SCENE 42

4.3K 90 1
                                    


PARANG nakakita ng multo si Sheye nang mamataan ang papasalubong sa kanya sa hallway ng administrative floor ng Cinemaze. Tinangka niyang umiwas at magtago pero nakita na siya nito. Sumosobra naman yata ang kamalasan niya nang araw na iyon.

"Sheye?!" parang gulat na gulat na bulalas nito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Liz!" Sheye faked a surprised look. "Ba't ka nandito? Akala ko, nasa States ka?"

"Paano mo nalamang nasa States ako?"

"Ha? Ah... inalam ko. Kasi tinakbuhan mo 'ko, eh. Hindi mo ibinigay nang buo ang bayad sa akin." Lumingon-lingon siya dahil baka biglang lumitaw si Xander at makita pa silang nag-uusap ni Liz.

"Hindi ko naman napakinabangan ang ipinagawa ko sa 'yo, eh. Tama na siguro 'yong idineposito ko sa 'yo. Bakit ka nga nandito?"

"Hmm... nag-shooting. Kasi, natanggap akong commercial model," pag-iimbento niya.

"Nag-shooting? Dito sa administrative area?"

"Eh... kinausap ako ng producer pagkatapos ng shooting."

Inilapit ni Liz ang bibig sa tainga niya at bumulong. "Alam mo bang dito nagtatrabaho ang fiancé ko? In fact, ang pamilya nila ang isa sa mga may-ari ng kompanyang ito. Mag-ingat ka at baka makita ka ni Xander."

Pinigilan ni Sheye ang pag-ikot ng mga mata sa sinabi ni Liz. Fiancé raw? Mas magaling pa yata itong magpanggap kaysa sa kanya. Kunwari, napasinghap siya sa impormasyong sinabi nito. "Talaga? Naku, aalis na nga ako at baka makita pa ako n'on. Sige, bye!"

Pagpasok sa elevator ay sinimulan nang isipin ni Sheye kung ano ang gagawin ngayong nandoon na sa bansa si Liz. Paano na lang kung pumunta ito sa mansiyon at makita siya roon? Ano naman ang idadahilan niya? Alam niyang may pagka-weird ang babae pero hindi ito tanga para paniwalaan siya kung sakaling sabihin niyang siya ang totoong nawawalang anak ng tiyuhin ni Xander. Kailangan niyang humingi ng tulong kay Doña Alejandra. Pag-uwi nito sa bahay ay kakausapin niya ito.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now