SCENE 39

4.5K 110 4
                                    


"BAKIT ganoon makatingin si Xander sa 'kin? Parang gustong lumapit at sapakin ako?"

Natawa si Sheye sa biro ni Dom. Pagkatapos niyang mabangga rito ay niyaya siyang magsayaw na pinaunlakan naman niya. Talagang lumayo sila ng puwesto mula kina Xander at Claudette pero abot-tanaw pa rin nila ang dalawa.

"Kung 'di ka lang niya pinsan, iisipin kong nagseselos siya sa 'kin."

"Eh, ang kaso, pinsan niya ako. Hindi kaya ako ang pinagseselosan niya?" ganting-biro ni Sheye.

"Oh, my gosh!" eksaheradong bulalas ni Dom. "So, nahalata mo na pala ang lihim naming relasyon ni Papa Xander. I couldn't help it. He's so ultra yummy kasi."

"Sira-ulo!" Nahampas niya ito sa balikat sa kakatawa.

"Really, nakakapagtaka ang mga ikinikilos ni Xander. Kahit kailan, hindi niya ako tiningnan nang ganyan."

"Pasensiya ka na. Ako yata ang may kasalanan." Naalala niya ang mga sinabi niya kay Xander sa burol tungkol sa kunwari ay interes niya kay Dom.

"Bakit ikaw?"

Ikinuwento ni Sheye dito ang mga sinabi niya kay Xander.

"Hindi ko akalaing na-love at first sight ka pala sa 'kin," he teased.

Natawa siya. "Sira! Sinabi ko lang iyon para paglaruan si Xander. Hindi ko kasi gusto ang maling impresyon niya tungkol sa love."

"Yeah, hindi talaga siya naniniwala sa pag-ibig."

"Ikaw ba, naniniwala kang totoong may pag-ibig?" curious niyang tanong.

"Yeah. I believe love exists. But only to those romantic fools."

Nadismaya rin siya sa sinabi ni Dom. "And you're no romantic fool?"

"Definitely not," nakangising sagot nito.

"Magkaibigan nga kayo."

"Mas malala siya. At least, ako naniniwala pa rin. I know there's love... but it just doesn't exist in me, like marriage and having a wife and kids. They're just not for me."

Napatango-tango siya. "Tama pala si Queenie."

"Who's Queenie?"

"My friend. Mahirap na nga talagang makahanap ng matinong lalaki ngayon. Kung hindi may itinatagong fiancée o asawa, hindi naman husband material."

"That friend of yours, kasingganda mo rin ba siya? Mukhang magkakasundo kami."

"I don't think so."

"Bakit naman? Akala ko ba, mulat siya sa katotohanang wala nang matinong lalaki ngayon? Ibig sabihin lang, open-minded siya at tanggap niya ang mga katulad namin ni Xander sa lipunan."

"Oo. Tanggap nga niya na iisa na lang ang likaw ng bituka ng mga lalaki ngayon, pero gusto pa rin niyang ikasal. Sorry ka na lang."

"Ibang klase. Ang gulo naman niya. Akala ko ba..."

"Tanggap niya na kahit anong ganda niya, walang lalaking guwapo, mayaman at kahenerasyon niya ang pakakasalan siya kaya kahit matanda na, tatanggapin na niya basta pakasalan lang siya."

"She wants a DOM for a husband?" parang gulat na gulat na pangungumpirma pa nito.

"Actually, to be honest, she needs that DOM's money." Mayamaya ay sinaway rin niya ang sarili sa kadaldalan. Na-revealed tuloy niya rito ang sekreto ng kaibigan. Hindi bale, aniya sa isip. Hindi naman magkakilala ang mga ito.

"In short, gold digger," pailing-iling pang sabi ni Dom na parang hindi nagustuhan ang narinig.

"No. Ewan. Basta ang alam ko, hindi masamang tao ang kaibigan ko. Kung magpapakasal man siya sa DOM para sa pera, I'm sure na susuklian naman niya ng pag-aalaga ang matanda. Huwag na nga natin siyang pag-usapan." Sinulyapan niya sina Xander at Claudette. Magkadikit na magkadikit na ang dalawa na tipong kahit hangin ay hindi na makakadaan sa pagitan ng mga ito. Nahuli pa niya ang ginawang pag-abot at pagkagat ni Claudette sa tainga ng binata. Siya pa ang nahiya para sa ginawa nito.

"Ang sweet nila," nakangising komento ni Dom sa tinitingnan niya.

"Isa lang si Claudette sa mga flings ni Xander, 'di ba?"

"Actually, ex-fling na ni Xander si Claudette. Sa obserbasyon ko, nag-lie low muna siya sa pambababae sa hindi ko malamang dahilan."

Tumaas ang isang kilay ni Sheye. "Sinasabi mo bang ex-fling din niya si Raya?"

Tumango ito. Bahagya siyang natuwa sa nalaman.

"Busy lang siguro siya sa trabaho ngayon dahil nagiging seryoso na ang kompetisyon nila sa Videorama Productions."

Videorama Productions? Iyon ang binanggit na kompanya ni Dennis kung saan ay mataas ang katungkulan nito. Ang ibig sabihin ay magkakompetensiya pala ang kompanya ng dalawa kaya tinawag itong "jerk" ni Xander. Iyon lang pala ang dahilan kung bakit pinalalayo siya nito sa lalaki.

"May I dance with my princess?" Napangiti si Sheye. Kahit hindi pa siya lumilingon ay alam na niya kung sino ang nagyayaya sa kanya na sumayaw.

"Sure, Uncle," magalang na sagot ni Dom at ibinigay na siya kay Don Manuel.

"Pasensiya ka na, hija, at matagal nang walang social life ang ama mo kaya napasarap ang kumustahan sa mga amigo," anito habang isinasayaw siya sa saliw ng isang tugtuging mala-rumba ang tempo.

"Okaylang po 'yon, Papa. Nag-enjoy naman akong kasama sina Xander at Dom,"nakangiting sabi niya, saka nagpatangay na sa husay ng don sa pagsayaw.    

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now