SCENE 11

5.3K 125 1
                                    


"PARE, don't abuse your accelerator. Baka lalo mong hindi makita ang babaeng iyon. Baka hindi tayo umabot sa Eve's at pareho tayong mamatay sa car crash," pagpapaalala ni Dom kay Xander. Eksaherado pang humawak si Dom sa kinauupuan sa mabilis niyang pagpapatakbo. "Oh, well, kunsabagay, puwede mo pa rin naman siyang gantihan bilang isang multo." Tumawa pa ito. "But I can't let you take me with you till death, pare. Marami pa akong kakaining mansanas."

Xander gritted his teeth. Kung sa ibang pagkakataon ay tatawa siya at makikisakay rin sa biro ng kaibigan. But he was not in the mood for his shaggy dog stories. He was bloodthirsty. At kapag hindi tumigil si Dom ay baka ito ang mapagdiskitahan niya at ito ang magdusa sa kasalanan sa kanya ng isang tusong babae.

Debbie, the she-devil. Shit!

She was indeed a she-devil. Ang akala ni Xander ay sa kama lang nito taglay ang karakter na iyon. At kahit isang demonyita ay langit ang ipinapangako ni Debbie sa sinumang lalaking makasama nito. But she literally lived up to her impersonation of a she-devil. She brought him to hell last night!

Nautakan siya ng tusong babaeng iyon. Nilagyan nito ng pampatulog ang tequila na ininom niya nang gabing iyon. Tinakasan siya tangay ang isandaang libong piso niya. He did not care much about the money. Ang mas ipinaghihimagsik ng kalooban niya ay ang katotohanang naloko siya ng isang bayarang babae. Iyon ang kauna-unahang pag-upa niya ng isang babae pero minalas pa siya. That bitch would have to pay him big for the damages she had caused his ego.

Walang babaeng tumanggi sa kanya kahit minsan. Women jumped into his bed even without a fee. May iba pa ngang nagmamakaawa pa para lang angkinin niya. May obsessed pang katulad ni Liz. Kaya hindi niya lubos-maisip kung bakit kailangan siyang takasan ng babaeng iyon.

"Hindi ako makapaniwalang na-scam ka, pare," patuloy pa ni Dom na parang hindi alintana ang paninigas ng mga panga niya sa galit. Pumalatak pa ito na lalong ikinainit ng ulo ni Xander.

"Shut the fuck up, man. Pati ikaw, may kasalanan sa 'kin. Ikaw ang nagdala sa akin sa Eve's Apple na 'yan. Kasama ka sa mga dapat kong sisihin sa nangyari. Kung hindi mo ako pinilit na magpa-member doon, I wouldn't have been in this mess."

Eksaherado ang ginawang pagsinghap ni Dom. "Pare naman. Bakit ako? Sino ba nama'ng maysabi sa 'yong maglabas ka ng ganoon kalaking halaga para sa babaeng iyon?"

"Si Dennis," he said in between clenched teeth. Ikinuwento ni Xander kay Dom ang mga tagpo sa naganap na tagisan sa pagitan nila ni Dennis. Ngayon siya nagsisisi kung bakit nakipaghamunan pa siya rito. Kung nagpatalo sana siya, ito dapat ang nabiktima ng babaeng iyon at hindi siya. Kung malalaman lang ni Dennis ang kinasapitan niya sa kamay ng babaeng pinag-agawan nila kagabi, siguradong pagtatawanan at tutuyain siya nito.

"Eh, di si Dennis ang sisihin mo," pamimilosopo pa ni Dom. Tinapik siya nito sa balikat nang tapunan niya ito ng matalim na tingin. "Pare, relax, okay? Kung papalarin tayong hindi mabangga, makakarating tayo sa Eve's at makikita natin doon ang babaeng iyon. Sisiguruhin nating mababawi mo ang pera mo at magagahasa mo... natin siya nang libre." Nangingiti pa ito sa naisip na kalokohan.

"I had enough of your smart-ass, Dom. Sa tingin mo ba, pagkatapos ng ginawa niya, magpapakita pa siya sa 'kin? Siguradong nagtatago na iyon."

"Kung ganoon pala, eh, bakit pa natin kailangang pumunta sa Eve's kung alam mo naman palang wala na siya roon?"

"Itatanong natin doon kung saan siya makikita. Kung saan siya nakatira. Kung sino siya at kung ano ang totoo niyang pangalan. Siguradong may contact sila sa babaeng iyon. Sinabi mo sa akin noon na hindi basta-basta ang club na iyon. Kung ganoon, hindi rin basta-basta ang pag-e-employ nila ng mga empleyado."

"And come to think of it, pati sila ay may kasalanan sa nangyari, 'di ba? Sa kanila galing ang babaeng iyon. Dapat silang managot sa nangyari sa 'yo. Binaboy nila ang puri mo, pare."

"Yes, pero hindi ko hahayaang malaman nila ang kahihiyang inabot ko sa kamay ng babaeng iyon." Xander would die first kaysa malaman ng ibang tao, maliban sa matalik na kaibigang si Dom, ang nangyari sa kanya.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now