SCENE 27

4.7K 108 0
                                    


PABALABAG na isinara ni Xander ang pinto ng silid niya at pabagsak na umupo sa gilid ng kama. Hindi siya puwedeng magkamali. It was her. Debbie and Sheye were one and the same person.

When he kissed Sheye, it was as if he was thrown back to that night in the motel room. The taste of her lips, the feel of their mouths clashing together, that unbelievably strong desire Debbie awakened in him—they were all there when he kissed Sheye.

But... the confusion on her face, it looked genuine. The clueless look in her eyes. Ang mga sinabi nito. Nagkakamali nga lang ba siya?

Posible kayang iniisip lang niya ang lahat ng naramdaman para lang mapagtugma ang dalawang babae? Was he that desperate to unconsciously do such a thing? Nagkataon lang ba na may ilang pagkakahawig ang dalawang babae sa pisikal na hitsura? Wala nga bang kinalaman ang pagkakaroon ni Sheye ng koneksiyon sa Eve's Apple bilang isang lady bartender?

He let out a sharp breath. Paano kung si Sheye nga ang manlolokong si Debbie? Hahayaan ba niyang lokohin at kuwartahan nito ang pamilya niya? Pero paano kung nagkakamali lang siya ng hinala? Paano kung wala nga itong kinalaman sa babaeng may atraso sa kanya at totoong pinsan niya ito? Lilikha ng lamat sa pagitan nila ang ginawa niya rito. Paano na lang kung magsumbong ito sa tiyuhin niya?

"Shit!" he muttered and took off his shirt. Padabog niya iyong inihagis sa sahig. Isinunod niya ang pantalon. He was totally naked when he went under the shower.

Paano nga kaya kung nagkakamali lang siya? If so, what he did to her in her room was unforgivable. Kung sasabihin ni Sheye sa ama nito ang ginawa niya ay siguradong magagalit ang tiyuhin sa kanya. Dapat siguro niyang pagsisihan ang ginawa.

But no. He had no regrets he kissed her. Damn him but it was true. At ngayon ay kinakailangan pa niyang tumapat sa rumaragasang tubig para lang alisin ang init na nilikha ng babae sa buo niyang pagkatao. Kapamilya niya si Sheye. Hindi niya dapat maramdaman ang ganoon sa anak ng tiyuhin, kung hindi ay baka samain siya.

Pero paano kung hindi ito ang totoong nawawalang anak ng tiyuhin? Paano kung totoo ang instincts niya? Kailangang mag-imbestiga siya. Kailangang siguruhin niya ang naging proseso sa ginawang paghahanap ng ina sa tunay na anak ng tiyuhin niya. Kailangan niyang malaman ang totoo. Hindi pa rin siya maniniwala hanggang sa malaman niya ang katotohanan.

Sa ngayon, hahayaan muna ni Xander ang ginagawa ni Sheye. Kung totoo ang hinala niyang ito si Debbie at nagpapanggap lang ito para kuwartahan ang pamilya niya ay malalaman din niya sa paglipas ng mga araw. Lahat ng gagawin ni Sheye ay babantayan niya. Sa pamamagitan ng panunubok at pag-oobserba rito ay malalaman niya kung ito nga talaga ang babaeng may atraso sa kanya. At humanda ito sa oras na mapatunayan niyang ito nga si Debbie at binibiktima rin nito ang tiyuhin niya.

Shewould pay him big-time in prison... and in his bed.     

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now