SCENE 18

4.9K 124 2
                                    


NAHIGIT ni Sheye ang hininga nang masilayan ang marangyang sala ng mansiyon ng "papa" niya. Sa labas pa lang ay namangha na siya sa lawak at ganda ng hardin. Halos hindi siya makapaniwala kung gaano kayaman ang don. Sa mga pelikula lang niya nasisilayan ang ganoon kagandang bahay. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng pagkakataong manirahan sa isang mansiyon na katulad niyon. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa iyon gayong alam niya kung ano ang kanyang misyon sa bahay na iyon. Malinis man ang hangarin niya para sa mga mahal sa buhay at para sa don ay hindi pa rin maikakailang lolokohin niya ito.

"Not in the brutal sense of the word," naalala ni Sheye na sabi ni Queenie. At kahit paano ay gumagaan ang bigat sa dibdib niya tuwing naiisip na mas maraming advantages ang gagawin niyang pagkukunwari kaysa disadvantages niyon.

"Welcome to our house and our family, Sheye," nakangiting sabi ni Doña Alejandra.

Ginantihan niya ito ng ngiti. Yeah, welcome to my location shoot and my film production family.

"Please take a seat. Tatawagin ko na ang 'papa' mo," sabi pa nito.

"Papa?" namamanghang tanong ng matandang babae na ipinakilala ng doña bilang si Manang Lucing, ang mayordoma ng mansiyon. "Siya ang anak ni Señor Manuel?"

"Oo, Manang Lucing. Siya si Sherina, ang nawawalang anak ni Manuel."

Lumarawan ang tuwa sa mukha ng mayordoma. "Salamat sa Diyos at natagpuan ka rin, hija. Naku, siguradong matutuwa ang señor."

"Ikaw na muna ang bahala kay Sheye, Manang Lucing. Pakibigyan mo siya ng maiinom. Tatawagin ko lang si Manuel." Pagkatapos magpaalam sa kanya ay umakyat na sa grand staircase ang doña.

"Ano'ng gusto mong inumin, hija?" tanong ng mayordoma.

"Huwag na po kayong mag-abala, Manang. Hindi po ako nauuhaw."

"Ikaw pala ang anak ni Ana," mamasa-masa ang mga matang sabi nito.

"Kilala n'yo ho ang... nanay ko?"

Sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango. "Matagal na akong naninilbihan sa pamilyang ito. Mabait ang nanay mo at siya ang pinakamasipag sa lahat ng katulong dito noon. Hindi ako nagproblema sa kanya kahit minsan. Noong umalis siya rito kasama ni Jun, nalungkot talaga ako."

Bahagyang natigilan si Sheye sa nalaman. Dating katulong sa mansiyon na iyon ang ina ng karakter na ginagampanan niya? Hindi yata iyon nabanggit ng doña. Ang ibig sabihin, nagkarelasyon pala si Ana at ang amo nito. Pero... "Sino po si Jun?"

"Ang dating hardinero."

Sumama sa hardinero si Ana. More or less, parang alam na niya ang itinakbo ng istorya ng mga ito. Nabuntis ni Don Manuel si Ana pero hindi ito pinanagutan dahil langit at lupa ang agwat ng mga ito. May gusto si Jun kay Ana at ito ang sumalo sa pagbubuntis ng babae.

Kung ganoon ay mali ang ginawa nilang script ng doña. Dapat ay hindi siya lumaki sa mga lolo niya nang mamatay si Ana, kundi sa pangangalaga ni Jun. Pero ang doña ang direktor at ito ang dapat na masunod. Kung hindi ay magkakaroon sila ng miscommunication at baka masira ang drama nila.

"Hindi mo ba kilala si Jun? Kunsabagay nga naman," patango-tango pang sabi ng mayordoma.

Magtatanong pa sana si Sheye nang makuha ang atensiyon niya ng pababang doña kasama ang lalaking tinutukoy nitong kapatid. Bigla ang pagtahip ng dibdib niya nang makita ito. Pinaghalong kaba at guilt ang kaagad niyang nadama.

Heto na... Simula na ng drama niya.

"A-anak..." sambit ni Don Manuel. Bakas sa guwapo nitong mukha ang sobrang kaligayahan nang makaharap siya nang tuluyan. Mamasa-masa ang mga mata nito habang titig na titig sa kanya.

Sa tindi ng acting skills niya ay nagawa niyang maging teary-eyed kaagad ang sarili. She sniffed while looking straight into his eyes. "A-ako nga po..."

Umangat ang nanginginig na mga kamay ng don para humaplos sa mga pisngi niya. "Anak..." muling sambit nito sa paos na tinig. Nang yakapin siya nito at gumanti siya ng yakap, pakiramdam niya ay nayakap na rin niya ang tunay na ama. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mayakap ang mga magulang. Sa isiping iyon ay lumabas ang totoong luha mula sa kanyang mga mata. Most of the times, personal experiences were useful in internalizing and acting.

"P-Papa..." she whispered, calling out to her real father six feet under the ground.

Napabitiw ito ng yakap sa kanya. Namamangha ang expression ng mukha nito habang hilam sa mga luha ang mga mata. "Tinawag mo akong 'Papa'?"

Umagos ang mga luha niya. "Opo, Papa."

"H-hindi ka galit sa akin?"

Umiling si Sheye na lalong nagpaiyak dito. Niyakap uli siya ng don.

"Salamat sa Panginoon at nakita rin kita sa wakas, anak. Mahigit isang taon kitang hinanap. Akala ko, hindi na kita makikita pa at mayayakap nang ganito. Mabuti na lang at dininig pa rin ng Diyos ang mga dasal ko..."

Hindi niya napigilan ang muling pagbulusok ng guilt sa puso nang marinig ang ngalan ng Diyos. Sana ay maunawaan Nito ang ginagawa niya.

Pinalis ng don ang mga luha sa mga pisngi niya. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang mukha niya. "Napakaganda mo, anak. Lumaki kang napakagandang bata kahit walang mga magulang na nagpalaki sa 'yo." Nakita ni Sheye ang paglungkot ng mga mata nito. "Patawarin mo ako, anak, sa kasalanan ko sa 'yo at sa mama mo. Napakalaki ng naging kasalanan ko sa inyong dalawa."

Ngumiti si Sheye nang bahagya sa pagitan ng pagluha. "Napatawad na kita, Papa. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa 'yo. Ang gusto ko lang ay ang makita ka at maranasang magkaroon ng magulang..."

"Napakabuti mo, anak. At ikinalulungkot ko na naghirap ka sa buhay dahil sa akin. Pinabayaan kita. Pero ngayong nakita na kita, hinding-hindi na kita pababayaan. Aalagaan na kita. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa."

Patuloypa rin ang pag-agos ng mga luha ni Sheye. Dinibdib na niya nang husto angpag-acting. Nakatulong din ang pagluha ng don dahil totoong naapektuhan siya saemosyong ipinakita nito. Nang tapunan niya ng tingin ang audience nila aynakita niyang lumuluha rin sina Manang Lucing at Doña Alejandra.     

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now