SCENE 51

6.1K 127 0
                                    


IKATLONG araw nang wala sa mansiyon sina Doña Alejandra at Don Manuel. Ikalawang araw na ring pag-iwas at pagtatago ni Sheye kay Xander. Noong gabing may namagitan sa kanila ay hindi niya pinagbuksan ng pinto ang binata kahit anong tawag at katok nito. Nang nagdaang araw at nang umagang iyon ay hindi siya lumabas ng silid hangga't hindi niya nasisigurong umalis na ito ng bahay para pumasok sa trabaho.

Nang nagdaang gabi naman ay kumain si Sheye nang maaga para hindi siya maabutan ni Xander. Pagkatapos kumain ay nagkulong na agad siya sa kuwarto niya at nagkunwaring tulog sa mga kasambahay. Hindi na niya kailangan pang makausap si Xander para malaman lang kung gaano kamali ang nangyari sa pagitan nila, kung gaano siya katanga at kung ano lang para dito ang namagitan sa kanila.

It was just a one night of need for him. At nauunawaan niya ang binata kaya hindi niya kailangang makausap pa ito. Baka lalo lang siyang masaktan kapag nakaharap uli niya ang binata. Natatakot siyang baka hindi siya makaarte nang maayos para maitago ang sakit na nadarama. Natatakot siyang malaman nito ang totoong nadarama niya para dito.

Sa isang banda, tama pala si Xander. Movies, specifically the romantic ones, just tended to make people, especially women, believe in things like love and end up getting into a mess. She just got into a mess because she believed in love. Pero nagmahal lang naman siya sa maling lalaki kaya ganoon ang kinahinatnan niya. Kapag nagmahal ang isang tao ay walang garantiya na mamahalin din siya ng taong mahal niya. Naalala niyang nabanggit niya ang mga katagang iyon kay Xander. How sad because it was actually happening to her now.

"Don't fall in love with him or you'll be in deep shit..." She remembered Queenie said that.

Kung sana kontrolado ni Sheye ang lahat ng mararamdaman niya. Kung scripted lang sana ang buhay at kung kaya lang niyang umarteng bale-wala lang sa kanya ang lahat.

Sayang nga lang at wala siyang mapaghingahan ng problema. Dahil mula nang maghiwalay sila ni Queenie nang gabing iyon sa restaurant ay hindi na niya ito nakita pa. Nang tawagan niya ang kaibigan sa cell phone ay parating prerecorded messages ang natatanggap niya. At nang puntahan naman niya ito sa apartment nila kanina ay nakita niya ang isang sulat mula rito na nagsasabing umuwi ito ng probinsiya dahil nagkaproblema raw sa pamilya nito. Hindi naman sinabi ng kaibigan kung ano ang problema nito. Alam niya ang probinsiyang pinanggalingan nito pero hindi niya alam ang address nito. Hintayin na lang daw niya ang pagbabalik nito.

"May problema ka ba, hija?" tanong ni Manang Lucing habang ipinagsasalin siya ng tubig sa baso.

Gaya ng plano ni Sheye, maaga siyang kumain para makapagkulong na agad sa silid. "Huh? Wala po, Manang Lucing. Bakit n'yo po naitanong?"

"Napansin ko kasing parang parating malayo ang iniisip mo. At saka bigla ka yatang nagbago ng oras ng pagtulog. Maaga kang natulog noong isang araw at kahapon pero tanghali ka nang nagising."

Kung alam lang nito na madaling-araw na ay dilat na dilat pa siya sa kakaisip sa problema. "Hindi ko nga po alam kung bakit masyado akong nagiging antukin ngayon, eh."

"Hindi na tuloy kayo nagkakatagpo ng pinsan mo. Aba'y 'yong batang 'yon, parati kang itinatanong. Paggising pa lang sa umaga, hinahanap ka na. Kaya lang, tulog ka pa. At kagabi, pagkadating pa lang niya, itinanong ka rin. Kaya lang, tulog ka na. Aba'y halos hindi na kayo nagkikita, ah."

Sumubo na lang uli si Sheye ng pagkain para hindi na maobligang sumagot sa tanong ni Manang Lucing. Ano kaya ang sasabihin sa kanya ni Xander kaya siya nito hinahanap? Magso-sorry kaya ito sa nangyari sa pagitan nila? O aalukin siya nitong maging resident bedmate?

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now