EPILOGUE **part two

9.5K 189 12
                                    

after one month**

Sa wakas nakumpleto na ni Raikoo ang formula para sa panlunas kay Winter. Nakuha niya kasi yung list kung paano ginawa ni Winter ang Autumn's Heal. Kabaligtaran sa ginawa ni Winter ang ginawa niya kaya sa wakas nahanap na din niya ang gamot na maaaring magpawala ng lason sa katawan nito.

Isang buong araw siyang nagfocus para makuha ang right amount ng mga chemicals pati na din ang right procedure. Mabusisi ang ginawa niya hanggang sa maisagawa niya ng perpekto ang gamot. Pinagamit sa kanya ni Thunder ang hideout nila para dito. Ito din ang tumulong sa kanya para maisaayos ang lahat.

Kinabukasan maagang pumunta si Raikoo sa hospital para maiturok niya ang gamot sa katawan ni Winter. Naghihintay naman ang lahat sa labas ng kwarto nito at umaasang sa pagkakataong ito tumama na ang panlunas dito.

isang minuto.....limang minuto.....sampung minuto.....tatlumpong minuto....isang oras ang lumipas ngunit walang pagbabago sa kalagayan ni Winter. Katulad pa din ito ng dati na maputla ang balat at mukhang walang buhay.

Malungkot na lumabas si Raikoo ng pinto. Ang puno ng pag asang mga mukha ng mga kasamahan ay napalitan din ng lungkot. Tila ba hindi na nila alam kung aasa paba o susuko na. Tatlong buwan na itong nakaratay sa kama ng hospital. Hindi gumagalaw at hindi nakikitaan ng magandang improvement.

Tinap ni Thunder ang balikat ni Raikoo at akmang papasok na ng kwarto ni Winter ng sabayan siya ng Shadow.

"San kayo pupunta?" takang tanong nito sa mga kasamahang nakasunod sa kanya.

"Papasok sa loob. Hindi ba obvious, anong gusto mo lumabas kami sa loob?" sagot sa kanya ni Kai.

"Pwede ba wag muna kayo bumuntot. Give me time to talk to her baka nagpapanggap lang yung tulog. Kilala niyo naman yun idol ako sa pagtulog. One by one ang pasok pwede? ako muna ha. Una ang pinakamatanda." sabi nito at tuluyang pumasok sa loob.

"Geh una ka mukha ka namang gurang hahahahaha." sabi ni Glen kaya napatawa na din ang lahat.

Sa kabilang banda naupo si Thunder sa tabi ng kama ng kapatid. Ayaw man niyang aminin sa sarili niya pero maging siya nawawalan na ng pag asa.

(Thunder POV)

"Winter naaalala mo ba nung dumating ako sa bahay niyo noong 5 years old pa lang ako. 3 years old pa lang kayo noon ni Autumn. Ang sabi mo pa noon ayaw mo ng ibang kapatid dahil si Autumn lang ang gusto mo. Si Autumn naman tahimik lang na nakatingin satin habang nag aaway tayo." napahawak na lang ako sa pisngi ko. Taena umiiyak na naman ako. Bakit ba hindi nauubusan ng tubig ang mga mata ko?

"Sumagot ka naman ng Oo oh." pero wala pa din. Hindi pa din siya sumagot.

"Sige iimaginin ko na lang na sumagot ka ha. Noong time na yun feeling ko wala ng tatanggap pa sakin. Ang bata bata ko pa pero hindi ko alam kung sino ba talaga ako. Hanggang sa nakita ako nila Umma at Appa sa ampunan. Inampon nila ako. Akala ko noon may pamilya na ulit ako pero ang sabi mo hindi mo ako tanggap."

"Noong napunta tayo sa Korea at pumasok ako sa RBC hindi ka noon pumasok kasi sabi mo ayaw mo akong kasama. Kaya tinrain ka ni Appa mag isa. Minsan naman kasama mo si Autumn. Alam mo ba feeling ko noon sampid lang ako sa pamilya niyo. Yung nang aagaw lang ako ng atensyon na para sa inyo."

"Ginawa ko naman ang lahat. Naging mabait akong kuya sayo. Kahit nga ayaw mo pilit pa din akong lumalapit sayo. Kahit harap harapan na sinasabi mo saking ayaw mo sakin bilang kapatid sige pa din ako. Pero alam mo ba Winter yung mga time na yun ang di ko makakalimutan sa buhay ko. Kasi doon tayo naging close. Nagising na lang ako isang araw sumasabay kana sakin kumain sa mahabang mesa ng bahay. Kinakausap mo na din ako kahit tungkol sa anime lang. Kinukulit mo na din ako kapag bored ka."

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now