fourty nine**

7.4K 162 1
                                    

(Raikoo POV)

"Appa wake up"

"Hey Appa ireonna"

"APPA WAKE UP. LOLO AND LOLA ARE COMING!!"

Napabalikwas ako sa higaan ng may sumigaw sa tenga ko. Pagtingin ko sa sumigaw sakin tawa lang siya ng tawa.

"Clyde baby you know what I'm in the middle of my beautiful dream before you wake me up."

"mianhe Appa. I just wanna say that Lolo and Lola are coming today. Palli take a shower." sabi niya bago lumabas.

Hayyy ang saya ko na sana eh. Na engaged daw kami ni Winter. Tae dream come true mga tol kaya lang panaginip lang pala. Umasa na naman ako sa bagay na alam kong di mangyayari. Hindi pa din ako ganong pinapansin ni Winter mula ng mag confess ako sa kanya. Kaya malabo talagang ma engaged kami. Naku Raikoo yung imagination mo nadadala mo sa panaginip.

Naligo na lang ako kesa isipin pa ang panaginip na yun. Lalo lang ako nasstress. Sana di na lang ako nagising kanina para tuloy pa din ang magandang panaginip. Pero lahat ng bagay may katapusan kaya pati panaginip ko nagkaroon din ng katapusan.

Pagbaba ko nakita ko silang nagkukulitan. Ngayon nga pala ang dating ni Nathan hyung. Si Kai at si Miyuki as usual naglalambingan. Sila Rhon at Sky Hyung nag dadance revo. Ano pa bang aasahan ko dyan eh di sila makakasurvive pag hindi nakapag dance revo. Si Thunder hyung hayahay ang buhay natutulog lang. Si Glen hyung ayun nakikipaghabulan kay Kevin hyung. May ginawa na naman sigurong kalokohan si Glen hyung kaya galit na galit sa kanya yung isa. Eto ang matindi si Leo hyung at Elise nagpapaligsahan kung sino ang mas mabilis kumain. Nakain na yata nila lahat ng pagkain sa kabinet kasi madami ng pinagbalatan sa paligid nila. Habang si Ryuu hyung naman ang referee nila.

Lumabas ako sa bakuran para hanapin sila Clyde at Winter pero yung kambal ang nakita ko na nagbabasketball.Pagpasok ko sa kusina naabutan ko sila Ren, Roo, Ralph, Tim hyung at Rina na busy sa pagluluto.

"Hyung nasan sila Winter??" tanong ko kay Tim hyung

"Sinundo nila sila Auntie at Uncle sa airport." sabi ni hyung na hindi man lang ako nililingon. busy eh

So tumulong na lang din akong magluto sa kanila para mapabilis ang mga gawain.

Madami kaming niluto siguro dahil dadating ang pamilya ni Winter. Kinabahan tuloy ako bigla naalala ko na naman ang panaginip ko. Nakakatakot daw yung Papa ni Winter.

--

"WE'RE HOME!!!" sigaw ni Clyde na naging dahilan ng pagkagulat namin.

Nagulat na lang ako ng biglang nagline ang Shadow pati na din si Miyuki kaya nakisama na din kami sa kanila.

"ANNYEONGHASAEYO UNCLE AND AUNTIE." sabay sabay nilang sigaw sabay bow kaya nakisunod na din ako. Nagmumukha tuloy akong timang.

"Where's Thunder? " sabi nung isang lalaki siguro siya si Papa ni Winter.

Walang nagsalita sa shadow pero tinuro nila si Hyung na natutulog sa sofa. Laking gulat ko ng biglang lumapit sa kanya yung babae na mama siguro ni Winter at binatukan si Hyung.

Napaupo bigla si Thunder hyung at kumurap kurap lang habang nakatingin sa lahat.

Bigla ulit siyang binatukan nung babae kaya nagising na ang diwa niya at nanlaki ang mata sa nakita.

"UMMMAAAAA" sigaw niya sa babae."Ang sakit naman nun. Yan ba ang pasalubong niyo sa gwapo niyong anak." nagtawanan na lang kami habang pinapanood ang moment ng mag ina. Ngayon alam ko na kung kanino nagmana si Winter. Shh quiet lang.

"Ikaw bata ka. Ngayon na nga lang tayo magkikita tapos ganyan pa ang pagsalubong mo sakin. Hindi kana nadala." sabi ng Mama nila habang pinipingot ang tenga niya.

"Aww Umma waahh Aww Winter tulong si Umma Aww binubully ako." mangiyak ngiyak na sabi ni Thunder hyung.

Nabigla na lang kami ng biglang napahiga sa sahig si Elise at naggulong gulong habang tumatawa. Anyare??

Sinubukan siyang pigilan ni Leo hyung pero tuloy pa din ang tawa niya kaya nakatulala lang kaming lahat sa kanya. Wala ng ibang nagawa si Hyung kundi hilahin siya sa paa at dalin sa kusina. Ang harsh lang. Pagpasok nila sa kusina biglang tumahimik. Para bang may dumating na anghel sa bahay.

"WAAAAAAAAHHHH BAKIT NIYO HINAYAAN ANG DALAWA SA KUSINA UUBUSIN NA NYAN NILA ANG PAGKAIN." sabi ni Tim hyung sabay takbo sa kusina.

Lahat kami nagsipuntahan na din sa kusina at naabutan naming kumakain na yung dalawa. Kaya pala natahimik. Nung mapansin nila kami sabay pa nilang tinago sa ilalim ng mesa ang kamay nilang may hawak ng chicken lollipop.

"Tara kain"- Leo hyung

"Masamang pinaghihintay ang pagkain tara na kain na." sabi ni Elise sabay kain.

Wala na ba talagang matino sa bahay na ito?? Sa araw araw na ginawa ng diyos lagi na lang riot. Ang problema kung kelan nandito ang pamilya ni Winter dun pa nagkagulo sa pagkain. Akala mo di sila kumain ng sampung taon at todo lapang sa pagkain na parang wala ng bukas. At dahil hindi ako kj sumugod na din ako. Gyera kung gyera. Wala akong makakain kung tatahimik lang ako sa isang tabi Wahaha.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now