SCENE 35

4.8K 103 0
                                    


PAKIRAMDAM ni Sheye magnobyo sila ni Xander habang masaya silang namimili ng mga sitsirya at iba pang mga kutkutin. Makailang beses siya nitong hinawakan sa kamay at inakay sa braso na parang napakakaswal na bagay lang iyon na dati na nilang ginagawa. Yet she knew there was no romance with the way he held her. Pampinsan lang. Siya lang ang nagbibigay ng malisya dahil may gusto siya rito.

Makailang ulit din siyang nabunggo at napadikit sa binata. She would quickly close her eyes dreamily every time she felt his skin touch hers and smelled his enchanting scent. Para siyang isang teenager sa first puppy love niya. Pero mali. Hindi dapat niya pinapapasok sa isip at damdamin ang mga ganoong bagay dahil baka makaapekto iyon sa trabaho niya. Isang pinsan lang ang dapat niyang ituring sa binata dahil iyon lang ang role niya kahit napakaguwapo pa nito at napakasarap humalik. Dapat na lang siguro niyang isipin na isa lang ito sa mga bagay na hindi niya puwedeng makuha. He would just remain a dream, considering the whole complicated situation where they were.

Pagkatapos mamili ay niyaya siya ni Xander na manood ng sine na hindi naman niya tinanggihan dahil nalaman niyang showing na pala ang gusto niyang mapanood na pelikulang coming soon pa noong huli siyang manood ng sine na kasama si Queenie.

Naalala tuloy ni Sheye ang reaksiyon ng kaibigan nang sabihin niya rito ang biro ng tadhana sa kanya. Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo ay si Xander pa ang pinsan niya sa three million-peso "movie project" niya. Katulad niya ay muntik na itong maloka sa nalaman pero nagbigay ito ng advice na mas kailangan siguro niyang isaksak sa isip sa mga pagkakataong katulad niyon na magkasama sila.

"Don't fall in love or you'll be in deep shit."

Deep shit. Maiiwasan kaya niya iyon kung hawak ni Xander ang kamay niya habang papasok sila sa sinehan? Makakaya kaya niyang tanggalin sa dibdib ang kilig na hindi man dapat ay nadarama niya nang mga sandaling iyon?

"Why do women love watching these craps?"

Napatingin si Sheye kay Xander habang ngumunguya ng popcorn. Romance-drama kasi ang genre ng pelikulang pinapanood nila. Naalala niya ang sinabi ni Don Manuel tungkol sa binata. Xander had a wrong impression about "love" because of his mother's mishap.

"Because we love the idea of true love," aniya. Kung puwede lang niyang baguhin ang mali nitong paniniwala tungkol sa pag-ibig ay gagawin niya.

"Niloloko lang kayo ng mga pelikulang 'yan. Those movies just tend to make people, especially women, believe in things that do not really exist and end up getting into a mess."

"Are you talking about true love?"

"Yeah," matabang na sagot ni Xander.

"Mayroong ganoon sa totoong buhay."

Ngumisi ito. "Love is just in the movies. It's not real."

"Nasasabi mo 'yan dahil hindi mo pa nararanasang ma-in love."

"I cannot experience something that does not exist."

"Someday, it will exist in you."

He blew a soft air of laughter. "It appears to me you're a loyal advocate of 'love.' Why? Na-in love ka na ba?"

"Hmm... yeah." Tatlong beses nang na-in love si Sheye at nagkanobyo.

"So, nasaan na ang 'love' na 'yon ngayon?"

Napaingos siya. Naisahan yata siya nito roon. "Wala na."

"'Kita mo na?"

"It takes a lot of patience to find true love."

"'Yan ang sinasabi ko. Pinapaasa lang kayo ng mga pelikulang 'yan. There's really no such thing as love, as well as forevermore. That's the reason why there are divorces and annulments and broken homes. Those couples thought love had set them together. But after a few months, a few years, they'd separate and usually end up hating each other. Love is nothing but a sugarcoated word for "sexual need." When that need or desire runs out, katapusan na rin ng isang relasyon. That's the game of life. I hope people like you realize that."

Nasaktan si Sheye sa sinabi nito. Masakit isipin na ganoong klaseng tao si Xander. Na hindi talaga ito naniniwala sa pag-ibig at hindi nito kayang magmahal.

"Someday, you'll realize you're wrong about your definition of love," paingos na lang na sabi niya.

Ngumisilang ito at kumuha ng popcorn mula sa kanya.    

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now