twenty two**

11.4K 245 4
                                    

(Heal POV)

Mula ng maospital si Raikoo nagbago si Autumn. Parang nag aalala ito sa kanya which is mali dahil kalaban namin siya. Naging maalalahanin ito lalo which is maganda naman dahil unti unti bumabalik na ito sa dati at nakakawala na siya sa pagkatao ni Poison. Pero may mali eh, yung way na pagtingin niya kay Raikoo ay parang may halong pagmamahal.

Hindi naman sa ayaw kong magmahal ang kapatid ko kaya lang kasi hindi ko alam kung tama bang tao ang mamahalin niya. Malakas din ang pakiramdam ko na hindi lamang ang phoenix ang nasa likod ng pagkamatay ng kapatid namin. Kailangan ko ng malaman ang totoo bago mahuli ang lahat. Nanganganib na ang buhay naming lahat. Isang maling desisyon todas kaming lahat.

Papunta ako ngayon sa gangsta bar. Tumawag samin si Autumn pero ang sabi ko sa shadow ako na lang ang pupunta dahil delikado. Kailangan naming protektahan ang pagkatao ng bawat isa para di kami matunton ng kalaban.

Pagpasok ko dumiretso ako sa private room kung saan umiinom si Autumn. Nakakawa ang itsura niya. Wasted and broken ang nababasa ko sa mukha niya.

"oppa" Autumn

"may problema ka ano. Tinatawag mo lang akong oppa pag may problema ka. Alam mo Autumn babae ka. Pwede ka ding masaktan at umiyak."- ako

"kasi oppa kailangan ko ng kausap di ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Tinry kong maging matatag. Hyung pa nga itinawag ko sa inyo para isipin nyong lalaki din ako at kasing lakas niyo ako. Pero bakit ang sakit ngayon dito." sabi niya sabay turo sa dibdib niya.

"sabihin mo kay oppa ang problema. Nandito lang ako susuportahan kita kahit ano pang desisyon mo."

"kasi si Raikoo alam niyang hindi ako si Autumn."

"pano niya nalaman?"

"hindi ko din alam. Nung una sabi niya bumalik na daw alaala niya. Sinubukan daw niyang iligtas si Autumn pero naaksidente siya at nawalan ng alaala."

"Kilala ba niya kung sino ka talaga?"

"oo oppa. Kilala niya ako bilang ako talaga. Bilang si Winter. Sabi niya mula pa daw nun mahal na niya ako kaya daw nagpapasubstitute sakin si Autumn ay dahil tinutulungan niya si Raikoo na mapalapit sakin."

Revenge of the Gangster's TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon