SCENE 40

4.7K 113 1
                                    


NAGPAKAWALA ng malalim na hininga si Xander bago sinaid ang laman ng kopitang tangan. Hindi na tama ang mga nangyayari. Sumosobra na ang closeness nila ni Sheye. Dapat siguro, dumistansiya na siya nang kaunti rito. Pero paano niya magagawa iyon kung mayroong Dom na nagpapa-cute dito at isang kaaway na nagbabantang gamitin ang dalaga sa pagganti sa kanya?

Pero hindi na niya nagugustuhan ang mga konsekwensiya ng pakikipaglapit sa dalaga. May kung anong damdamin na ginigising si Sheye sa kanya na hindi niya dapat maramdaman para dito. May mga pagkakataong nakakalimutan niyang anak ito ng tiyuhin niya at may ilang pagkakataong talagang hindi niya gustong isiping ganoon.

It felt so right to hug her so close in his arms. He even dreamed of kissing her again wildly, passionately until they both craved for a bed to cradle them both as they made love. And every time he would feel his body reacting to his wild thoughts, he would always end up cursing himself. He must be going mad.

He got mad when she told him she was interested in Dom. Naisip pa nga niyang iuwi si Sheye mula sa Antipolo para lang ilayo sa kaibigan kung hindi lang siya magmumukhang tanga. At noong nagsasayaw ang mga ito sa dinaluhan nilang party, he had an urge to throw Claudette away and pull Sheye away from Dom. He hated the fact they were too close while dancing and the way his friend was touching her back and her hand.

Lolokohin ni Xander ang sarili kung sasabihin niyang gusto lang niyang protektahan si Sheye mula sa babaerong kaibigan niya. At gayundin sa mortal niyang kaaway na si Dennis. Alam niyang hindi lang dahil ayaw niyang idamay ni Dennis si Sheye sa away nila at gamitin nito ang dalaga para magantihan siya kaya gusto niyang ilayo ang sa lalaki.

Alam niya kung ano ang ipinagsisintir ng kalooban niya. He was jealous. He could not remember the last time he felt that violent emotion. Hindi siya makapaniwalang nadarama niya iyon sa pagkakataong iyon at sa mali pang babae. But damn it, wala siyang karapatang makaramdam ng ganoon. Hindi tama ang nadarama niya. Dapat na siguro niyang bawasan ang paglapit kay Sheye although a part of him was violently protesting.

Tumayo na si Xander mula sa pagkakaupo sa stool ng minibar nang mapagpasyahang umuwi na lang sa pad niya. Pero nakita niyang bumababa mula sa hagdan ang gumugulo sa isip niya. She was smiling so sweetly. She walked like a dream towards him he was stunned on his feet. Ikinabigla pa niya ang biglang pagbilis ng pintig ng puso. Epekto ba iyon ng alak?

"Hi," masayang bati nito. "Kanina ka pa ba dumating? Kumain ka na?" Tumingin si Sheye sa suot na wristwatch at muling ibinalik ang tingin sa kanya. "Ten o'clock na pala. Wanna watch a movie with me?" Ang tinutukoy nito ay ang panonood ng pelikula sa TV room na madalas nilang gawin.

To his own amazement, kusang kumilos ang mga kamay ni Xander para kabigin ang dalaga palapit sa kanya. alam niyang nabigla ito sa ginawa niya. He gathered her in his arms possessively as if she was his. He sniffed and kissed her hair. He groaned silently as he felt the need to do more than those. Hindi niya alam kung makabubuti sa kanya ang ginagawa niya o lalo lang niyang pinahihirapan ang sarili.

"Xander..." narinig niyang sambit nito. "L-lasing ka, 'no?"

"Just stay in my arms for a while, please?" he whispered. Kinuha niya ang mga braso ni Sheye at ipinalibot sa sarili. Hindi alam ni Xander kung hanggang kailan niya mapaninindigan ang pagsikil sa nadarama para sa isang kapamilya. If only she was not his uncle's daughter.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now