twenty seven**

12.1K 213 0
                                    

(Winter POV)

Nagising na lang ako ng may nakapulupot na kamay sa braso ko at may nakahiga sa lap ko.  Pagdilat ko sa mga mata ko nakita ko ang baby ko na nakahiga sa lap ko. Ang cute talaga ng baby ko. Gusto kong lagi siyang kasama kaya lang hindi pwede dahil assassin ako. Ayaw kong pasukin ng anak ko ang magulong buhay na puro patayan. Gusto kong lumaki siya ng normal.

Si Umma ang nag aalaga sa kanya sa korea. Masaya din naman si Umma na kasama siya dahil wala ding nakakasama sa bahay si Umma maliban sa mga katulong. Mula nung araw na inuwi ko sa bahay si Clyde sumaya na ang bahay. Sumaya na ang buhay namin.

"gising kana pala."

huh?? sino yun??

"sino ka?? nasan ka??"- ako

"alam mo Winter di ko alam kung lutang ka ba o ano katabi mo lang ako tas hahanapin mo ako."- Raikoo

"sorry naman. Tsaka oi yung kamay mo pakitanggal sa balikat ko tsansing ka tol."

"di namam ako nagtatake advantage sayo. Inalalayan lang kita para makatulog ka ng maayos."

"oo na lang ako Ikoo."

"Ti-tinawag mo ako ng Ikoo??"

"bakit ayaw mo?"

"gusto ko. Mula ngayon Ikoo na itawag mo sakin. Tapos Ris naman itatawag ko sayo tulad lang ng dati."

"ayaw kong tawagin akong Ris. Mas sanay ako sa Winter. Nakaraan na yun eh ayaw ko ng ibalik ang nakaraan."

"sige pero Ikoo na itawag mo sakin ha."

"oo na tss." kulit ng lahi ng lalaki na ito. Bakit ko ba to napapagtyagaan. Well gwapo siya. Yun lang wag bigyan ng kulay. Mabait din naman pala siya. Mahilig sa bata. Masarap magluto. Teka nga bakit ko ba siya pinupuri.

"tapos kana bang suriin ang mukha ko."- Raikoo

"huh??"

"kanina ka pa kasi nakatingin sa mukha ko. Alam ko naman na gwapo ako tapos maganda ka diba perfect couple tayo. Tapos gwapo anak natin diba san ka pa."

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon