thirty one**

9.4K 198 0
                                    

(Heal/Thunder POV)

Kasalukuyan kaming nagsasaya ng biglang may tumawag sakin na di ko kilala. Nasa kanila daw si Mikaella, ang babaeng pinakamamahal ko. Agad akong tumayo at palabas na sana ng bigla akong tinawag ni Winter.

"Hyung san ka pupunta?"

"Saglit lang ako, may pupuntahan lang ako sandali babalik din ako agad."

"sige hyung ingat ka."

"thanks maknae."

Agad akong pumunta sa sinabing lugar ng tumawag sakin. Di naman ako takot dahil assassin ako at kaya ko silang patayin kahit di ako gumagalaw. Ang importante mailigtas ko si Mikaella. Matagal na siyang nawawala, mag aapat na taon na din siyang nawala at wala akong balita sa kanya. Sinubukan namin siyang hanapim pero wala.

Nataon pa na namatay si Autumn at ang sabi sakin ni Winter tapusin muna namin ang laban para kay Autumn pagkatapos nun hahanapin na namin si Mikaella. Buong shadow ang tutulong sa paghahanap sa kanya. Pero sa ngayon kailangan kong unahin si Mikaella. Kailangan ko siyang iligtas bago mahuli ang lahat. Ayaw ko ng maulit ang nangyari nung panahon na yun.

flashback**

Nung nasa Korea pa kami ni Winter may isang babaeng nakakuha ng atensyon ko. Masyado siyang masayahin at lagi siyang nakangiti. Hindi ko pa siya nakitang umiyak at naging malungkot. Sa paglipas ng mga araw napalapit ang loob ko sa kanya.

Lagi siyang nasa tabi ko at kinukulit ako. Nasanay ako na na sa akin lahat ng atensyon niya. Pero dahil binawalan ko ang sarili ko na magmahal dahil isa akong assassin ako na mismo ang lumayo sa kanya. Lagi akong nagpapanggap na tulog para di siya makausap. Pero kahit na anong gawin kong pagpapanggap na tulog lagi pa din siya sa tabi ko.

Madalas niyang sabihin sakin na mahal niya ako pero lagi ko siyang tinataboy dahil ayaw kong lumambot ang puso ko. Lagi kong sinasabi sa kanya na wala siyang puwang sakin pero lagi pa din siya sa tabi ko. Sa madaming beses ko siyang binalewala di ko siya nakitang umiyak. Lagi siyang nakangiti tapos sasbihin niya okay lang baka bukas mahalin mo na din ako haha mahuhulog ka din sakin Terrence. Madami namang bukas di ako susuko sayo.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon