fifty eight**

7.7K 172 2
                                    

(Third Person POV)

Matapos silang kumain dumiretso ang lahat sa sala dahil na din sa may kailangan daw silang malaman. Nagtataka naman ang shadow dahil na din sa kakaibang ngiti ni Winter. Tila ba alam na nilang may hindi tama sa plano nito. Kung ano man yun yun ang hindi nila alam. Sinusunod nila si Winter dahil ito ang leader nila at alam nilang kapag nagplano ito pulido. Ngunit may mga ilang plano itong hindi nila nagustuhan o ayaw nilang gawin pero noong ginawa nila maayos naman ang kinalabasan.

Tiningnang maigi ni Winter ang mga members niya at napansin niyang parang kinakabahan ang mga ito. Well dapat nga silang kabahan dahil kakaiba ang pinaplano ni Winter para sa kanila. Ito ang tanging paraan na naisip niya para na din sa kaligtasan ng lahat.

"Pwede kayong huminga mga hyung. Libre lang ang oxygen." natatawang sabi ni Winter sa mga kasama.

"Taena ka kasi dongsaeng. Kapag nakangiti kang ganyan alam na naming may kakaiba sa plano mo." - Kevin.

"Kahit na. Sundin niyo lang ang sasabihin ko at maliligtas silang lahat. Ikaw Thunder hyung, it's been six years na hawak nila si Mikaella Unnie. At ang plano na ito ang magpapalaya sa kanya. Ano gagawin mo o hindi??" nakangiti pa ding sabi ni Winter.

"Gagawin ko." nag aalangang sagot ni Thunder sa kapatid.

"Ikaw Kai hyung. Hawak nila si Iki. Gusto mo bang mawala siya sayo? Ano gagawin mo ba?" naghahamon na sabi ni Winter.

"Geh gagawin ko." puno ng determinasyon na sabi ni Kai.

"Ikaw Ryuu hyung. Nasa kanila si Yeolum. Matitiis mo bang nandun siya o gagawin mo ang plano ko."

"No choice. Gagawin ko."- Ryuu

"Good. Ikaw Nathan hyung nasa kanila si Mimi. Gugustuhin mo bang nasa kanila ang mahal mo o gagawin mo ang plano ko."

"I'll do it."- Nathan.

"Ikaw Sky hyung. Kaptid mo ang nasa bingit dito. Gagawin mo ba?"

"Deal."- Sky.

Napangiti naman si Winter sa pagsang ayon nila. Ginamitan niya ng konting black mail ang mga ito at umobra. Sigurado na siyang wala ng lusot pa ang mga ito sa pinaplano niya.

"Ikaw Leo hyung. Nasa kanila si Elise. Tutunganga ka lang ba dito o gagawin mo ang plano ko."

"Gagawin ko na di mo na kailangan pang mandamay ng kahit na sino sa kanila. Game ako sa laban." walang ganang sagot ni Leo.

"Kayo Sean, Sian, Kevin, Tim, Glen at Rhon hyung pababayaan niyo ba na sumabak kami sa gyera ng di kayo kasama. Sayang naman pag nagkataon madami kayong mapapatay doon. Higit sa lahat di ba matagal na kayong walang mission. Chance na ito para makapagbanat naman kayo ng buto. Para na din matulungan niyo ang mga kaibigan niyo. Ano gagawin niyo ba?"

"Para sa hustisya!"- Sean

"Game."- Sian

"Kung patayan yan p*ta di ko aatrasan yan."- Kevin

"I'm in. Alam ko namang pipilitin mo ako kahit umayaw ako."- Tim

"The more the merrier. Di ko uurungan yan."- Glen

"Kahit di mo itanong gagawin ko."- Rhon.

"Good so lahat kayo pumayag na wala ng atrasan ito. I need your 2 weeks. Pagkatapos ng 2 weeks susugod tayo. Sa loob ng 2 weeks magsasanay kayo pero hindi tulad ng dati niyong pagsasanay." pag uumpisa ni Winter kaya naman lahat nakatuon ang atensyon sa kanya. Alam kasi ng lahat na once nagsalita si Winter tungkol sa gantong bagay ayaw nito ng paulit ulit.

"Ano--" hindi na natuloy ni Sean ang sasabihin niya ng biglang magsalita ulit si Winter.

"Ako lang ang magsasalita. Ang gagawin niyo lang ay makinig ng mabuti."

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now