SCENE 33

4.5K 101 0
                                    


"MAGALING, Mr. Orosa," masayang puri ni Doña Alejandra sa kakilalang private investigator. "Kung gano'n, hindi na magdududa pa si Xander. Maraming salamat. Magkita na lang tayo mamaya para maibigay ko ang kabayaran sa ginawa mong reports." Ibinaba na nito ang cell phone.

Nagtatanong ang mga matang tinitigan ni Sheye ang doña. Dinala siya ng matanda sa opisina nito. Nasa Cinemaze kasi siya nang mga oras na iyon para ihatid ang don sa muling pagpasok nito sa trabaho.

"Iyon ang gusto kong sabihin sa 'yo, hija. Xander had you investigated. Mabuti na lang, tumawag na ngayon ang kasabwat kong PI para ipaalam na napaniwala na niya si Xander na ikaw nga ang tunay na anak ng tiyuhin niya. Nakahinga na ako nang maluwag."

"Pero paano n'yo nagawa iyon? Paano nangyari na naging kasabwat n'yo ang PI na kinuha ni Xander para paimbestigahan ako?"

"Ganito kasi iyon. Aksidenteng narinig ko ang pag-uusap ng sekretarya ni Xander na si Rhea at ng sekretarya kong si Rose diyan sa desk niya sa labas. Nagpapahanap daw si Xander kay Rhea ng PI at itong si Rhea, humingi ng tulong kay Rose para sa magandang agency na mapagkukunan.

"Nang umalis na si Rhea, kinausap ko si Rose. Ibinigay ko ang calling card ni Mr. Orosa para maibigay niya kay Rhea. Ipinagbilin kong huwag sasabihin na sa akin galing ang rekomendasyong iyon. Walang alam si Rhea na ako ang nagbigay ng PI na iyon kaya wala ring alam si Xander. Hindi ba't nasabi ko na sa 'yo na noong wala kayo ni Manuel ay hinihingi ni Xander ang reports ng PI na kunwari ay nakahanap sa 'yo?

"Hindi ko ibinigay dahil wala naman akong maibibigay. At nakapagtatakang bigla na lang siyang tumigil sa pangungulit sa akin gayong halos araw-araw niya akong kinukulit tungkol sa bagay na iyon. Iyon pala, gusto niyang gumawa ng sariling hakbang. Binalak ka niyang paimbestigahan. Mabuti na lang, nagkataong narinig ko ang usapan ng mga sekretarya namin. Kung hindi, nabuking na tayo."

Nasapo ni Sheye ang dibdib sa relief. Kaya pala nang mga nakaraang araw ay halos hindi na pumupunta sa mansiyon si Xander. May binabalak pala ito na higit pa sa pangto-torture sa kanya. Balak nitong patunayan ang pagiging impostor niya sa pamamagitan ng pagpapaimbestiga sa kanya.

"I asked Mr. Orosa to falsify documents and information. Pinalabas namin sa reports na ikaw nga ang tunay na anak ni Manuel without pointing it out. Dahil siyempre, kunwari, walang alam si Mr. Orosa sa gustong malaman ni Xander through those reports. Mabuti na lang, naniwala agad si Xander."

"Mabuti na nga lang po." Kung nagkataong hindi nalaman ni Doña Alejandra ang binabalak ni Xander ay baka nalaman na ni Xander na totoo ang mga hinala nito sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin kapag nagkataon.

"Ngayon, hindi ka na dapat mag-alala, hija. Magagawa mo na nang maayos ang trabaho mo. Wala ka nang aalalahanin pa kay Xander. Hindi ka na niya guguluhin."

Tumangosi Sheye at pilit ngumiti. Posible ngang nabura na ang pagdududa ni Xander nanagpapanggap lang siyang anak ng don, pero nabura na rin ba ang hinala nitongsiya si Debbie? Sa isiping iyon ay hindi pa rin niya magawang makahinga nangmaluwag.     

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now