SCENE 12

4.8K 116 2
                                    


KINUYUMOS ni Xander ang neckline ng damit ng baklang nag-host ng bidding nang nagdaang gabi. "Hindi mo ba talaga sasabihin kung nasaan ang babaeng iyon?"

Nahintakutan ito sa ginawa niya. Naggitawan ang pawis sa noo nito sa kabila na fully air-conditioned ang loob ng opisina ng manager ng club. "Papa, wala nga siya rito. Hindi ko nga kilala ang babaeng iyon. In fact, ngayon ko nga lang nalaman na niloko lang ako ng babaeng iyon. Sinabi niyang bagong recruit siya ni Mudra pero nalaman ko nang tawagan ako ni Mudra na hindi niya kilala ang babaeng iyon. Hinihintay ko ngang dumating ang Debbie na iyon ngayon dahil sasabunutan ko siya sa pagsisinungaling na ginawa niya. Oh, papa... kahit patayin mo ako sa halik ngayon, hindi ko talaga masasabi kung nasaan na ang demonyitang iyon."

Nagkatinginan sila ni Dom. Binitiwan na niya ang bakla.

"Pare, pati sila, na-scam din," sabi ni Dom.

"Na-scam? Ano'ng ginawa sa inyo ng babaeng iyon? Ninakawan ka ba, papa? Ano'ng ginawa niya sa 'yo? Sinaktan ka ba niya?" natatarantang tanong ng bakla na pinaghahawakan pa siya sa dibdib.

Inis na hinawi ni Xander ang kamay nito. "Oo, ninakawan niya ako." Ng isang daang libong piso at niyurakan niya ang ego ko.

Malakas ang ginawa nitong pagsinghap. "Oh, my God. That bitch! Don't worry, papa, ire-report ko sa pulis ang ginawa niya sa 'yo. Magkano at ano-ano ba ang tinangay niya sa 'yo?"

"Dammit!" he snapped on the gay's face. "Kung bakit naman kasi ipina-bid mo kaagad, hindi mo pa pala kilala. Hindi n'yo ba naisip ang puwedeng mangyari sa mga members n'yo? Ang laki-laki ng membership fee n'yo, pagkatapos ganito pala ang serbisyo n'yo?"

"I'm so sorry, papa. Biktima rin ako ng manlolokong babaeng iyon. Hindi na mauulit ang pangyayaring ito. Promise." Hinaplos pa ng bakla ang pisngi niya na hinawi niya nang marahas.

"Talagang hindi na mauulit, because I'm withdrawing my membership now. Walang kuwenta ang club na ito."

"Oh, no! Papa, don't do that please. Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan. Ngayon pang natutuhan na kitang mahalin?" madamdaming sabi nito.

"Tumigil ka nga," saway ni Dom. "Naiinis na 'ko sa kabaklaan mo. I-pull out mo na ang membership ng kaibigan ko kung ayaw mong ipagkalat niya ang kinasapitan sa club na ito at masira ang pangalan n'yo."

Natakot naman ang bakla sa sinabi ni Dom kaya itinigil na nito ang drama at tumalima na.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now