fourty four**

8.6K 172 5
                                    

(Leo/Hunter POV)

Pagkatapos namin sa mission dumiretso na ako sa airport dahil kailangan kong sunduin ang prinsesa ni Ryuu Hyung. Pero dahil nagugutom na ako pinili ko munang kumain bago sunduin ang babae niya dahil makakapaghintay naman yun.

Ang sabi sakin ni Hyung ang babaeng susunduin ko daw ay laging nasa **** Cafe tuwing 8a.m. Pero it's already 9 a.m. Siguro naman nandoon pa din ang babae. Another clue maganda daw yung babae at mahinhin kumilos. Higit sa lahat hindi daw nagsasalita ang babae. Ano nga kasing pangalan nun?? Nakalimutan ko na. Bahala na basta pag may nakita akong babae sa pwesto na sinabi ni hyung siya na ang kukunin ko.

Pagdating ko sa cafe may nakita akong babae sa spot na sabi ni hyung. Well maganda siya, mukhang mahinhin naman at hindi siya nagsasalita. Target is now located let's this mission begin.

Gamit ang tinuro sakin ni Rhon hyung nagawa kong patayin ang electricity para makidnap ko na ang babae. Then mission accomplished walang kahirap hirap.

Kasama ko na ngayon ang babae ni hyung at papunta na kami sa private plane. Gusto ko ng makauwi kasi parang awa niyo na pagod na ako. Matapos ang walang kwentang laban dahil weak sila at puro mababang rank. Tapos may jetlag pa ako pero dumiretso ako sa mission tapos ngayon sasakay ulit ako ng plane. Ginawa ko namang manila to tarlac ang Philippines to Korea. Solve na solve ako sa jetlag grabe.

After 3 hours nakarating na din ako sa airport. Yan ang advantage ng private plane wala ng madami pang proseso. Agad akong sumakay sa sports car ko na iniwan ko din dito kagabi.

Ito namang babae tulog pa din sarap ng buhay niya habang ako buhat buhat siya. Pasalamat siya babae siya ni hyung kundi hinila ko na lang sana siya at hindi binuhat.

--

Pagdating sa bahay wala silang lahat baka nasa uni. Dinala ko na lang yung babae sa room nila Rina Umma. Malapit na din namang umuwi ang mga kasama ko dito. Matutulog na ako tutal nagawa ko na ang mission ko. Si Ryuu hyung na ang bahala sa babae niya. Kailangan ko ng energy para madami akong makain mamaya. Sigurado masarap luto nila Umma at Appa yumyum^__^...

end**

(Third Person POV)

Tulad ng sinabi ni Winter kahapon sa meeting. Kanya kanya partner ang shadow. Sinisiguro nila na hindi mapapahamak ang taong kailangan nilang protektahan. Lalo na ang kambal dahil si Mimi ngayon ang target ng mga kalaban.

Hindi pa din nila napapag usapan ang mga naging mission nila. Ang sabi sa kanila ni Winter mamaya na lang pagdating ni Leo para minsanan. Naging bulung bulungan din ang anak daw ni Winter at Raikoo. Madaming nagselos at nainggit pero mayroon ding hindi naniniwala dahil masyado pa silang bata.

Sa kabilang banda hindi pa din nagpapansinan sila Winter at Raikoo. Ganun na din si Thunder na hirap pa ding i approach ang kapatid niya. Ramdam ng lahat ang awkward atmosphere ng tatlo. Pero nanatili silang tahimik.

Si Ryuu naman ay kinakabahan dahil makikita na niya ulit si Yeolum mamayang pag uwi niya. Di niya alam kung excited ba siyang makita ito o hindi dahil hindi tumatalab dito ang karisma niya. Si Yeolum lang ang nakakapagpakaba sa isang kalmadong Ryuu. Kaya mas lalong hindi maipinta ang itsura ni Ryuu ngayon.

Pagkauwi ng lahat agad silang nagtipon sa sala dahil may meeting sila. Naabutan na din nila si Leo na nasa sala at kumakain ng cookies.

"So kamusta ang mission sa East?" tanong ni Winter sa kanila.

"Wala namang malakas na kalaban."

"Napatumba namin sila tulad ng utos mo."

"Mababang rank lang ang nasa hideout."

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now