fifty**

8.9K 188 0
                                    

(Winter POV)

It's been a week mula ng sunduin nila Appa and Umma sila Clyde and Min wei. Well i miss them so much pero kailangan na nilang bumalik sa korea dahil nga malapit ng magstart ang semester ni Clyde. And also dahil hinahanap na si Min wei ng mama niya. Pano hindi man lang nagpaalam ang bruha sa Umma niya at gumora na agad papunta dito sa pilipinas. Buti na lang at alam ni Appa at pinagtakpan siyang binigyan siya ng mission.

Si Nathan hyung naman bumalik na din nung araw na dumating sila Umma. Ayaw pa ngang bumalik kung di lang pinagtabuyan ni Mimi. Aba nahiyang lang sa States ayaw na kaming balikan buti nga di pinapalayas ni Uncle.

Nandito kami ngayon sa Uni at as usual nag iinit na naman ang ulo ko dahil sa isang tao na nag ngangalang Andrie. Pinipilit niya akong makipagdate sa kanya pssh ASA MEN. Sarap lang upakan ang kulit eh. Wala pa naman si Iki dahil may mission daw. Tapos sila Raikoo naman may sariling mundo kasama yung tatlong ugok. Kaya ako eto naiwan sa isang sulok tapos sinundan ako ng pasaway na ito.

"Sige na kasi gyoul makipagdate kana sakin kahit isang beses lang." pagpupumilit niya with matching puppy eyes pa. As if naman tatalab sakin yan eh hindi naman siya mukhang puppy mukha siya unggoy na nagpupumilit magpacute kaya lang epic failed.

"Ikaw ba talaga gusto mo ng umikli ang buhay mo. Baka naman gusto mo ng sunduin ka ni Archangel Gabriel at mawala dito sa mundong ibabaw." medyo kalmado kong sabi. Winter stress free dapat ang araw na ito. Wag mong hayaang guluhin ang utak mo ng demonyong nag anyong tao.

"Gyoul baby ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay kasama ka. Magkakaroon tayo ng pamilya. Magkakaanak tayo. Mamumuhay ng matiwasay."

"Kakaiba ka din ano. Kanina date lang tapos napunta na sa pamilya at buhay. Ano ba talagang gusto mo gyera o war. Lintik naman oh. Kalmado ako ngayon. Matiwasay ang buhay KO kaya pwede ba lubayan mo ako bago mawala ang pagiging kalmado ng kalooban ko at mabaon kita ng buhay 15 ft. under the ground."

"Sige ibaon mo ako. Isama mo na din ang puso kong nadurog na pinulbos mo pa. Ang sakit sakit. Oh ano na patayin mo na lang ako. Sana matagal mo na akong pinatay kasunod ng pagtangi mo sa puso ko ng paulit ulit. Ano eto na iyong iyo na ako. Ibaon mo na. Go na." todo emote niyang sabi. Mababaliw talaga ako. Please lang ilayo niyo sakin itong unggoy na ito.

At dahil wala na akong ibang paraan para mailayo sakin tong unggoy na ito sila hyungs na lang ang guguluhin mo. Nagstart na akong ng conference call saming mga shadow.

"*yawn* bakit dongsaeng?"- Thunder

"Yow"- Sian

"Hello"- Sean

"Ne?"- Nathan

"Yebosayo?"- Ryuu

"What's it??"- Kevin

"Himala natawag ka."- Kai

"Yown ginamit mo na din ang conference call. Ilang days ko yang tinuro sayo atleast ngayon napakinabangan mo na."- Rhon

"Ano kakain na ba?"- Leo

"Monster alert monster alert."- Glen

"Yan ganyan dapat. Para di na kami mag ubos sa load."- Sky

"Problem saeng??"- Tim

"Oh ano tapos na?? Tae pwede namang simpleng hello na lang ang isagot niyong lahat pinahaba niyo pa. At anong monster alert yan hyung ha. Ako ba yan ano gusto niyong makita ang monster ha." nang gagalaiti kong sabi dahil todo sundot sa braso ko itong unggoy na ito.

"Easy diba stress free day natin ngayon."- Ryuu

"Yun na nga hyung eh. Diba nga stress free ako ngayon. Meaning mabait ako. At higit sa lahat kayo ay hindi maghihirap." sabi ko sa mahinahong paraan.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now