong nakaharap ang mukha niya sa direksyon ko maaaring pinagmamasdan niya ako pero hindi ko ito makita dahil sa hood na nakatakip sa mga mata niya.

"W-why... do-on't you remove your hood?" Geeez, nautal pa ako.

Wala akong narinig na sagot, maaaring nakikinig lang siya.

"You know whats happening here, right? May mga creature dito diba? Are these creature was the suspect of killing here?" Ilang sandali akong naghintay sa sagot niya pero wala.

Napairap na lang ako dahil mukhang tanga akong nagsasalita na wala naman akong makukuhang sagot, obvious naman ehh, mukhang walang balak na magsalita ito.

"Can you help us? Please?" Pagpapatuloy ko.

"We need to go home, just help us." Aniko pa.

Pinagmasdan ko siya nang mabuti, ilang sandali pa wala talagang sagot akong nakuha.

Tsk. Hindi ba talaga siya magsasalita? Hindi niya ba talaga sasagutin mga tanong ko? Wala ba talaga siyang balak na tulungan kami?

Geeez, mukha akong tanga na nagsasalita sa hangin.

Psh. Why didn't he tell na hindi niya kami matutulungan? Kesa naman tumahimik lang siya at parang walang naririnig? Geeez, ganito ba talaga siya?

Umaasa pa sana ako na may makukuha akong sagot sa kanya?

"Para akong tanga. Talking to someone who didn't even answer me, kahit isang letter lang o isang word. Psh." Paasik kong sabi.

Tsk. Nakakainis siya. Hindi din siya gumagalaw, parang manequin na hindi gumagalaw, tsk hindi ko din alam kung nakakatitig ba talaga siya sa akin o natutulog na. Ganito na lang ba siya hanggang mamaya?

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya pero napatigil ako nang may mga katok sa pinto nang kwarto ko. Napatingin ako dito at nang ibalik ko na mga mata ko sa lalaki wala na ito. Wala na din ang presensiya niya.

I heave a sighed, he disappear again. Balak ko pa sanang hilahin ang hood niya para makita ko na pagmumukha niya pero biglang naglaho. Geeez, I don't even know what kind of creature he is.

Muli akong napatingin sa pinto nang lalong lumakas ang sound nang pagkatok.

Napakunot noo ko at lumapit dito at binuksan.

"Geeez, ang aga aga niyo." Aniko na nilakihan ang bukas nang pinto, pumasok silang anim at nagsiupuan. Kanya-kanyang puwesto.

Seriously? Lahat sila maagang nagising? At para timambay dito? Oh c'mon.

"Geeez, hindi na kasi ako makatulog." Ani Eva.

"Ako din, natatakot pa din ako." Ani Mila.

Tumabi naman si Kristen sa akin at yumakap.

Vampire VS WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon