SCENE 32

4.5K 107 1
                                    


NAKATIIM-BAGANG na binasa ni Xander ang reports na ibinigay ng private investigator na inupahan niya para imbestigahan ang pagkatao ni Sheye. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Naka-compile sa isang folder ang ilang impormasyong nakalap sa loob lang ng dalawang linggo. Nandoon ang photocopy ng birth certificate ni Sheye, ang tungkol sa namatay nitong ina na naging katulong dati at mga taong nagpalaki rito.

Alam ni Xander ang buong kuwento ng buhay ng tiyuhin at ng dati nitong nobya. At base sa mga nakapaloob sa reports ay totoong si Sheye ang anak ng tiyuhin. Kung ganoon ay mali siya. Maling-mali siya sa ginawa niya sa dalaga. Ininsulto niya ito at pinagbintangang manloloko.

"Wala ka bang alam tungkol sa iba pang trabaho o lihim na activities niya bukod sa pagiging lady bartender sa Eve's Apple?" tanong ni Xander kay Mr. Dunkey Orosa, ang private investigator na inirekomenda ng sekretarya niyang si Rhea.

"Wala na siyang ibang aktibidades, Sir. Nagtanong-tanong ako sa mga nakakakilala sa kanya at wala silang ibinigay na iba pang impormasyon bukod sa mga ugali niya at sa trabaho."

Ayon sa mga nakasulat na ugali ni Sheye ayon sa mga nakakakilala sa dalaga ay wala sa karakter nito ang gumawa ng masama. Malabo rin bang ito si Debbie? Pero nasa kamay na niya ang mga ebidensiyang mabuting tao ang dalaga kung kaya hindi nito kayang gumawa ng bagay na katulad ng ginawa ng Debbie na iyon sa kanya.

"Nasagot na ba ng reports na iyan ang gusto mong malaman?"

Napatingin si Xander kay Mr. Orosa. "Mabilis kang magtrabaho. I got to commend you. Kung nakilala na kita noon pa, ikaw sana ang kinuha namin para hanapin ang isang taong nawawala. Di sana hindi na tumagal nang mahigit isang taon bago siya nakita." Sa loob lang ng dalawang linggo ay nasagot ng PI ang lahat ng gusto niyang malaman.

"Madali lang mag-imbestiga ng isang tao. Ang mahirap ay ang maghanap ng isang taong nawawala. Lalo na kung komplikado, halimbawa na lang, iyong mga walang tiyak na hitsura. Talagang aabutin ang kahit sinong PI nang taon o mga taon," anito.

Sa sinabi ni Mr. Orosa ay parang malabong makita nito si Debbie kung sakaling ipahanap niya ang dalaga. 

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon