SCENE 6

5.1K 143 2
                                    


"CUT THE music. Lights, focus on my beautiful face," utos ni Dick sa technical men habang nakatayo ito sa stage. Dumilim ang buong stage at ang mukha lang ng bakla ang may liwanag. "Ladies and gentlemen, may I have your attention please," tawag-pansin nito sa mga tao sa loob ng club.

Napasandal si Sheye sa dingding sa likod ng stage. Napahawak sa dibdib. Ganoon pala ang pakiramdam ng kinakabahan. Ngayon lang siya kinabahan sa lahat ng naging pelikula niya. Karaniwan na ay parating nasusunod ang script niya. At tuwing nagkakaroon man ng ilang alterations due to some natural occurrences, parati pa rin niyang naitutuwid ang landas ng istorya. Nalulusutan niya parati ang mga pagbabagong hindi niya inaasahan. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi yata kaya ng powers niya ang tinutumbok ng storyline ng pelikula niya. Mukhang nakatakda yatang mag-flop ang R-18 flick niya. Sinasabi na nga ba niya at hindi talaga siya para sa mga ganoong klaseng pelikula. Wholesome kasi siya.

Alam na ni Sheye ang gagawin ni Dick sa stage. Tuwing may bagong Eve ay tradisyon na iyon sa club. Parati niyang nasasaksihan ang ganoong event habang nagmi-mix siya ng cocktail drink. Bilang bagong Eve ay ipakikilala siya nito sa crowd at... ipapa-bid para mai-take out!

Si Queenie at ang ilang in-house Eves ay hindi nakaranas ng ganoon dahil hindi talaga ito nagpapalabas sa customers. Sa suot ni Sheye ay hindi na nag-abala pa si Dick na tanungin siya kung magpapa-take out siya sa customers. Inakala na ni Dick na game siya dahil sa maharot niyang costume. Nang sabihin niyang hindi siya nagpapalabas ay hindi ito naniwala at tinaasan lang siya ng kilay.

Kaya ngayon ay kinakabahan siya sa nakatakdang mangyari. Sa oras na may manalo sa bidding ay malaya na siyang mailalabas ng customer na iyon. Kailangan pa tuloy niyang tumakas para hindi ma-rape nito. Mabuti na lang at dala niya ang handy tear gas sa bag. Pero kahit makatakas pa siya ay purnada na rin ang diskarte niya. Sira na ang script, ang buong pelikula, pati na rin ang career niya.

"It's a tradition here in Eve's Apple that we introduce our newest Eve to you, hot papas, and launch a bidding for her. And whoever wins the bid, could be the first one ever to take her out..."

Narinig ni Sheye ang hiyawan ng crowd. Lalo siyang inatake ng nerbiyos. Bigla ay naisip niyang tumakas para hindi na niya kailanganin pa ang tear gas niya pero nagulat na lang siya nang may humawak sa kanya sa braso. Napangiwi siya na pinalitan din niya ng isang ngiti pagkatapos.

"Come now, darling," yakag ni Dick. Nagpahinuhod na lang siya at nag-flash ng pekeng ngiti sa crowd. "Lights on!" pasigaw na sabi ng bakla at nagliwanag na ang buong stage. "Presenting... our newest Eve, fresh from hell... Debbie, the horny devilina!"

Narinig ni Sheye ang malakas na hiyawan. Lumikot ang mga mata niya sa male crowd. Biglang pumasok sa isip niya na may pag-asa pa siya. Sigurado siyang nang mga sandaling iyon ay nakaupo na rin si Xander at malamang ay nanonood na rin ito sa nagaganap sa stage. Nakatingin na rin ito marahil sa kanya at baka kasama ito sa mga humihiyaw. May pag-asang makisali ito sa bidding at kung susuwertehin ay ito pa ang makapag-take out sa kanya. At para mangyari iyon ay kailangan niyang mahanap ito sa audience at kailangan din niyang umarteng totoong horny devilina para maakit ito sa pagbi-bid sa kanya.

"A sexy she-devil who promises not hell but heaven... Isn't she hot?" pagbebenta pa ni Dick na inayunan naman ng male audience.

She started to try internalizing her role as a seductive Eve, a hot she-devil. Pinapungay niya ang mga mata at nagpaskil ng nakakaakit na ngiti sa mga labi. Kinuha niya ang dulo ng buntot at ginamit iyon para ipangkaway sa mga lalaking nakatitig at nakanganga sa kanya. "Hi, sinners... 'want me to send you on fire tonight?" Muli ay naghiyawan ang mga kalalakihan sa sinabi niya.

"Let's start the bidding now with five thousand," ani Dick na mukhang nasiyahan sa kooperasyon niya.

"Six!" narinig ni Sheye na sigaw ng isa.

"Seven!"

Sinuyod niya ng tingin ang mga tao, partikular ang kalalakihan. Hinanap ng mga mata niya ang mukha ng lalaki sa picture pero hindi niya ito makita. Kung totoo ang sinabi ni Liz sa cell phone kanina, dapat ay nasa loob na ito ng club nang mga sandaling iyon.

"Ten!" pasigaw na sabi ng isang may-edad nang lalaki.

"Eleven!"

"Twelve!"

Sheye maintained her seductive smile although she was starting to feel frustrated. Hindi pa rin siya sumuko at pilit pa ring hinanap ng mga mata ang fiancé ni Liz sa kabila ng madilim na paligid.

"Sixteen!" pasigaw na sabi ng medyo bata-bata at makisig na lalaki.

"Seventeen!"

She was starting to lose hope when she met a familiar pair of gorgeous eyes. Bumalik ang kabog sa dibdib niya. Ibang klaseng pagkabog na noon lang niya naramdaman. Then there was that familiar leaping of her heart. Naramdaman na niya iyon nang makita niya ito sa picture.

Yes, she found him at last. Xander.

He was staring at her intently, moving his gaze up and down her body like she was a subject for detailed inspection. Nang muling umangat ang tingin nito sa mukha niya ay kusang umarko ang mga labi niya sa isang mapanuksong ngiti. Sinalubong niya ang parang nakatutunaw na titig nito. If her instinct and impression were right, she knew she just got his attention. She could hint an attraction and desire emanating from his stare. She playfully bit the tip of her tail, not breaking their eye contact, as a part of her acting. She had to make him join the bidding. He had to win her. She had to be with him. She had to touch him...

Gusto niyang kastiguhin ang sarili sa itinatakbo ng isip. He was just a job. Hindi niya dapat pinagnanasaan ito. But he was too handsome to be true, even from afar and under the dim light.

"Twenty-one!" Patuloy na umaandar ang bidding pero hindi pa rin nagsasalita ang lalaki para makisali sa bidding. Nagsimula na uli siyang kabahan.

Oh, please, Prince Charming, huwag ka namang kuripot. Please bid for me. Rescue me from this herd of hideous perverts...

Biglaay inalis nito ang tingin sa kanya. May dinukot ito mula sa bulsa nito nanapag-alaman niyang cell phone pala nang ilapat nito sa tainga. Tuluyan nangnawalan ng pag-asa si Sheye.    

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now