EPILOGUE **last part

10.6K 189 5
                                    

Tulala ang lahat sa salitang sumalubong sa kanila. Hindi nila expect na may mangyayaring ganto. Hindi naman nasabi ni Thunder sa kanila na maaaring makaapekto sa memory nito ang Autumn's Heal.

Sinubukang lapitan ng Shadow si Winter pero lumayo ito sa kanila na tila ba takot na takot.

"Winter.." bulong ni Raikoo na may shock pa din sa mga nangyayari.

"Sino ba kayo? Bakit niyo ako kilala. Layuan niyo nga ako. Hindi ko kayo kilala." sigaw sa kanila ni Winter habang sinisiksik nito ang sarili sa headboard ng hospital bed.

Pinakalma lahat ni Thunder ang mga kasama at pinaupo sa tapat ng hospital bed nito. Nakipagtitigan lang sa kanila si Winter at ganoon din sila dito.

"Winter hindi mo ba talaga kami naaalala??" tanong sa kanya ng kapatid.

"Hindi." malamig na sabi nito kaya anino'y nabuhusan ng malamig na tubig ang mga ito.

Nagsimula na namang lumabas ang mga luha nila. Hindi na nila alam kung magpapasalamat ba sila at naging ligtas ito o ano.

Nagulat na lang ang lahat ng biglang tumayo si Iki at sinapok si Winter.

"Aray naman Bash." angal ni Winter kaya nanlaki ang mata nila.

"Sabi na nga ba eh. Ikaw gaga ka naka ilang kota kana sa pagpapaiyak samin tapos ngayon eentra ka pa. Ano bang gusto mong gawin sa buhay pakiexplain."sabi nito sabay yakap kay Winter.

"Sinira mo acting ko bash. Mag aartista na sana ako eh. Napanaginipan ko kasing nawala daw memory ko gusto ko sana itry kaya lang binuko mo ako hahaha." tatawa tawang sabi ni Winter habang nanlulumo ang itsura ng nga kasama.

Nagulat na lang siya ng sugurin siya ng mga ito ng yakap.

"Te-teka hindi ako makahinga." sabi ni Winter habang pilit na kumakawala sa yakap ng mga kaibigan.

--

After a week nakabalik na din sa uni si Winter. Malaki ang pagbabago sa katawan niya. Pumayat siya ng konti kumpara sa dati niyang katawan. Kaya madami ang nagulat pagkakita sa kanya. Lalo kasi siyang pumuti kaya lalong lumitaw ang ganda niya.

"Autumn bumalik kana.." masiglang sabi ng isang lalaking naglakas loob na lapitan siya.

"Ahm excuse me but I'm not Autumn. I'm Winter her twin." sabi ng nakangiting si Winter. Tila naman nabato sa kinatatayuan niya ang lalaki at kinagulat ang sinabi nito.

"Pero nasan si Autumn??" takang tanong ng isang babaeng malapit sa kanila.

"She died 3 months ago." malungkot na sabi ni Winter kaya lalong napatigil ang mga nakikinig sa kanila.

Napag usapan kasi nila na Ililihim na ang mga naganap sa karamihan. Papaniwalain nila ang mga tao na namatay si Autumn 3 months ago pero ang katotohanan ay matagal na itong patay. Magbabalik si Winter sa uni pero hindi na siya magpapanggap bilang kakambal niya kundi sariling katauhan na niya ang gagamitin niya.

Sa ganoong paraan wala ng iba pang magdududa. Wala ng iba pang makakaalam ng lihim nilang lahat. Sa ganoong paraan mabubuhay na sila ng malaya sa anumang bakas ng kahapon. Tapos na ang paghihiganti. Nakamit na nila ang katarungan at katahimikan na gusto nilang makuha. Binuwag na rin ni Winter ang Shadow ngunit ayaw nilang pumayag. Mananatili daw ang gang nila kahit hindi na sila sasali sa mga gang fight sa battle field.

Ngayon alam na nila na malaya na sila sa bakas ng kahapon. Nawalan man sila ng kaibigan nagpasalamat pa din sila at may mga bago namang dumating.

Nakipag ayos na din si Cassey kay Winter. Inamin nito ang lahat ng pagkakamali. Nangako na din ito na hindi na niya muli pang gagalawin ang buhay nilang lahat. Ngunit hindi pumayag si Winter. Ang nais ni Winter ay manatili siyang kasama nila. Na maging magkaibigan sila dahil alam niyang ito ang ikaliligaya ni Roo. Tinulungan din nila ito na mabawi ang kumapanya ng ama nila na kinuha ng mga elders. Si Cassey at ang kanyang ina na ngayon ang namamahala sa kumpanya nila. Tama nga si Winter, nilason lang ang isip ni Cassey ng mga elders. Dahil ang totoo isa itong mabait at mapagmahal na tao. Hindi siya nagkamali sa hindi pagpatay dito noon.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon