SCENE 37

4.7K 119 3
                                    


ISINAMA si Sheye ng pamilya sa isang pagtitipon kung saan imbitado ang mga ito. Anniversary party ng matalik na kaibigan ni Don Manuel na si Don Elizondo Madrigal at ng asawa nitong si Doña Enriqueta. Ginanap ang pagtitipong iyon sa mansiyon ng mga ito. Napag-alaman niyang ninong pala ni Xander si Don Elizondo kaya sumama rin ito sa pagdiriwang. Ito pa nga ang nagprisintang maging eskorte niya para sa gabing iyon. Natuwa naman ang tiyuhin at ina ni Xander sa umuusbong na magandang samahan nilang "magpinsan." Natutuwa rin si Sheye na sa mga nakalipas na araw ay hindi lang sila ng don ang nagiging close kundi sila rin ni Xander.

Closeness na minsan ay ikinaiilang na niya dahil nag-aalala na siya para sa sarili. Para kasing tumitindi na ang nararamdaman niya para kay Xander. Parang hindi niya kayang tapatan ang pagtinging-pinsan na ipinaparamdam nito sa kanya dahil higit pa roon ang hinihingi ng damdamin niya mula rito. Pero alam niyang malabong mangyari ang gusto ng puso niya kaya dapat niyang pigilin ang nadarama. She should not fall for him completely or else she would be in deep shit. But every time he smiled at her, every time he touched her, nakakalimutan niya ang dapat gawin.

"Sheye, I'd like you to meet Dom's cousin Luke. Partners sila sa MonsterMinds. At siya naman si Red and this is Blue, mga kinakapatid ko. Anak sila ng celebrators," pagpapakilala ni Xander sa tatlong lalaking bumati rito. Pawang matatangkad at guwapo ang mga ito.

"Hi, beautiful," bati ni Blue na kinuha ang kamay ni Sheye at hinagkan iyon.

"Hello there, pretty lady," ani Red na ganoon din ang ginawa sa isang kamay niya.

"Fancy meeting you, sexy stuff," sabi naman ni Luke na siyang tanging naglakas-loob na hagkan siya sa pisngi sa kabila ng nagbabantang tingin ni Xander.

"And I forgot to add na lahat sila, puro mga ruthless playboys. So stay away from these heartbreakers," ani Xander.

Umungol ng pagpoprotesta si Luke. "Oh, come on, Xander, you diss us as if you're not one of us, eh, ikaw pa nga ang leader namin."

"Shut up," Xander muttered.

"Sshh..." saway ni Red kay Luke at kunwari ay bumulong dito pero dinig naman ng lahat. "Just ride on, pare. Hindi dapat malaman ni Sheye na female guzzler ang pinsan niya. Baka mawalan siya ng respeto kay Xander. So please, don't ever say in front of Sheye that Xander's a first-class male slut and a heavy-duty fuck machine."

"You dickhead!" natatawang bulalas ni Xander. Pati si Sheye ay natawa sa biro ni Red bagaman nag-init ang mukha niya sa mga salitang ginamit nito.

Nagpaalam siya sandali para lumapit sa waiter na nag-iikot ng wine na nasa di-kalayuan. Doon na rin niya ininom ang alak at nagpasyang doon na rin ubusin iyon.

"Don't drink too much wine, Sheye," paalala pa ni Xander na nilingon siya mula sa puwesto nito at ng mga kaibigan. "At huwag kang lalayo."

Napatingin si Sheye sa binata at napangiti. Lumabas ang pagkapilya niya. Inilabas niya ang dila para inisin ito. Pakiramdam niya, masyado na nitong sineseryoso ang pagiging nakatatandang pinsan sa kanya at nagiging overprotective na. Mas protective pa ito kaysa sa "ama" niyang busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at ipinaubaya siya pansamantala kay Xander. Si Doña Alejandra ay busy rin sa pakikipagkuwentuhan sa mga kakilala nito.

Bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Xander. Narinig niyang nagpaalam ito sa mga kausap at nang lalapit na sa kanya ay tinalikuran niya ito at naglakad palayo. Maraming bisita ang nandoon at nakatayo habang nagkukuwentuhan kaya hindi agad siya nito naabutan. Nang sa wakas ay malapit na siyang maabutan ni Xander ay may isang magandang babaeng biglang yumakap dito at sa gulat ni Sheye ay hinalikan ang binata sa mga labi nang buong alab. Bigla ay parang tinusok ang puso niya sa nakita. Mabilis siyang tumalikod at nagpasyang hanapin sa karamihan ang don para dito na lang sumama.

Hindi napigil ni Sheye ang pagsama ng loob sa nasaksihang pakikipaghalikan ni Xander sa ibang babae. Kung noong unang nakita niya itong nakipaghalikan kay Raya ay nasaktan siya, mas nasaktan siya sa pagkakataong iyon. Dahil mas naramdaman niya kung gaano siya kamiserable sa nararamdaman para dito.

As if you even have the slightest right to feel that way, she mocked herself.

Wala siyang karapatang magselos at hindi niya dapat maramdaman iyon. Naramdaman na lang niya ang pag-iinit ng mga mata dahil sa nagbabantang pagluha.

Silly you, Sheye. Be ashamed of yourself, will you? Bakit mo naman siya iiyakan? Get your act together and put yourself to where you should be! You can't love him... you just can't... pangaral pa ni Sheye sa isip bago siya nabunggo sa isang bulto. Natapon dito ang kaunting parte ng laman ng kopitang hawak niya.

"Dammit!" bulalas ng lalaking nabangga niya nang makita ang coat nitong natapunan ng alak niya.

Napasinghap si Sheye at awtomatikong pinunasan ng kamay ang natapunang parte ng coat nito. "I'm sorry..." Nag-angat siya ng mukha para tingnan ito. Nakita niya ang galit sa mukha ng lalaki na iglap ding nawala. Pinakatitigan siya nito. "I'm sorry," pag-ulit niya.

"Ah, it's okay," anang binata. Sa gulat niya, ngumiti pa ito.

Nag-aalangang ginantihan niya ang ngiti nito. "Pasensiya ka na talaga. I was rushing kasi. Hindi ko napansing—"

"No need to explain. Pinapatawad na kita."

"Thanks." Nilingon ni Sheye ang pinanggalingan pero hindi na niya makita ang gawing iyon dahil sa mga nakaharang na tao. Nagulat din siya nang makitang malayo na pala ang nalakad niya.

"Alone?" tanong ng lalaki, dahilan para muling humarap siya rito.

"No. I'm with my... family." A fake father, a bogus auntie and a cousin whom she loved secretly. Inilibot niya ang tingin sa crowd para hanapin ang don o kaya ay ang kapatid nito.

"I see. Kung hindi ako nagkakamali, nakita na kita kanina. I saw you with Xander. Tama ba ako?"

Tiningnan uli niya ang lalaki. Parang nakita na rin niya ito pero nakasisiguro siyang hindi sa pagtitipong iyon kundi sa ibang lugar. "Oo."

"So, ikaw pala ang bago ni Xander."

Hindi alam ni Sheye kung guniguni lang niya ang nabasang galit sa mga mata nito na iglap ding nawala.

Bago? Nawala rin ang kalituhan niya sa sinabi ng lalaki nang maisip ang ibig nitong tukuyin. Inakala nitong may relasyon sila ni Xander. "Naku, hindi. Sinabi kong family ang kasama ko. Ibig sabihin, Xander is my family." Pinagmasdan pa niya ang bahagyang pagkamaang nito bago nagpatuloy. "Pinsan ko siya."

"Magpinsan kayo?"

Tumango siya, pagkatapos ay lumingon sa pinanggalingan. Nakita niya si Xander na palinga-linga at mukhang hinahanap siya. Bakit kailangan pa siya nitong hanapin? Ipapakilala ba siya sa babae nito? Bigla, naisipan niyang pagtaguan ito at nang mahilo sa kakahanap sa kanya. Kahit doon man lang ay makaganti siya sa pananakit nito sa damdamin niya. Umikot siya sa likuran ng lalaking kakikilala lang at nagtago roon. Matangkad ito at malaki ang bulto ng katawan kaya sigurado siyang hindi siya makikita ni Xander. "Patago muna, ha?" bulong niya rito.

"Pinagtataguan mo ang pinsan mo?" Halata ang amusement sa tinig nito.

"Ayaw kasi niya akong hayaang mag-isa, eh."

"So, overprotective cousin pala siya."

"Yeah. Gano'n na nga."

"Sige, papayagan kitang gamitin ang likod ko at hindi kita ituturo kay Xander. Pero sa isang kondisyon."

"Anong kondisyon?"

"Dance with me."

Napangiti si Sheye. Hindi ang pagtatago rito ang pinakamagandang ganti kay Xander. Mas maganda ang ibinigay na ideya ng lalaking ni hindi pa nga niya alam ang pangalan. Siguradong maiinis si Xander kapag nakita siya nitong may kasayaw na ibang lalaki.

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now