seven**

15.1K 282 5
                                    

(Autumn/ Winter POV)

Ang weak amputek. Pati ba naman rank 1 nila weak din. Eh kahit yata sabay sabay silang lahat mapapatay ko agad eh. Walang thrill.

Ang yayabang pa. Di man lang kami kilala. Dapat alam nila kung sino ang kakalabanin nila. Aist nababadtrip ako sayang paghahanda namin ng gamit. Effort pa ang putek.

Tapos naiwan pa sa parking lot ang baby ko. Waahh ang Lamborghini ko. Be safe my baby. Subukan lang ng kahit sinong hawakan ang baby ko babaliin ko ang lahat ng buto sa katawan niya.

Napasandal na lang ako sa bintana ng limousine na sumundo samin. Nakita ko na naman ang 12 stars of life ko. Miss ko na din si Autumn. Siguro isa na din siyang star ngayon. Gabayan mo sana ako kambal. Pangako ko sayo magkakaroon ng katarungan ang pagkamatay mo. Kasama ko ang 12 stars na lagi kong sinasabi sayo.

flashback**

Four years old ako nung una kong makita ang 12 stars nung birthday ko. Lagi ko yun kinukwento kay Autumn kaya lang di niya nakikita.

Iniisip ko nga nun para sakin lang talaga yun. Kada gabi inaabangan kong makita ulit ang 12 stars na yun.

Sa labas ng bahay na ako gumagawa ng poison at medicine. Pati na din training ko sa labas na ng bahay para makita ko lang ang 12 stars ko. Simula kasi nung naging 4 years old kami ni Autumn tinetrain na kami ni Appa.

After a year nakita ko ulit ang 12 stars na yun. Dun ko naisip na once a year lang yun lumalabas kasi minsan sobrang dami ng stars. Minsan naman sobrang konti. Pero pag birthday ko kumpleto sila at sama sama na nakapalibot sa buwan.

Tuwing birthday ko excited ako pero di dahil sa celebration kundi dahil sa 12 stars ko. Dun ko sinimulan na tawaging 12 stars of life yun. Naipakita ko na din yun kay Autumn ang 12 stars ko pero sabi niya baka daw coincidence lang.

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon