SCENE 46

4.6K 116 3
                                    


HINDI makapaniwala si Xander sa mga narinig mula sa pagtatago sa isa sa mga shelves na nakahilera sa malaking library. Nasa loob siya ng silid at may hinahanap na libro nang marinig ang pagpasok ng ina kasama si Sheye. Hindi siya nakita ng dalawa dahil natatakpan siya ng isang malaking shelf. Magpapakita na sana siya sa mga ito pero nang marinig niya ang pag-lock ng pinto ay natukso siyang alamin kung ano ang sekretong pag-uusapan ng dalawa at kinailangan pang magkandado ng pinto.

He was right all along! Sheye was a fake. Pero ang hindi talaga niya inasahan ay ang partisipasyon ng ina sa pagpapanggap nito, the fact that his mother was the mastermind of all that fraud.

Base sa mga narinig ni Xander, alam na niya ang dahilan ng ina kung bakit nito nagawa ang kasinungalingang iyon. Gusto ng ina na bigyan ng kasiyahan at pag-asa ang kapatid nito. Alam niya at nakikita ang paghihirap ng loob ng mama niya tuwing tinitingnan ang kapatid nito noong wala pa si Sheye sa mansiyon. His uncle looked helpless despite his fake smile. Maski siya ay naawa sa uncle niya. Nagawang kumuha ng kanyang ina ng taong magpapanggap bilang nawawalang anak ng kapatid nito dahil sa awa sa kapatid.

Kaya pala ayaw ng mama niya na ipakita ang reports ng private investigator na nakahanap sa nawawalang anak dahil wala naman pala talagang ganoon. Ang hindi niya maisip ay kung bakit lumabas sa reports ng kinuha niyang private investigator na si Sheye nga ang nawawalang anak ng tiyuhin. Posible kayang may koneksiyon si Dunkey Orosa sa ina niya o kay Sheye at fabricated reports ang natanggap niya mula rito? Pero paano naman nangyaring si Dunkey Orosa pa ang private investigator na nakuha ni Rhea para sa kanya?

Sa isang banda ay nauunawaan ni Xander ang ina sa ginawa nito. Pero mali pa rin ang ginawa nito. Lalo lang nitong sasaktan ang tiyuhin niya sa oras na malaman ng tiyuhin ang katotohanan sa tunay na pagkatao ng inakala nitong anak.

At si Sheye, isang bayarang impostor nga. Tama si Liz. Pero base sa mga narinig niya, kahit paano ay naibsan ang galit na nadama niya sa uri ng trabaho nito. Sheye did not intend to pose as the long-lost daughter. Napilitan lang ito dahil nangailangan ng pera para sa lola nitong kailangang operahan. And his mother was there, offering help in return for a job.

It was all too impossible to be true. Hindi talaga makapaniwala si Xander na totoong nangyayari ang kasinungalingang iyon sa bahay na iyon, sa pamilyang iyon. At hindi rin siya makapaniwalang sa kabila ng lahat ay may parte sa kanya ang nagdiwang na hindi totoong anak ng tiyuhin si Sheye. They were not family. And one more thing, hindi masamang tao ang babae gaya ng sinabi ni Liz. Sheye had a heart despite her incredulous job as a hired impostor. 

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now