fourty eight**

7.9K 188 2
                                    

(Raikoo POV)

Hindi pa din maprocess ng utak ko ang mga nangyayari. Talaga bang engagement party namin to ni Winter?? Baka naman nagbibiro lang si Mr. Jansen tapos nakisabay sa trip niya yung magkapatid. Hindi naman sa ayaw ko, the hell okay gustong gusto ko nga eh. Nag uumapaw na nga kaligayahan ng puso ko dahil in the future sakin pa din ang bagsak ng pinakamamahal ko. Okay baduy na masyado.

"Raikoo.." narinig ko na lang na may tumawag sakin. Paglingon ko si Mommy at Daddy pala.

"Mommy Daddy. Nandito din pala po kayo."- ako

"Hindi namin papalampasin ang engagement party ng anak namin. So how's life son."- Daddy

"Ayos naman po ako di nga lang po ako makapaniwala na engaged na sakin ang babaeng mahal ko." nakangiti kong sabi kaya napangiti na din sila.

"Alam mo botong boto talaga kami kay Winter. Aba napakagandang bata. Tsaka 18 years old pa lang siya nakapagtapos na ng doctor. Wala ka ng ibang hahanapin pa anak."- Mommy.

"Kilala niyo po si Winter Mommy?" pano nakilala ni Mommy si Winter.

"Basta kilala namin siya. Matagal na."- Daddy

Ano daw?? Pano??

"Huh?? Ang gulo Dy. Buti po pala nakarating kayo ngayon. Biglaan lang po ang lahat. Tsaka di ko po akalain na mabilis naprepare ang lahat."- sabi ko sa kanila. Napangiti na naman sila. May nasabi ba akong nakakatawa??

"Alam mo Raikoo 1 month din ang preparation para dito. Actually noong monday pa kami nandito sa Pilipinas pero dahil gusto ka naming isurprise ngayon lang kami nagpakita sayo."- Mommy. Ano daw isang buwan?? Eh kaninang umaga lang kami nakita ni Mr. Jansen ah. Papanong?? Ang gulo naman ano yun time travel sila??

"Ano po??"

"Wag ka na lang magtanong anak. Enjoy the party okay? Pupuntahan lang namin ang mga in laws mo." sabi ni Mommy sabay alis. Okay ang gulo. Anong one month?? Panong naging one month ang isang araw. Pakiexplain please lang.

"Good evening ladies ang gentlemens. Thank you for joining us in this special event. May i call my beautiful daughter Winter and my future son in law Raikoo to come here in stage."- Mr. Jansen.

Nakita ko naman si Winter na papunta sa stage kaya nilapitan ko siya para i escort.

"Hindi ba't bagay na bagay silang dalawa. Ngayon pa lang nakakasiguro na akong maganda ang lahi ng magiging mga apo ko." sabi ni Mr. Jansen na nagpatawa sa lahat.

Okay?? Bakit parang nawala ang nakakatakot na Mr. Jansen na nakita ko kaninang umaga?? Na abduct ba siya ng mga alien?? Hoy mga alien ibalik niyo si Mr. Jansen.

"Hoy ikoo tulala ka. Umayos ka nga sayang porma kung pagmumukhain mong tanga sarili mo. Ano di ka pa din nakaget over sa limo ride kaya nakatulala ka?? Ano sabihin mo." pabulong na pasigaw sakin ni Winter. Okay back to your senses Ikoo.

"Pasensiya naman di kasi talaga ako makapaniwala sa party na ito."- sabi ko sa kanya habang hinihimas ang batok ko.

"Pareho lang tayo noh. Tapos may nalaman pa ako kanina na matagal na palang planado to. Grabe napaniwala ako ni Appa sa acting niya."- Winter

"Anong acting??"- Tanong ko sa kanya. Naguguluhan na talaga ako. Ano bang buhay tong pinasok ko.

"Wala ka ding alam?"

"Winter tatanungin ba kita kung may alam ako. Naguguluhan na ako sa paligid ko. Bahala ka pag ako nabaliw sayang nun mawawalan ka ng gwapong asawa."

"Kaasar ka Ikoo. Kelan ka pa naging mahangin aber??"

"Di ko din alam eh. Siguro ngayon ngayon lang. New discovered yan. haha"

"Baliw haha."

Di ko namalayan na habang nag uusap pala kami i mean nagtatawanan ni Winter nakatingin na pala samin ang lahat.

"Ehem mamaya na lang kayo maglambingan mga anak. Masyado na kayong Pda eh. Wag naman kayong maki pbb teens dito sa stage." sabi ni Mr. Jansen na nagpatawa sa lahat. Lupa kainin mo na ako.

Tumahimik lang kami ni Winter. Feeling ko nga ang pula ng mukha niya eh. O dahil lang yun sa blush on?? Don't tell me nag blush siya??

After ng introduction samin pinababa na din kami sa stage. Pero bago pa ako makalayo sinabihan ako ni Mr. Jansen na mag usap daw kami in private. So sumunod na lang ako sa kanya. Aba mahirap na gusto ko pang mabuhay noh.

"Sir bakit po." tanong ko sa kanya pagkapunta namin sa garden.

"Gusto ko lang magpasalamat sayo."- Mr. Jansen.

"Ano po Sir?? Magpasalamat?? Hindi niyo po ba ako papagalitan?? Hindi niyo po ba ako i wuwushu?? Hindi po kayo galit sakin??" nagtataka kong tanong. Akala ko kasi sisigawan niya ako dahil sa nangyari kanina. Akala ko di na ako makakabalik sa loob ng buhay. Okay alam kong OA pero kung kayo ang nasa posisyon ko kanina at nakita niyo ang nag aalab na mata ni Mr. Jansen yun din ang iisipin niyo. Baka naman na abduct talaga ng alien si Mr. Jansen.

"Alam mo iho i like you."

"Naku po Sir di po tayo talo."

"Wahahahahahaha grabe hahahahahaha." tawa niya

"Ayos lang po ba kayo sir? Bakit po kayo natawa? Di nan po ako clown wala po akong talent magtawa."

"Hahaha kaya nga gusto kita eh."

"Sir di nga po tayo talo."

"Putek di ko alam na slow ang manugang ko. I mean gusto kita para sa anak ko."

"Aba sir mahirap na. Linawin po niyo kasi. Alam ko naman pong gwapo ako kaya ganun."

"Di ko alam mahangin ka pala. Okay back to my point. Gusto kong magpasalamat kasi nabago mo ang anak ko. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang tumawa at ngumiti ng tunay at hindi pinepeke. Salamat sa pagtulong sa kanya."

"Po?? Wala naman po akong ginawa."

"Basta thank you at wala akong pinagsisisihan at nakipagkasundo ako sa parents mo."

"Ano pong nakipagkasundo?? Eh kanina niyo lang po ako nakita."

"1 month ng naka ayos ang engagement niyo. Kahit di pa kita nakikita naka ready ng ma engage na kayo. Yung kanina acting lang yun. Di ko akalain na mapapaniwala kayong lahat. Pwede na pala akong mag artista."

"Huh ibig pong sabihin matagal na pong nakaplano ito??"

"Exactly. Pero iho payo ko sayo. Don't spoil Winter to much kasi nakikita ko ng pareho ang kapalaran natin. Nakikiramay ako sayo kung Under ka ng anak ko."

"Po? Sabagay po nakakatakot po talaga ang anak niyo. Pag po may gusto siya tingin palang parang sinasabi na niyang. makuha ka sa tingin kung ayaw mong makatikim."

"Pareho sila ng Umma niya kaya nga ngayon palang nakikiramay na ako sayo haha. Di ko akalain na may next generation pala ang nangyari sakin. Basta iho alagaan mo ang anak ko."

"Yes sir"

"Call me Appa okay."

"Yes Appa."

"Good let's go baka hinahanap na ako ng Misis ko. Ayaw ko pang mabali mga buto ko."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Mr. Jansen. So ito pala talaga ang totoong Mr. Jansen. Acting lang yung kanina. Hayy buti naman. Kahit pano nakahinga ako ng maluwag.

_____________________________________

ceikret

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinOù les histoires vivent. Découvrez maintenant