sixty**

7.4K 149 0
                                    

(Third Person POV)

Napansin nila Raikoo, Ren , Roo, Ralph at Rina ang pag iwas sa kanila ni Winter. Kahit di naman kasi nito aminin alam nila na galit ito sa kanila. Si Cassey naman wala lang pakialam sa mga nangyayari at umakyat na sa kwarto nila. Ilang beses ng nagtry si Roo na paalisin ang kapatid pero ayaw nitong iwan si Raikoo.

"Ngayon lang naging ganyan sa akin si Unnie. Mula noong nakasama ko siya laging welcome ang atmosphere niya sakin. Pero bakit ganto kuya. Bakit ang lamig na turing niya sa akin?? sa atin?? Ni tingin nga hindi na niya magawa." naiiyak na sabi ni Rina.

"Maayos din ang lahat Rina wag ka ng malungkot okay."- pag aalo sa kanya ni Ren.

"Ano ba kasing nagawa nating kasalanan bakit bigla na lang nagkaganto??"- Ralph.

"Hindi ko din alam."- Roo

Si Raikoo tahimik lang. Hanggang ngayon pa din kasi nagseselos siya dahil lagi ng kasama ni Winter si Andrei. Kahit na ipakita niyang matatag siya deep inside nasasaktan siya. Gusto niyang bumalik ang dati nilang samahan. Para kasing bigla na lang nabaliwala ang lahat ng pinaghirapan niya para mapalapit sa taong mahal niya. Kay Winter. Parang panaginip lang ang mga nangyari noong nandito pa sa pilipinas si Clyde. Isang araw nagising na lang siya na nasa magkabilang mundo na naman sila ni Winter at kahit anong gawin niya hindi niya na ito magawa pang abutin.

Sa kabilang banda ramdam ng Shadow ang tensyon sa pagitan ng mga kasama sa bahay at ni Winter. Pilit nilang pinapagaan ang atmosphere kahit na alam nilang may hindi magandang nangyayari.

--

Matapos kumain nauna ng bumalik si Ghie sa sala. Naupo siya sa harap ng lima na pare parehong malalalim ang iniisip.

"Uhm hello hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo." pambungad nito kaya sa kanya nabaling ang atensyon ng lima.

"Ako nga pala si Ghienea Chua(gineya). Pero Ghie ang tawag nila sa akin. Nakakabatang kapatid ni Glen Oppa." nakangiting sabi niya. Pilit na nagboboses babae kahit na hirap na hirap na siya.

"Kamukha mo nga si Hyung. Hindi ba kayo kambal?"- Ren

"Nope madami nga din nagsasabi samin nyan haha. Pero mas bata ako sa kanya." masiglang sabi nito.

"Bf mo si Kevin hyung??"- Roo

"ewww yuck naman noh. Lalaki ako hindi bakla."pabulong na sabi ni Ghie.

"Ano sabi mo Unnie?" tanong ni Rina kasi hindi nila narinig ang sinabi nito.

"Ah oo hehe. Matagal tagal na din kami." - Ghie.

Lingid sa kaalaman nila nakikinig si Cassey sa usapan nila. Napasmirk ito dahil may iba na naman siyang pinaplano.

--

Kinabukasan tulad ng pinlano nila iniwan nila si Ghie sa bahay ni Rhon. Lahat sila pumasok sa uni. Walang kaalam alam ang kalaban na sinadya ng shadow na iwan ito.

Kahit na nagtataka sumunod na lang sila Raikoo sa utos ni Thunder na pumasok na lang sila. Natigil na din kasi ang training nila kay Tim. Pati na din an training niya kay Nathan. Ang akala nila ay busy lang ang shadow sa paghahanap sa mga nawawalang kaibigan. Maging ang spy ng kalaban ay wala ng makuhang impormasyon dahil na din sa mansion ng mga jansen na laging nagpupulong ang shadow. Walang kaalam alam ang mga kalaban na nagsisimula ng magtraining ang lahat para sa nalalapit na gyera. Ang nalalapit na laban ng Shadow at Red blood Clan laban sa Phoenix at Black hawk Clan.

Nabuo na din ang paniniwala ni Winter na si Ralph ang spy ng kalaban. Ang ipinagtataka niya lang ay anak si Ralph ng Leader ng Scorpion Clan. Bakit naman ito makikipagtulungan sa Black Hawk Clan gayong ang Red blood Clan ang kakampi ng Scorpion Clan.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now