one**

24.2K 533 7
                                    

"Winter tulungan mo ako"

"Winter tandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw ang the best twin sis sa buong mundo"

"Winter di ko na kaya hanggang dito na lang ako."

"I-ikaw na ang bahalang tumapos sa mga nasimulan ko"

"Winter"

"Winter"

"Winter gumising ka binabangungot kana naman"

Napabalikwas ako sa kama ko. Nananaginip na naman pala ako. Ang mahal kong kapatid na duguan at halos wala ng buhay.

Di ko mapigilan ang sarili ko sa pag iyak. Napakawala kong kwentang kapatid.Di ko man lang nagawang iligtas ang kakambal ko. Nahuli ako eh. Kung napaaga lang sana ako ng dating baka buhay pa ang kapatid ko.

Napakabait niya para patayin at babuyin ng kung sino mang hayop na gumawa nun. Napakabuti ng kapatid ko. Siya ang kabaligtaran ko. Para siyang anghel na ipinadala dito sa lupa. Tapos ng dahil lang sa walang kwentang lalaki na yun napasama siya sa isang walang kwentang gang.

flashback**

"Winter may boyfriend na ko!" masayang sabi sakin ni Autumn habang nagskype kami.

"Aba dapat makilala ko yan para magisa ko. Dapat karapat dapat siya sayo."- ako

"Mabait yun ano ka ba. Tsaka pala leader sya ng gang dito sa pilipinas."- Autumn

"Ano pumatol ka sa leader ng gang???" medyo pasigaw kong sabi

"Leader ka din naman ng gang ah. Tsaka pala sumali na ako sa gang nila ako yung healer nila."

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now