fifty nine** Part 1

7.3K 156 1
                                    

(Third person POV)

Nag umpisa ng magsanay ang shadow para sa nalalapit na laban. Abala ang lahat dahil na din sa plano ni Winter. Lahat sila seryoso sa pag aaral sa kakayahan ng partner nila.

Si Sian at Thunder sa mall nagpunta para magsanay. Kahit na nagtataka si Thunder sumama pa din siya kay Sian dahil ito muna ang magtatrain sa kanya. Napagdesisyunan kasi nila na salitan ang training nila para mas mapadali ang pagsasanay nila.

"Sigurado ka bang hindi mo gustong magshopping kaya tayo pumunta ng mall?" tanong ni Thunder kay Sian.

"Nope. Dito kita itetrain hyung."- Sian

Naglakad silang dalawa papasok sa mall at huminto sa harap ng escalator. Nagtatakang tumingin si Thunder kay Sian para bang nagtatanong kung ano ang gagawin nila sa harap ng escalator.

"Hyung aakyat lang ako sa 2nd floor maiwan ka dito sa ground floor." sabi ni Sian kay Thunder at mabilis na nakapunta sa 2nd floor.

"Ngayon hyung nakikita mo ba yang pababang escalator sa harap mo. Kailangan mong umakyat dito gamit ng pababang yan. oorasan kita hyung dapat 30 seconds nandito kana sa tabi ko."- Sian

"Taena ka Sian. Pagmumukhain mo akong tanga dito eh. Bakit ko naman gagamitin yang pababa kung aakyat ako."- Thunder

"Kasi nga hyung kailangan mong bumilis. Okay start na." sabi ni Sian at nagtimer na.

Kahit na napipilitan ay ginawa pa din ni Thunder ang sinabi ni Sian. Pero nahirapan siya dahil mabilis ang takbo ng escalator isama mo pa ang mga taong pababa sa ground floor.

"1 mins 12 seconds hyung. Hindi tayo titigil hanggat di mo nakukuha ang 30 seconds. Bumana kana hyung. Tapos ulitin mo." - Sian.

"Tang** Sian pinapahirapan mo ako eh. Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa magpakapagod dito. Napakaimposible ng pinapagawa mo putek." angal ni Thunder pero wala siyang nagawa ng itulak siya ni Sian pababa ng escalator.

Sa kabilang banda si Leo at Nathan naman ay nasa gym. Si Nathan muna ang siyang magtetrain kay Leo ngayon. Kagaya nila Thunder at Sian napagdesiyunan din nila na salitan ang training.

"Waaahhh hyung maawa kana. Hindi na ako makahinga. Ialis mo na itong letcheng barbell na ito di ko na talaga maiangat suko na ko hyung." iyak tawa na sabi ni Leo kay Nathan pero di pa rin siya nito tinulungan.

"100 pounds palang yan sumusuko kana. Hindi tayo titigil hanggat hindi po naipupuse ang 500 pounds." matigas na sabi ni Nathan habang prenteng prente na nakaupo sa uluhan ni Leo.

"Waaahhhh Winter binubully ako ni Nathan hyung.. Nagugutom na din ako gusto ko ng kumain ng lasagna. Waahhhh help!!!"

Sina Sky at Tim naman ay umakyat sa mount arayat. Si Sky muna ang magtatraing kay Tim dahil kailangan nitong matutong umatake mula sa taas.

"Wahhh hyung nalulula na ako. Parang awa mo na ibaba mo ako." pakiusap ni Tim kay Sky pero di siya naririning nito dahil naka headset ito.

Kung tatanungin niyo ano ang ginagawa nila. Ibinitin lang naman ni Sky si Tim sa bangin. May mga nakalutang na lobo sa bangin at ang sabi ni Sky hanggat hindi napapaputok ni Tim ang mga ito ay hindi ito aalis sa pagkakabitin. Ang problema nga lang afraid of heights si Tim kaya wala pa itong mapaputok kahit na isang lobo.

Sina Rhon at Sean naman ay nasa bahay lang ni Rhon. Tinuturuan ni Rhon si Sean tungkol sa paghack ng accounts ng kalaban. Kaya nga lang.

*Wang wang wang wang* tunog ng fire alarm ng bahay ni Rhon.

Binato lang naman kasi ni Sean ang laptop ni Rhon sa harap ng isang malaking led flat screen ni Rhon. Ang resulta sumabog ang pinakamamahal ni tv ni Rhon.

"Ang bagong tv ko. Huhuhu anong ginawa mo hyung alam mo bang mahirap makabili ng tv na ganyan. Hindi ko pa nga natatry manood dyan pero wala na. Huhuhu waaaahhhh bakeeeetttttt." todo emote na sabi ni Rhon habang hinihimas ang sumabog na tv hindi na niya alintana na mukha na siyang uling dahil sa pagsabog.

"Sorry Rhon ayaw kasing pumindot ng space bar ng laptop mo kaya naasar ako hinagis ko laptop mo." -Sean.

"ANO?? NANG DAHIL LANG SA SPACE BAR. SPACE BAR BA KAMO. TAPOS BINATO MO SA PRECIOUS TV KO DAHIL SA SPACE BAR." sigaw ni Rhon bago mahimatay.

Sina Kai at Ryuu naman ay pumunta sa hideout ng shadow. Tuturuan kasi ni Ryuu si Kai sa paggamit ng kakaibang sinulid niya. Gawa ang sinulid sa isang element na pag hinalo mo sa tubig ay makakahiwa ito ng kahit na anong bagay.

"Aww my precious hand." sigaw ni Kai dahil nahiwa ang kamay niya sa paghawak sa sinulid.

"Dapat kasi wag mong babasain ang sinulid na nasa kamay mo." sita sa kanya ni Ryuu.

"Eh anong magagawa ko natuluan ng tubo. Ipaayos niyo nga yang lintik na tulo sa tubo na yan ako napapahamak eh." sabi ni Kai sabay walk out.

"Hoy Kai bumalik ka dito hindi pa tayo tapos."

"Ipaayos mo kuna ang tubo bago mo ako pabalikan dyan langya ang pinakamamahal kong kamay nagkagalos na wahhhh."- Kai

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now