SCENE 7

5K 131 1
                                    


"COME on, pare. Why do you have to call up? Dalhin mo na lang sa mental hospital si Liz o kaya sa rehab. Don't bother me here. I'm already busy," naiinis na reklamo ni Xander.

"Damn, pare. We're trapped in a traffic jam. Ilang mansanas na ang nilalantakan mo riyan?"

"Wala pa. But there's someone here for a bid," Ibinalik uli ni Xander ang tingin sa babaeng nakatayo sa stage.

Pagpasok pa lang niya sa club ay nakita na niya itong nakatayo sa stage wearing that sexy devilish outfit. She was so sexy from head to toe. Her eyes were wicked. Her red lips looked luscious. She looked so damn hot he couldn't take his eyes off her. Lalo na nang makita niya itong sumalubong sa titig niya. When she smiled at him seductively, he promised to himself she would be his tonight.

"Shit! Bagong Eve! Dammit, pare, bad trip ka talaga. I would have seen that sweet stuff if not for your obsessive ass. Kasali sana ako sa bidding."

Nagpakawala si Xander ng mahinang tawa.

"Give me that phone! I'll talk to Xander!" narinig niyang sigaw ni Liz.

"Shut up, you little freak," saway rito ni Dom. "Tumigil ka. Ano ba? Isusumbong kita sa daddy mo 'pag hindi ka tumigil."

Kahit hindi niya nakikita ang sitwasyon ng mga ito sa kotse ay nahuhulaan niyang pilit na inaagaw ni Liz ang cell phone ni Dom. "Don't blame my ass. Blame your obsessed cousin. I'll hang up. And please don't call up again."

"Twenty-seven!" narinig niyang sigaw ng isa sa male audience.

"Thirty! Come with me, hot stuff, take me on fire with you!" pasigaw na sabi ng isang pamilyar na tinig. Dagling napatingin siya sa may-ari niyon at nakumpirma niya ang hinala.

It was Dennis, his all-time rival. Sa eskuwelahan, sa college girlfriends, sa business at ngayon ay pati sa isang Eve? Hindi ba talaga siya lulubayan ng anino nito? He seemed to be always handy to wind him up and mess up his day. Hindi siya makapapayag na makuha nito ang babae sa stage. She was his.

"Forty!" he said loudly while staring at the lovely she-devil. He could not let her go anywhere but with him. Nagtinginan ang lahat sa kanya, marahil ay hindi makapaniwala sa ginawa niyang malaking paglaktaw sa bidding.

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Debbie na tanging sa kanya lang nakatuon. The corner of his lips went up in a lopsided smile. Lalong naramdaman ni Xander ang matinding pagnanais na siya ang makakuha rito. He felt the strong need to touch her and crush her lips with his. He wondered how wild she was in bed. He groaned in his thoughts.

And yes, it wasn't just the desire to take her to bed that made him want to win the bidding. Gusto rin niyang maungusan si Dennis. Gusto niyang magalit ang karibal dahil natalo na naman niya ito. Aaminin niyang sa lahat ng mga pinaglabanan nila ay pantay lang ang standings ng wins and loses nila. But every little victory could elevate his rank and make Dennis mad. At ngayong gabi ay siya ang mananalo. Base sa pagtitig sa kanya ni Debbie, alam niyang siya ang gusto nito at tutulungan siya ng babae para manalo.

"Fifty!" Napangiti si Xander nang marinig ang inaasahang sagot mula kay Dennis. Nang sulyapan niya ito ay nasalubong niya ang matalim na titig nito. May sarkastikong ngiti sa mga labi nito pero ang mga mata ay nagbabadya ng panganib.

"Sixty," sagot niya. Nakipagsukatan siya rito ng tingin.

"Seventy," ganti nito.

Naririnig ni Xander ang pagtili at pagkomento ng bakla sa stage pero hindi niya pinakinggan iyon. Ang ibang mga lalaki ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa na para bang wala nang karapatan ang mga ito na makisali pa sa bidding. Marahil ay dama ng mga lalaki roon ang tensiyon sa pagitan nila ni Dennis kung kaya parang ipinaubaya na lang ng mga ito sa kanila ang labanan para sa bagong Eve. 

Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1)Where stories live. Discover now