SCENE 49

5.4K 130 0
                                    


HINDI inakala ni Sheye na magkakasabay pa ang kotse nina Xander at Dennis sa pagparada sa labas ng gate ng mansiyon. Hindi rin niya inakalang kakikitaan niya ng matinding galit si Xander dahil lang nakita siya nitong kasama ang kakompetensiya nito sa hanapbuhay.

"Saan kayo galing?" marahas na tanong ni Xander. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Dennis.

Napasulyap si Sheye kay Dennis. He looked at Xander with coldness, his face almost expressionless. Kahit paano, nakabawas sa pag-aalala niya na hindi kasimbayolente ni Dennis ng anyo ni Xander.

"Xander, kumain lang kami," kinakabahang sagot ni Sheye.

"You freakin' asshole! Get out of my house now!" pasigaw na sabi ni Xander kay Dennis na kinakitaan na niya ng galit sa mukha.

Nabigla si Sheye sa ginawa nitong pagsigaw, lalo na nang umakma itong susugurin si Dennis. Bigla ay napayakap siya rito para pigilin sa paglapit kay Dennis.

"Please leave, Dennis," pakiusap ni Sheye pero hindi ito tuminag sa pakikipaglabanan ng matalim na tingin kay Xander.

"No, sweetie. Sa tingin ko, kailangan nang malaman ni Xander kung saan talaga tayo totoong nagpunta," malisyosong sabi ni Dennis na ikinabigla niya.

Sweetie? nababahalang pag-ulit niya sa isip.

Parang nasindak si Xander sa narinig mula sa kaaway. Lumarawan ang matinding galit sa mukha nito. Inilayo siya nito sa pagkakayakap dito at sinaklit ang braso niya. "Saan kayo nagpunta?" marahas nitong tanong, nagpalipat-lipat ang parang nag-aapoy na mga mata sa kanya at kay Dennis.

Napapangiwi man sa sakit na dulot ng pagkakadiin ng mga daliri ni Xander sa braso niya ay nagawa niyang umiling para pasubalian ang ibig ipahiwatig ni Dennis.

"We'll just leave it to your imagination," nakangising sabi ni Dennis na binigyan niya ng nagtatanong na tingin.

"Fuck you!" Xander squealed at umaktong susugurin ang kaaway pero pinigilan niya ito. Kahit sa sarili niya ay gusto niyang saktan si Dennis sa kalokohang ginawa nito ay hindi pa rin niya makakayanang magpang-abot ang dalawa at magkasakitan. Parang bale-walang sumakay na si Dennis sa kotse nito at nag-iwan pa ng isang halakhak.

"Bastard!" Sheye hissed. Napakatanga niya para magtiwala kay Dennis. Ang ibig sabihin, nagpanggap lang pala itong mabait sa kanya para gamitin siya para galitin si Xander.

Pero bakit kailangang gawin iyon ni Dennis kay Xander? At bakit ganoon na lang ang galit ni Xander? Hindi niya inasahang ang simpleng aksidenteng pagkikita nila ni Dennis ay magmimitsa sa sitwasyong iyon.

Nang makalayo na ang kotse ni Dennis ay hinila siya ni Xander papasok sa bahay. Hindi na nito pinagkaabalahan pang ipasok ang kotse sa gate. Tuloy-tuloy sila sa library kung saan ini-lock pa nito ang pinto.

Isang malakas na pagsinghap ang kumawala sa bibig ni Sheye nang muli nitong hablutin ang braso niya. Nag-init ang mukha niya sa matinding galit. For a moment, she felt scared.

"Xander, nasasaktan ako," nakangiwing sambit niya.

"You stubborn little... Bakit sumama ka sa kanya?" he asked harshly.

"H-hindi ko pinlanong makipagkita sa kanya. Nagkita lang kami sa isang restaurant nang hindi sinasadya. Kumain lang kami. 'Tapos, inihatid na niya ako rito. Maniwala ka. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagsalita ng mga ganoong bagay," natatarantang paglalahad ni Sheye ng totoo.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now