Special Chapter 1

9.2K 138 2
                                    

Pagkatapos ng proposal ni Raikoo kay Winter hinatid na ng Shadow si Tim sa airport since kailangan na nitong bumalik sa training niya as future idol. Hindi na sumama pa si Winter at si Raikoo dahil na din sa may importante DAW silang gagawin kaya pinabayaan na lang ng Shadow.

Pagbalik ng Shadow sa bahay ni Winter, sigaw mula sa kwarto nito ang naabutan nila.

"Raikoo naman kasi hubarin mo na sabi eh." Sigaw ni Winter na naririnig sa buong bahay. "Isa hindi mo huhubarin yang damit na yan? Kapag hindi mo hinubad yan ako mismo magtatangal niyan." Narinig nila ulit na sigaw nito.

"Mamaya na lang kasi." Narinig din nilang sigaw ni Raikoo.

"Ngayon na habang wala sila Hyung. Patay tayo pag nahuli nila tayo kaya hubarin mo nayan." Narinig nilang sigaw ni Winter.

"Yaaaahhh Jagi naman dahan dahan lang. Wag kang mag apura." Rinig nila na sabi ni Raikoo.

"Ang bagal mo kasi. Bilisan mo naman." Rinig nilang sigaw ni Winter kay Raikoo.

"Eto nga bibilisan na." Sabi ni Raikoo.

Tila ba natulos sa kinatatayuan nila ang Shadow. Hindi sila makapaniwala sa mga naririnig nila. At base sa expression ng mukha nila iisa lang ang tumatakbo sa isip nila.

"I never thought na ganyan kawild si Winter." Sabi ni Sean kaya nakatikim siya ng batok mula sa kakambal.

"Wag nga kung ano ano sinasabi mo. Think before you speak." Sabi ni Sian.

"Sus eh aminin mo man o hindi alam kong pareho ang iniisip natin. Hoy Sian iisa lang bituka natin. Alam kong kahit magkaiba tayo ng ugali pareho pa din takbo ng isip natin pagdating sa ganyang mga bagay." Sabi naman ni Sean kaya natahimik na lang ang kakambal niya.

"Hindi ko maimagine na ginagawa na nila yan sa first day nila." Tulalang sabi ni Thunder.

"Hindi pa ako ready magka pamangkin." Sabi naman ni Ryuu.

"F*ck they are really doing it? As in ng tanghaling tapat." Sabi ni Kevin.

"Yeah malamang hyung. Tanghali nga ngayon magtaka ka kung gabi na ngayon tapos may araw pa." Sabi ni Kai.

"Mabuti na lang at tinanggal ko na yung cctv sa room ni Winter." sabi ni Rhon.

"Buti na lang binalik ko hohoho kekeke." Sabi naman ni Glen kaya tiningnan siya ng masama ng lahat. "To naman mga tol joke lang. Joke okay." Sabi niya.

"Yaaaahhhh" narinig nilang sigaw ni Winter kaya dali dali silang pumunta sa kwarto nito. Pero pagbukas nila ng pinto. .

"WHAT THE??" Sabay sabay nilang sabi sa nakita nila.

"What the hell are you two doing?" hindi mapigilang tanong ni Thunder sa kapatid.

"I promised to him na once maging kami I let him try my assassin suite. That's why." Winter said while struggling in removing the upper part of the suite since its smaller than Raikoo's size.

"But it's forbidden." Sky said.

"Yeah it is that is why we both decided to do it secretly." Raikoo said while rubbing his nape.

__

After 8 years.... Narration..

Everything is normal. Mataas ang sikat ng araw. Humuhuni ang mga ibon. Masaya ang lahat maliban na lang kay Winter na kanina pa nakapangalumbaba at nakasimangot na akala mo wala ng bukas. Nakatingin lang siya sa mga pamilya ng mga Hyung niya. It's a perfect day actually pero hindi niya alam kung bakit feeling niya ay mayroong kulang. Masaya na ang mga hyung niya. May kanya kanya ng pamilya ang mga ito at natupad na niya sa sarili ang pangako niya na gagawin ang lahat para sa ikakaligaya ng mga hyung niya.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now