SCENE 26

4.6K 122 1
                                    


NAKULONG sa bibig ni Xander ang pagsinghap ni Sheye. His powerful mouth seemed to take all her strength she suddenly felt weak—weak and wanting. She felt suddenly feverish. Ikinagulat din niya sa sarili ang natuklasang pananabik sa halik ng binata. But she had to think straight. She was supposed to be acting. And in her act, he was her cousin! Hindi siya dapat nagpapahalik sa "pinsan" niya. Itinulak niya ito nang ubod-lakas pero bahagya lang itong natinag. Nanatili pa rin ang kamay nito sa likod ng leeg niya.

"B-bitiwan mo 'ko!" habol ang hiningang utos ni Sheye habang patuloy pa rin sa pagtulak sa dibdib nito. Pinakawalan na siya ng lalaki at bahagyang lumayo. She could see desire and anger cross his eyes as he stared at her unblinkingly.

"B-bakit mo ginawa 'yon?" Nilangkapan niya ng galit ang tinig.

To her amazement, he snorted and smirked at her. "It was you."

"Ha?"

"It was really you..." He paused for a second and continued in a rasp voice. "Debbie."

Pinigil ni Sheye ang mapasinghap at panlakihan ng mga mata sa sinabi ni Xander. Oh, God! Buking na siya! No! Hindi siya puwedeng mabuking. Pipigain niya ang sarili hanggang sa kahuli-hulihang katas ng galing niya sa pag-arte para hindi siya mahuli. "Sinong Debbie?"

He smirked. "Ikaw si Debbie."

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan," kunwari ay nagtataka at hindi makapaniwalang sabi niya.

"Of course. Bakit mo naman aaminin? Criminals won't admit their crimes right away. Most of the time, they need to be threatened and tortured bago pa umamin." Pagkasabi niyon ay lumapit uli ito sa kanya.

Awtomatikong tumaas ang mga kamay niya para ipangharang dito. Their faces were a few inches away from each other. Her heart was beating wildly against her chest. "So, I'm threatening you now... I'll torture you with kisses kapag hindi ka pa umamin."

Torture with kisses? Sa gitna ng tensiyon ay naisip pa niyang mapapalatak sa isip.

"You're drunk. Hindi mo siguro alam ang mga sinasabi at ginagawa mo. Lumabas ka na, please, bago pa ako magalit sa 'yo," pakiusap niya.

"The taste of your lips..." Gumapang ang kamay nito sa braso niya.

Napapitlag si Sheye. His slight touch seemed to burn her skin. "The feel of your skin... it was you. When I kissed you, I felt something strangely powerful stir up inside of me na kay Debbie ko lang naramdaman. Ikaw si Debbie. Ikaw ang manlolokong babaeng iyon." Tumalim ang tingin ni Xander at tumigas ang tinig sa mga huli nitong sinabi.

Ganoon kalakas ang naging epekto niya rito? Deep inside her, she quivered at his admission. Gayumpaman ay pilit niyang ipinaskil ang kalituhan sa mukha sa mga sinasabi nito. "'Sheye' ang pangalan ko. Hindi ako si Debbie. I don't even know who the hell that Debbie is. Hindi kita maintindihan. You must be wasted."

He gripped her arm. "Why, you're a good actress. But I'm not very much convinced though. Sino ka ba talaga? The first time I saw you, you were a scheming runaway prostitute. And now, you're suddenly my long-lost cousin? Kung nagawa mo akong lokohin noon, malamang, magagawa mo ring lokohin ang mga taong nandito. Why, you tricky little cheat. Hindi ko hahayaang pati pamilya ko, maloko mo't manakawan mo ng pera. At kung ang akala mo, hindi kita makikilala dahil ibang-iba ang hitsura mo nang gabing iyon, you're bloody wrong. True, halos hindi nga kita nakilala. But something in me knows it was you at hindi ako puwedeng magkamali. Ikaw at si Debbie ay iisa."

"Bitiwan mo 'ko." Kumawala si Sheye sa mahigpit nitong pagkakahawak sa braso niya. "Hindi ko talaga alam ang mga sinasabi mo. Hindi ako prostitute at lalong hindi ko niloloko ang mga tao rito. Kung pinagdududahan mo akong nagpapanggap lang na nawawalang anak, hindi mo na kailangan pang gumawa ng kuwento at pasamain ang pagkatao ko sa pagbibintang na isa akong prostitute. Kausapin mo ang mama mo. Matutulungan ka niya tungkol sa pagdududa mong 'yan. But for now, leave me alone."

Lalong tumigas ang anyo ni Xander na para bang gusto siyang saktan. "Hindi ako naniniwala sa 'yo."

"I don't care if you believe me or not. Pinaniniwalaan ako ng papa ko, at iyon ang mahalaga. I want you out of my room now," malumanay pero mariing sabi niya.

Hindi ito tuminag at hindi rin sumagot. Nilabanan niya ang matamang pagkakatitig nito sa kanya kahit ang totoo ay pinanginginigan siya ng mga tuhod sa tensiyon sa pagitan nila.

Nagpakawala si Sheye ng buntong-hininga. "Please leave. Nakikiusap ako. Saka mo na lang ipagpatuloy ang pag-aakusa sa akin ng kung ano-ano. Kailangan ko nang matulog," aniya sa mababang tono.

"Not yet... may utang ka sa 'kin, remember? I paid you for an unfinished job."

Ang isandaang libong pisong natangay niya nang hindi sinasadya ang tinutukoy nito!

"I want to claim what I had already paid for. Now," anito sa halos pabulong na tinig. His hot breath fanned her face that made her cheeks feel hot as well.

Lahat yata ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan sa ipinahiwatig ni Xander. Parang nanigas ang buo niyang katawan sa pagkakasandal sa dingding. Sandali pa itong tumitig sa mga labi niya bago bumaba ang mukha nito para muling angkinin ang mga labi niya.

And suddenly, they heard knocks on the door.

"Señorita, nandito na po ang gatas n'yo."

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now