SCENE 46

5.2K 121 1
                                    


"NARINIG kong balak kang ibili ni Uncle ng kotse."

Bumagal ang pagnguya ni Sheye sa sitsiryang nasa bibig. Hindi niya inalis ang tingin sa screen kung saan nakasalang ang isang romantic movie. Baka iyon na ang huling panonood nila ni Xander na magkasama sa loob ng maliit na sinehang iyon. Kapag napag-usapan na nila ni Doña Alejandra ang detalye ng gagawin niyang pagtakas ay hindi na niya makikita si Don Manuel... at si Xander.

Ganoon pala talaga kasakit ang mawalan ng minamahal sa buhay. Minahal na niya ang don bilang tunay na ama. Hindi niya malilimutan ang kabaitan at pagmamahal na ipinadama nito sa kanya bilang anak. Hindi yata niya kakayanin kung magalit ito sa kanya. Isipin pa lang niya, nasasaktan na siya. At si Xander. Hindi na niya masasabi sa sarili na simpleng atraksiyon pa rin ang nadarama niya para dito. She was in love with him already. Pag-ibig na sa pangarap lang magkakaroon ng katugon at katuparan. At alam niyang kasusuklaman siya ni Xander sa oras na malaman nito ang lahat ng mga kasinungalingan niya. Gusto tuloy niyang kamuhian at ikahiya ang sarili sa mga ginawa sa dalawang taong napamahal na sa kanya nang lubusan.

"Sabi nga niya, pero tumanggi ako. Mas okay na kasama ko si Mang Simon." Ang driver ni Doña Alejandra ang tinutukoy ni Sheye.

"Kailan ka nga pala mag-e-enroll? Malapit na ang pasukan, ah."

"Ah... by the end of the month na lang siguro." By the end of the month, she was not in that house anymore.

"How about 'yong pag-a-adopt sa 'yo ni Uncle para maging Olivar na ang apelyido mo?"

"H-hindi pa niya nakakausap ang lola ko, eh. Hindi niya puwedeng gawin iyon hangga't hindi pa sila nakakapag-usap ni Lola."

"Kailan pa raw niya kakausapin?"

"Ang totoo... ayokong ipakausap si Lola."

Kumunot ang noo ni Xander. "Bakit?"

"Alam kong tatanggi siyang mapalitan ang apelyido ko."

"Why?"

"Dahil..." Napabuntong-hininga si Sheye. "Ang dami mong tanong." Napapagod na siyang magsinungaling.

Ngumiti si Xander. "Ang tagal na kasi nating hindi nakapag-usap."

"Ang sabihin mo, may pagkatsismoso ka lang talaga," paingos na biro niya. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Samantalang ikaw, masyadong malihim. Parati na lang ako ang tinatanong mo. Wala nga akong alam tungkol sa 'yo, eh."

"Okay, ano ba'ng gusto mong malaman tungkol sa 'kin?"

Napatitig si Sheye kay Xander. Hindi siya makapaniwalang may pagkakataon na siya para alamin ang mga bagay na gusto niyang malaman mula rito. "Sure? Okay, sino si Raya sa 'yo? Sino si Claudette? Sino-sino pa ang flings mo? Wala ka pa ba talagang nagiging girlfriend?"

Nagpakawala si Xander ng naaaliw na pagtawa. "Whew! Ginisa mo naman ako masyado niyan."

She laughed softly. "Sagutin mo na lang."

Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago sumagot. "Raya is an ex-bedmate. And so is Claudette. Hindi mo na kilala ang iba pa. I had girlfriends during college but the relationships were not serious at all."

"Wala ka ba talagang pag-asang magseryoso ng babae? Don't you really believe in love?"

"That topic again?" Parang naalibadbaran si Xander sa binigkas niya.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now