Chapter 25: VICTORIA'S SECRET

603 18 11
                                    



ZAN'S POV

Nagising ako nang nagsigawan sila at isa pang dahilan ay ang kwintas ko nag-iinit na. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pag-iisip.

"Anong nangyayari?" Usisa ko. May apat na lalaki kasing pumasok sa pinagkukulungan sa amin at hawak na ng dalawang lalaki ang isang kaklase namin, na nagsisigaw, natatakot.

F*ck, mukhang balak nilang unti-untiin kami. I close my fist. Anong gagawin ko? Anong magagawa ko? No, papatayin nila kami at kakainin isa-isa. No, hindi pwede.

"Damn it." Mura ni Davis. Si Kristen biglang humagolgol. Nilingon ko siya.

"Ssshh. Tahan na Kristen. Tahan na." Aniko.

"Anong gagawin natin Zan? Paano natin siya maliligtas?" Ani Eva. Tiningnan ko ang kaklase namin na hawak nang dalawang lalaki. Kita ang takot sa kanya.

"Hi-hindi ko alam. " mahinang sabi ko. Wala akong maisip.

"Saan niyo siya dadalhin?" Tanong ni Abby.

"Tulungan niyo ako. Tulungan niyo ako." Pagsisigaw pa nang kaklase namin. Damn it, anong gagawin ko? Geeez, anong gagawin ko para matulungan siya?

"Damn it. Bitiwan niyo siya." Sigaw pa ni Abby.

"Tumahimik ka. " Anang lalaki at akmang susuntukin si Abby kaya sumigaw na ako.

"Don't you dare hurt her."

Napatingin si Abby sa akin na galit na galit.

"This is your fault Zan. Tingnan mo, anong gagawin mo para matulungan siya? Huh? Papatayin na siya. Papatayin." Umiyak na si Abby habang matalim ang titig sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dahil wala akong magawa, hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan.

"Gumawa ka nang paraan Zan, save her. Dahil kasalanan mo naman ito." Ani pa ni Abby.

"Shut up Abby. Walang kasalanan si Zan." Galit na galit namang sigaw ni Davis. Napayuko ako, wala akong masagot, wala akong magawa, damn it. Kasalanan ko lahat nang ito. I clenched my fist so hard, pinipigilan ko ding maiyak.

"Sige na dalhin niyo na iyan kay Alpha." Baling niya sa dalawang may hawak sa isang kaklase namin. Napatingin ako sa kanila. Hinihila nila ito papalabas. Napuno nang sigawan at iyakan ang buong room na ito. Hindi ko na din napigilan at kumawala na ang iyak ko. Nakikita ko kung paano nagpupumiglas ang kaklase namin, nadidinig ko ang paghingi niya nang tulong.

Damn it, anong gagawin ko? Pinilit kong alisin ang pagkakagapos nang kamay ko pero damn it, hindi ko magawa, masyadong mahigpit ang pagkakagapos nila sa amin.

"NO! BRING HER BACK HERE." Umiiyak kong sigaw pero wala na sumara na ang
pinto.

"THIS IS YOUR FAULT ZAN." Galit na galit na sigaw na naman ni Abby.

"Tumigil ka Abby kapag ako nakawala malilintikan ka talaga sa akin." Bulyaw naman ni Mila.

Natahimik kaming lahat at natakot nang umalulong ang mga lobo. Si Kristen umusod sa tabi ko at siniksik ang katawan, ramdam ko ang panginginig niya sa sobrang takot, ang panlalamig nang buong katawan niya at tahimik niyang pag-iyak. Napatingin ako sa paligid, halos lahat natatakot.

Panay mura naman ni Mila pero alam kong takot na takot siya nakapikit din siya habang nagsasalita, si Eva nakasubsob ang ulo sa likod ni John pareho silang nakayuko, si Davis nakatingin sa akin, I just looked at him seriously pero ako din ang unang bumawi nang tingin.

I heave a sighed while still crying. Now, what will happen to us? Mamamatay na ba kami? Uubusin ba nila kami? Is smirked, why I am asking that way na alam na alam ko naman na iyon ang mangyayari.

Vampire VS WerewolfOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz