SCENE 43

4.4K 104 1
                                    


HINALTAK ni Xander ang braso ni Liz habang naglalakad ito sa hallway. Nagulat pa ang babae nang makita siyang nagtatago sa isang pasilyo.

"Xander! What are you doing there?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin. Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba, doon ka na sa States habang-buhay?"

"Hindi, ah. Nagbakasyon lang ako," nakalabing sabi ng babae.

"Nagbakasyon lang sa panggugulo sa akin, gano'n ba? And now you're back being my plague?"

"I missed you. Hindi mo ba ako na-miss?" Umarte itong parang iiyak.

"Bakit kilala mo si Sheye?" Iyon talaga ang dahilan kung bakit niya hinila si Liz. Kung hindi dahil sa nakita at narinig niyang pag-uusap ng dalawa, nunca na magpakita siya kay Liz. Nang magpaalam kasi si Sheye sa kanila ay lumabas na rin siya pagkaraan ng ilang segundo. Hindi niya inakalang makikita sa hallway ang dalawang babae at maririnig ang ilan sa napag-usapan ng mga ito mula sa pinagtataguan niya. Bakit kailangang magsinungaling ni Sheye kay Liz at sabihing galing ito sa isang shooting kaya nandoon sa Cinemaze?

"Ha? N-nakita mo na siya? Nakita mo kaming..."

"Hindi lang nakita, narinig ko pa kayo. Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ipinagawa mo sa kanya para bayaran mo siya."

"Ah, eh..." Napakagat-labi si Liz.

Hinila niya ito sa private office niya. "Now, speak. Ano'ng relationship mo sa pinsan ko? Noon pa ba kayo magkakilala?"

Napamulagat ito. "Pinsan?"

"Yes. Siya ang nawawalang anak ni Uncle Manuel."

Sa pagtataka ni Xander ay tumawa ito. "That bitch. Ang galing talaga niya."

"Ano'ng sabi mo?"

"Xander, she's not your cousin. She's fake."

Siya naman ang napamulagat sa sinabi ni Liz. "What did you say?"

"She's fake. She's an actress. A hired impostor. Magaling siyang magpanggap. Iyon ang trabaho niya." Lumarawan ang pagkamangha sa mukha ni Liz. "Now, I know she's really good. Napaniwala niya kayong siya ang nawawalang anak ni Uncle Manuel. At pati ikaw?"

Nanigas ang mga panga ni Xander. Hinablot niya ang braso ni Liz. Napahiyaw ito. "Paano ka nakakasiguro sa sinasabi mo?"

"I... I hired her once kaya ko siya nakilala," nakangiwing sagot nito.

"At ano'ng ipinagawa mo sa kanya?"

"I-it's a secret job. Hindi ko puwedeng sabihin. Pero nakakasiguro akong niloloko lang kayo ng babaeng iyon."

Binitiwan niya ang babae at marahas na huminga. Naalala niya ang insidente sa opisina ng ina kung saan napagkamalan si Sheye na ibang tao ng inaanak ng mama niya. O napagkamalan lang ba talaga? Then a picture of a sly she-devil flashed in his mind. He felt like being hammered on the chest at the idea. Could it be that he was right all along? Could it be that that runaway prostitute was really Sheye? "An... impostor? She does it for money?"

"Yes. Hindi ko akalaing ganito pala siya ka-big time manloko. Nagpanggap siyang nawawalang anak ni Uncle Manuel para makahuthot ng pera sa inyo. My God, mag-ingat kayo sa kanya. Baka may mga kasama pa siya sa panloloko sa inyo. I didn't know she's this dangerous pala. Baka nga member pa siya ng isang syndicate. Oh, shocks!"

Naikuyom ni Xander ang mga kamay. Paano nangyaring naloko sila nang ganoon ni Sheye? Paano nangyaring nakapasok ito sa pamilya nila na wala man lang ibang naghinala rito maliban sa kanya? Paano nito naloko ang mama niya? Kung totoo nga ang sinabi ni Liz, bakit wala sa mga impormasyong nakalap ni Dunkey Orosa ang tungkol sa trabaho ni Sheye bilang isang bayarang impostor? At bakit lumabas sa imbestigasyon ng PI na si Sheye nga ang tunay na anak ng tiyuhin?

"Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa mga sinabi mo tungkol kay Sheye, I'm going to wring your neck," babala ni Xander kay Liz. "At saka nga pala, huwag mong sasabihin kay Sheye na nagkausap tayo at may sinabi ka sa 'kin tungkol sa kanya. Kung puwede, huwag ka na lang magpakita uli sa kanya."

"Sige. Pero i-promise mo na hindi mo 'ko isusumbong kay Daddy. Kasi sabi niya, pababalikin daw uli niya ako sa States kapag nakipagkita uli ako sa 'yo."

Now that was what he needed to do para mawala na uli sa landas niya ang makulit na batang ito. Ang isumbong ito sa ama nito. 

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon