SCENE 8

5.3K 156 1
                                    


NABURA ang saya sa dibdib ni Sheye nang hindi na dugtungan ni Xander ang pakikipaglaban sa isa pang matangkad at guwapo ring lalaki. Dumagundong ang kaba sa dibdib niya sa alalahaning baka mapurnada pa ang umusbong na pag-asa sa dibdib niya nang marinig sa wakas na sumali sa bidding si Xander. Alam niyang masyado nang naging mataas ang narating ng bidding para sa kanya. Baka hindi na kayanin ng binata ang hamon ng isa pang lalaki at ipaubaya na lang siya rito.

Kung puwede lang niyang ipa-cut ang eksenang iyon, gagawin niya para sabihan si Xander na ito talaga ang dapat niyang makasama sa gabing iyon. Iyon ang nasa script.

Pero walang script sa totoong buhay at alam iyon ni Sheye. Kaya nanganganib siya ngayong mapasakamay ng iba at mapurnada ang trabaho niya. Baka maging katapusan na iyon ng career niya bilang isang professional impostor. Kahit gaano siya kagaling umarte, hindi na mareresolba ang gusot na nilikha ng baklitang si Dick.

"Oh, my God... My, my, my... ang haba ng tail mo, devilina at dalawang guwapong papables ang naghe-head-to-head fight para sa 'yo. Grabe, hindi ito kaya ng powers ko. Seventy thousand? Ayayay! Sasagot ka pa ba, Papable Number Two? O pananalunin mo na si Papable Number One?" naghi-hysteria sa tuwang anunsiyo ni Dick sa mic.

Pinigilan ni Sheye ang sariling ingudngod ang mic na hawak ni Dick sa bibig nito at nang matahimik na dahil rinding-rindi na siya sa pagputak nito.

Hindi pa rin sumagot si Xander. Nanatiling nakatitig lang sa kalaban. Parang naglalabanan sa titig ang mga ito. Pakiramdam tuloy niya, nasa isang totoong pelikula siya na pinag-aagawan ng dalawang guwapong leading men. Kung sana ay puwede niyang i-enjoy ang pakiramdam ng pinag-aagawan sa eksenang iyon. Pero hindi ganoon ang nararamdaman niya. Ilang sandaling nanahimik ang paligid dahil tumigil na sa pagputak si Dick. Parang lahat ng nasa club ay hindi na humihinga sa paghihintay sa sagot ni Xander.

Hinintay ni Sheye na muling magtuon ng tingin si Xander sa kanya para bigyan ito ng eye message na gusto niyang ito ang makasama sa gabing iyon kaya dapat ay sumagot na ito. Nabuhayan siya ng pag-asa nang ibalik nito ang tingin sa kanya. Pero bago pa siya magsimulang magpadala ng mensahe sa ekspresyon ng mukha ay nagsalita na ito.

"One hundred thousand," sagot ni Xander na nakapagpasinghap sa lahat, kahit sa kanya.

Hindi na hinayaang ni Sheye na makasagot pa ang isang lalaki. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. "Deal! You got me," malakas na sabi niya, nag-uumapaw ang saya sa dibdib.

Naramdaman niya ang marahas na pagbaling sa kanya ni Dick pero hindi niya ito tiningnan. Si Dick dapat ang gagawa niyon. Trabaho nito ang mag-anunsiyo ng nanalo sa bidding. At alam niyang ikinainis nito ang ginawa niya dahil hindi pa sila siguradong lahat kung magpapatalo na ang isa pang lalaki sa one hundred thousand pesos na offer ni Xander. Of course, they would try to get the higher price they could get through a bidding. Pero phenomenal ang nangyari sa kanya dahil umabot sa nakalululang isandaang libong piso ang offer at dapat na makontento na ito dahil sa buong kasaysayan ng Eve's Apple ay noon pa lang may nag-alok ng ganoon kalaki sa isang bagong Eve.

Naghiyawan na ang mga tao at wala nang nagawa si Dick para kumontra sa pagtatapos ng bidding. Sheye smiled at Xander who was grinning at his triumph. Itinaas niya ang kamay at sumenyas ng "Come on" sa daliri. Lumapit ang binata at huminto sa ibaba ng platform na hindi siya hinihiwalayan ng tingin. And now it was her turn to go down to him. She gracefully stepped down the front stage stair, not leaving his stare. And as she got nearer and nearer him, lalo niyang nararamdaman ang malakas na atraksiyon dito. At nang sa wakas ay makarating si Sheye sa harap nito ay lalo niyang napatunayan kung gaano kasuwerte si Liz. He was sinfully gorgeous.

"Hi, handsome sinner," she said in her most sultry voice. "Are you ready for a fiery evening?"

He smiled lopsidedly. He allowed his eyes to roam over her face. "Hmm... yeah," he said in a low, throaty voice. "Let's burn together." Itinaas ni Xander ang kamay. And she found herself longing for his touch. At the back of her mind, she knew she wasn't acting when she felt that.

Bago pa sumayad ang kamay nito para haplusin ang mukha niya ay umeksena si Dick na nakababa na rin mula sa stage.

"Excuse me, excuse me. Before you touch her, papa, let me see your cash first. I know you smell rich..." Inamoy pa nito si Xander at ngumiti. "But we need to be sure here, you know."

Tumango-tango si Xander na parang bale-wala naman ang inihirit ng bakla. "Nobody, unless with a purpose, bring along such a huge cash. Wala akong dalang ganoon kalaking cash. But I have here forty thousand pesos." Dinukot ni Xander mula sa bulsa ang wallet at naglabas ng tig-iisang libong papel. Iniabot nito iyon sa kanya. "May ATM machines naman siguro sa madaraanan namin."

"Oh, sure, papa. We understand. Basta ikaw."

Hindi pa rin siya makapaniwala na kaya nitong magbigay ng ganoon kalaking halaga para sa isang gabi sa piling niya. He must really be that rich. And he must have liked her a lot.

"Can I take her out now?"

"Sure," sagot ni Dick na dinikitan pa siya. "Komisyon ko, ha," bulong pa nito sa kanya bago siya hinawakan ni Xander sa kamay at iginiya paalis sa tapat ng stage.

"Wait!"

Another intervention. Napabaling sila sa lumapit sa kanila. Ang lalaking nakalaban ni Xander sa bidding. Bakit ang daming asungot? lihim na himutok ni Sheye.

"Hindi pa tapos ang bidding," matigas na sabi ng lalaki kay Xander.

"Oh, it's through. I'm sorry." Siya na ang sumagot.

Lumambot ang mukha ng lalaki nang humarap sa kanya. "Baby, I was about to bid a hundred fifty thousand for you..."

Narinig niya ang pagsinghap ni Dick. Siya man ay nalula rin sa sinabi nitong halaga pero hindi niya ipinahalata iyon. Ganoon ba talaga siya kaganda?

Lumapit pa nang husto ang lalaki sa kanya. "Hindi pa ako sumusuko, sweetie. You gotta be mine tonight," patuloy nito at hinaplos ang pisngi niya.

Naramdaman niya ang paghaltak sa kanya ni Xander palayo sa lalaki. He pulled her against him. Napayakap tuloy siya rito. At sa kabila ng nararamdamang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki ay naisip pa niyang amuyin si Xander. He smelled so good and the thought of their bodies being close made all her downy hairs rise.

"She's already mine, pare. Just try your luck next time," cool na cool na sabi ni Xander at itinuloy na ang paggiya sa kanya palayo.

Nang tapunan ni Sheye ng tingin ang lalaki ay nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. 

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now