FINAL SCENE

10.1K 250 30
                                    


NAKANGITI si Sheye habang pinagmamasdan ang buong paligid mula sa entourage table. Lahat ng mga tao sa reception ng kasal nila ni Xander ay pawang masasaya para sa kanilang dalawa. Natuon ang mga mata niya kay Doña Alejandra na biyenan na niya nang mga sandaling iyon. Ngumiti ito sa kanya. Naunawaan at napatawad na niya ito. Para din naman sa kapakanan ng ama niya ang ginawa nito at para din sa kanya. Para sa buong pusong pagtanggap niya sa ama.

Sinulyapan ni Sheye ang ama na busy sa pakikipag-usap sa Lola Senda niya. Natutuwa na siyang nagkasundo na ang dalawa ilang linggo pagkatapos niyang malaman ang katotohanan tungkol sa tunay niyang pagkatao. Ang totoo, pinayagan na ng lola niya ang pag-ampon sa kanya ng ama. Olivar na ang apelyido niya bago ang kasalang iyon. Xander was an Avila because he carried his estranged father's surname, which made her Mrs. Sherina Olivar Avila.

"Happy?" tanong ni Xander na dinampian pa siya ng halik sa pisngi para kunin ang atensiyon niya mula sa paglilibot ng tingin sa mga bisita.

Sheye smiled happily. "Very. You just can't know how much, babe. Words couldn't describe how happy I am."

Xander grinned naughtily and whispered to her ear, "Let me know how much tonight. And I don't really need words, you know. Just pure action will do."

Tumawa siya nang mahina at kinurot ito sa tagiliran.

"Remember what you promised, she-devil. Ipagpapatuloy mo ang naudlot mong role-playing nang gabing iyon. You'll get dressed as a she-devil tonight for our honeymoon. And you will burn my sinful soul to fire."

She smiled wickedly. "Yes, handsome sinner."



NOTE FROM THE AUTHOR: Pack-up na! :D May konting deleted scenes (sorry, some scenes are exclusively for those who bought the print book) pero ganun pa rin naman ang story , wag mag-alala. Maraming salamat sa pagbabasa. :) -<3Yngrid

🎉 You've finished reading Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1) 🎉
Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now