SCENE 29

4.5K 111 0
                                    


"PUWEDE ko na bang makita ang reports ng private investigator na nakahanap kay Sheye, Mama?" bungad ni Xander sa pribadong opisina ng ina sa Cinemaze Productions kung saan ito ang acting vice president habang on-leave ang tiyuhin niya. Isa ang mama niya sa mga executive producer na katulad niya kapag nandoon ang tiyuhin.

Mula sa binabasang mga papeles ay nag-angat ng tingin ang ina. Kumunot ang noo nito. "Bakit ba masyado yata ang pagdududa mo sa pinsan mo at ilang araw mo na akong kinukulit tungkol sa bagay na iyan, Xander? Don't you trust me, hijo? Sa tingin mo ba, hahayaan kong lokohin ang uncle mo at tayo ng isang impostor tulad ng iginigiit mo?"

"Hindi ko iginigiit, Mama. I'm just stating the possibility na hindi siya ang tunay na anak ni Uncle."

"Hijo, the fact na inayunan ko ang reports ng PI na inupahan ko, ibig sabihin ay sigurado na akong siya nga ang tunay na anak ng uncle mo. Hindi pa ba sapat iyon?"

"What's keeping you from letting me see his reports then?" He arched his brow.

Bahagya itong napamulagat. "Pinagdududahan mo ang sarili mong ina?"

"At pinaglilihiman mo ang sarili mong anak."

"Xander?"

"Hindi kita pinagdududahan, Mama. Si Sheye ang pinagdududahan ko. Why don't you just give me the reports para hindi na kita kulitin pa?"

Hindi ito sumagot. Nanatiling nakatitig lang sa kanya.

"'Ma? I don't understand why you're making a fuss out of giving me the reports."

"Because I'm protecting her."

"From me?" Napapantastikuhang pumalatak si Xander. "I've always thought I'm a part of this family," sarkastikong sabi niya.

"You don't understand. Maraming detalye sa buhay niya ang nakalagay sa reports. Some details are strictly confidential, even her own father does not know about them. Kung si Manuel nga ay hindi na hiningi ang reports na iyon, bakit ikaw? Hindi ko ipinabasa kay Manuel ang reports na iyon. Kaya dapat lang siguro na hindi ko rin ipabasa sa 'yo."

Sa sinabi ng ina ay lalo lang tumindi ang paghahangad niyang mabasa ang reports na iyon. "So, this cousin of mine has a lot of dark secrets, huh?"

"Dark secrets? No... walang ganoon sa reports." Bahagyang tumawa ang mama niya. "Okay, let me put it this way. Sa tingin mo ba, kahit anak kita, hahayaan kong malaman mo ang lahat ng detalye sa buhay ko? And I don't likewise think na gusto mong malaman ko ang sa 'yo kahit ako pa ang mama mo. Naiintindihan mo na ba, hijo? That report is like her diary na hindi dapat mabasa ng kahit sino. And let's say na nasa pag-iingat ko ang diary niya, so I need to protect that diary."

"It's not as if nasa mga reports na iyon ang bawat kaliit-liitang detalye ng buhay niya."

"You wouldn't quit, would you?" natatawang sabi ng mama niya. "Akala ko, tapos na ang kakulitan mo nang maging binatilyo ka na. My God, you're already twenty-nine to be still that annoyingly stubborn, Xander."

He smiled crookedly. "Look who's talking. Nagmana lang ako sa 'yo."

"Come on, Xander, let's talk again some other time, hijo. I badly need to read this proposal paper." Binuklat uli nito ang papeles na binabasa kanina sa mesa.

Hindina nangulit pa si Xander, hindi dahil sumusuko na siya sa mga gustong malaman.Kung wala talaga siyang mapapala sa ina ay siya na ang kikilos. It was not asif he could not afford to hire his own private investigator.    

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن