SCENE 38

4.6K 107 2
                                    


"DENNIS. Dennis Romero. 'Nice to meet you, Sheye," nakangiting pagpapakilala ng lalaki habang isinasayaw siya sa saliw ng jazz song na pinamagatang "Sway."

"Same here. Magaling ka palang sumayaw." Iniikot siya nito.

"Thanks. Ikaw rin naman. Ang gaan mong kasayaw."

Ngumiti si Sheye at muling nagpaikot kay Dennis. Bahagya lang naalis ang ngiti niya nang bigla siya nitong hapitin padikit nang husto rito. Naisip niyang kailangan iyon sa sayaw kaya nagpaubaya siya. "Bakit ngayon lang yata kita nakita, Sheye? I mean, Xander and I aren't close. We're just simple acquaintances pero karamihan sa mga parties and gatherings ay pareho naming pinupuntahan. Tulad nito, ninang ko si Doña Enriqueta at alam kong ninong ni Xander si Don Elizondo kaya pareho kaming nandito. Bakit ngayon ka lang yata niya naisama sa isang party na katulad nito?"

"Ah, kasi... kararating ko lang galing States, eh," naisip niyang idahilan.

"Talaga? Saan ka sa States?"

"New York. Manhattan." Iyon ang pinuntahan nila ni Don Manuel bago sila maglayag sa Caribbean.

"I see. Sayang naman at ngayon lang kita nakilala. You seem to be a very nice girl aside from being so pretty." Itinigil na ni Dennis ang pag-indak sa saliw ng musika. Nagsasayaw pa rin sila pero hindi na masyadong magalaw. He was holding her firmly on her hand and waist.

"Thanks."

"By the way, I'm the vice president and executive producer of Videorama Productions. Ikaw? What's your job in the States? O baka naman nag-aaral ka pa at—"

Naramdaman na lang ni Sheye ang biglang paghaltak ng isang malakas na kamay sa braso niya. Napasinghap siya bago napasubsob sa dibdib ni Xander.

"Pare, my turn to dance her," malamig na sabi nito kay Dennis.

Nakita niya ang sandaling pagrehistro ng galit sa mukha ni Dennis bago ito ngumisi. "Sure, man," sagot nito at tumingin sa kanya. "I'll be seeing you again, Sheye."

Bigla ay parang may nagsumiksik na tagpo sa isip ni Sheye. Nang gabing bilhin ni Xander ang isang gabi niya ay parang ganoon din ang eksena. Xander pulled her towards him when a guy came near to tell her his shocking money offer. Napamaang siya nang lumiwanag sa isip niya ang mukha ng lalaking iyon. It looked like...

Dennis! Ito ang lalaking iyon! Kaya pala parang nakita na niya ito.

Nang umalis na si Dennis ay marahas siyang hinapit ni Xander palapit dito. Napatingala siya at nakita ang galit sa mukha nito. "Xander..." Iniikot siya ng binata at muling hinapit. Doon natapos ang kanta, ang pumalit ay slow music na. She heard him snort. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at inilagay sa balikat nito. Naramdaman niya ang paggapang ng mga kamay ng binata sa likod niya. The heat from his palms seemed to penetrate her dress and burn her skin. Their closeness made her heart beat erratically.

"Why the hell did you dance with that jerk?" he muttered angrily.

Nabigla siya sa itinawag nito kay Dennis. "T-that jerk?"

Diyata't may alitan ito at si Dennis. Hindi nito tatawagin ng ganoon ang lalaki kung nagkakasundo ang mga ito. Now she got it. Kaya pala tumaas nang ganoon kalaki ang bidding offer ng dalawa sa kanya bilang isang Eve nang gabing iyon. May alitan pala ang mga ito at talaga palang naglabanan nang gabing iyon. Ang akala pa naman niya ay talagang napakaganda niya nang gabing iyon para pag-awayan ng dalawang lalaki at alukin ng ganoon kalalaking halaga.

"Stay away from him," mariing utos ni Xander.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Because I'm saying it."

Tumaas ang isang kilay ni Sheye. "Just because you say it? Ano'ng akala mo sa 'kin? A weak citizen under your dictatorship?"

"No. I'm just your older cousin at nasa pangangalaga kita."

"Ha! Pangangalaga my ass. I'm starting to hate you, Xander," inis na pakli niya habang isinasayaw nito.

"And why so?"

"You don't want me with your best friend, you don't want me with that guy you called jerk. Pati sa iba mong kaibigang lalaki, ayaw mo akong palapitin. Lahat na lang ng lalaking lumalapit sa 'kin, itinataboy mo. Ano'ng akala mo sa sarili mo, bodyguard ko?"

"You wouldn't want to be with those heartbreakers, Sheye. Iniingatan lang kita."

"Iniingatan? O pinaghihigpitan? Daig mo pa si Papa."

"I'm just doing what an older cousin should do."

"Well, you don't need to. Nakakaabala pa tuloy ako sa pambababae mo. Bumalik ka na lang doon sa babaeng kahalikan mo kanina. Mukhang mas kailangan niya ang pangangalaga at pag-iingat mo," pagmamaktol ni Sheye, saka inalis ang mga kamay sa balikat ni Xander. Inilapat niya sa dibdib ng binata ang mga palad para itulak ito pero hindi siya pinakawalan. Inilagay uli ng binata ang mga kamay niya sa balikat nito.

And this time, he held her very close. He was practically hugging her while swaying her. Her breasts were pressed against his hard chest that made her heart pound in jig time. Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya. Pinanayuan siya ng mga balahibo sa katawan.

"Kung hindi lang tayo magpinsan, iisipin kong nagseselos ka," he whispered in her ear.

At kung hindi lang niya alam na isang pinsan ang turing nito sa kanya, iisipin din niyang may malisya ang ginagawa nitong pagyakap sa kanya. "Sira," nasabi na lang niya. Nagpasalamat siya na halos nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito, dahil kung hindi ay makikita nito ang nadarama niyang pamumula ng mukha.

Parang nananadya pa si Xander. Parang gusto yata siyang pahirapan pang lalo. Natatakot siyang dumating ang araw na malaya nang aaminin niya sa sarili ang totoong nadarama niya para dito. Kung parati siyang yayakapin ng binata nang katulad niyon, hindi niya maipapangakong mapipigilan niya ang pag-usbong ng isang damdaming para dito ay hindi totoong mayroon.

"Xander, honey..."

"Claudette."

Napabitiw si Sheye kay Xander. Nakita niya ang babaeng nakatayo sa tabi nila. Ito ang babaeng humalik kay Xander kanina. Ito pala ang Claudette na minsan ay napag-usapan nila sa hapag-kainan. Matalim ang pagkakatitig ng babae sa kanya. Inalis ni Sheye ang kamay ni Xander sa likod niya para pakawalan ang sarili mula rito. "I'm his cousin. So please drop the look."

Sa tingin niya, kailangan na yata niyang magsuot ng signage na nagsasabing "I'm Xander's cousin" para hindi na siya makatanggap ng ganoong klaseng mga tingin mula sa mga babae nito.

Sa sinabi niya ay nawala nga ang talim sa mga mata ng babae. "Oh, I'm sorry. Akala ko..."

"It's okay, Claudette. Kayo na ang magsayaw," pilit ang ngiting sabi niya at iniwan na ang mga ito. Nang lingunin ni Sheye ang mga ito ay nakita niyang nakakapit na ang babae sa balikat ni Xander na hindi niya inaasahang nakasunod pala ang tingin sa kanya. Marahil ay nababahala ito na baka lumapit uli siya kay Dennis. Sa pagbawi niya ng tingin ay nabangga uli siya sa isang lalaki.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now