SCENE 47

4.6K 105 1
                                    


NATAGPUAN ni Xander ang sekretarya ng ina sa desk nito. Ngumiti ang sekretarya nang buong tamis pagkakita sa kanya.

"Hi, Sir. Kailangan n'yo ba ang mama n'yo?"

Ginantihan niya ang ngiti nito. "Hi. Gumaganda ka yata ngayon, Rose."

Parang kinilig naman ito sa papuri niya. "Kayo naman, Sir. Thanks."

Dumukwang siya sa desk nito. "Can I ask you something?"

She eyed him with anticipation. "Ano 'yon, Sir?"

"Ikaw raw ang nagrekomenda kay Mr. Dunkey Orosa kay Rhea?"

"Yes, Sir," sagot nitong parang nahihipnotismo.

He flashed her a smile. "Kung gano'n, kakilala mo siya. Mayroon sana akong gustong itanong tungkol sa kanya."

"Naku, Sir, hindi ko talaga siya kilala. Si Miss Rosales ang nagbigay ng—" Bigla nitong natutop ang bibig.

Nawala ang ngiti ni Xander. "Bakit ka natigilan, Rose? Ayaw bang ipasabi ni Mama sa akin na sa kanya galing ang rekomendasyon sa PI na 'yon?"

Yumuko ito. "Eh, kasi, Sir..."

"Magtapat ka, Rose. Don't worry, walang malalaman si Mama na ibinuko mo siya sa akin. After all, nadulas ka na. You might as well tell me the whole truth."

"Sure kayo? Baka tanggalin ako sa trabaho ni Ma'am," parang nababahalang sabi ni Rose habang pasulyap-sulyap sa pinto ng opisina ng boss.

"Ako'ng bahala sa 'yo. Promise."

"Kasi narinig daw niya na nag-uusap kami ni Rhea tungkol sa ipinapahanap mong PI. Binigyan niya ako ng business card at ibigay ko raw kay Rhea. Sabi niya, huwag na huwag ko raw sasabihing galing iyon sa kanya," parang naiiyak na pagsasalaysay ni Rose.

Sinasabi na nga ba niya, tama siya ng hinala. Kasabwat ng ina niya si Dunkey Orosa. At dahil sa fabricated reports na natanggap niya ay napatahimik siya ng ina. Hindi siya naging sagabal sa mga plano nito. Pero ngayon, alam na niya ang totoo. Gustuhin man niyang tapusin na ang kalokohang naisip ng ina at sabihin na sa kaawa-awang tiyuhin ang totoo, hindi niya magawa. Ayaw niyang guluhin ang plano ng ina dahil kahit paano, nauunawaan niya kung bakit ginawa nito ang ganoon. Ayaw niyang magalit dito ang tiyuhin at mapahamak ito nang dahil sa kanya.

At si Sheye...

Hindi niya alam kung ano na ang iniisip ngayon ng dalaga dahil sa ginawa niya rito nang nagdaang gabi. He knew he should not have done that but the need to kiss her at that moment was too strong he had a real hard time controlling himself. Wala siyang natatandaang mayroon siyang kinasabikang hagkan na katulad ng pagkasidhi ng pagnanais niyang hagkan si Sheye.

Wait. Mayroon pala. Si Debbie. Nawala na si Debbie sa isip niya nang mga nagdaang araw. Pero ngayong naisip uli niya ito, may isang tanong na muling nabuhay sa isip niya.

Ngayong alam na niyang isa ngang professional impostor si Sheye, may posibilidad kayang ito rin si Debbie gaya ng nauna niyang hinala rito?

Tumiimang mga bagang ni Xander sa naisip.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now