sixty two**

7.5K 161 4
                                    

(Third Person POV)

Pagkaalis ng shadow hindi naman mapakali ang mga naiwan maliban na lang kay Cassey na bakas sa mukha ang labis na tuwa. Labis labis naman ang pag aalala ni Raikoo. Gayun na lamang ang pagsisi niya sa sarili niya dahil na din sa nangyari kanina sa pagitan nilang dalawa ni Winter.

"Aalis ako sandali."sabi ni Raikoo sabay punta sa kwarto nila para kunin ang susi ng kotse niya. Pero sinundan siya ni Cassey para pigilan

"No hindi ka aalis dito ka lang." sigaw nito kay Raikoo.

"Ano ba Cassey nawawala si Winter kaya pwede ba paalisin mo na ako."

pagalit na sabi sa kanya ni Raikoo.

"Madami ng naghahanap sa kanya. Dito ka na lang samahan mo na lang ako. Ako ang girlfriend mo Rai pero bakit siya ang uunahin mo."- Cassey

"Dahil mahal ko siya Cassey at hindi ako mapipirmi dito hanggat hindi siya ligtas. Pumayag lang akong maging bf mo para magpaopera ka kaya wag mo akong sakalin sa relasyon na ikaw lang naman ang may gusto." Napatulala si Cassey sa sinabi ni Raikoo. Ito ang unang beses na nagalit ito sa kanya. Ito ang unang beses na sinabihan siya nito ng masasakit na salita. At ito ay dahil kay Winter. Domoble ang galit sa dibdib ni Cassey kay Winter dahil dito. Iniwan siya ni Raikoo sa kwarto at mabilis itong sumakay sa kotse nito para hanapin na si Winter.

"Arrghhh fine. Kung hindi ka mapapasakin Raikoo. Walang makakakuha sayo. Magkamatayan na kung magkamatayan." pagalit na sigaw ni Cassey sabay hagis ng picture frame nila ni Raikoo.

Nakarinig si Roo ng nabasag na gamit mula sa taas kaya agad nitong pinuntahan ang kapatid. Nabigla siya sa nakita niya pagbukas niya ng pinto. Nagkalat ang mga bubog galing sa nabasag na frame. Gulo gulo ang mga gamit sa kwarto at may kakaibang aura na napapalibot sa kapatid niya.

"Anong nangyari dito Cassey?" puno ng pag aalala na sabi ni Roo sa kapatid.

"Wala naman. Itinatapon ko lang ang mga gamit na di ko na kailangan ." walang ganang sabi ni Cassey.

"Pero mga importanteng gamit ito diba. Ito ang mga binigay sayo ni Raikoo."

"Well not anymore. Kung hindi din siya mapapasakin walang magmamay ari sa kanya.Damay na kung damay wala akong pakialam. Bukas na bukas din uumpisahan na natin ang plano."

"Pero Cassey wala silang kinalaman dito. Si Winter lang ang kalaban mo. Bakit ba lahat sila dinadamay mo."

"Dahil kung pati sila madadamay masasaktan si Winter. Gusto ko siyang makitang magdusa bago ko kitilin ang buhay niya."

"Ano bang nangyayari sayo Cassey. Hindi ka naman dati ganyan ah. Hindi na ikaw yan eh."

"Nagbago na ako kuya. Simula nung pinatay ni Poison si Papa nawala na sa atin ang lahat. Bakit kuya aatras kana?? Ano hindi kana susunod sa plano. Bakit mas pipiliin mo sila kesa sakin na kapatid mo?"

Napatigil naman si Roo sa sinabi ng kapatid. Alam niyang mali ang iniisip nito pero patuloy pa din niya itong tinutulungan dahil na din sa silang dalawa na lang ang maaaring magtulungan. Pero ngayon masyado ng madaming tao ang nadadamay. Para bang nagkakaroon ng torn between his sibling and his friends. Hindi na niya alam kung saan siya papanig.

Oo noong una gusto din niyang ipaghiganti ang Papa nila pero noong nakasama na niya si Winter. Nakilala niya ang Poison sa likod ng maskara. Minahal niya ito at hindi niya alam kung kakayanin niyang mamatay ito. Pati na din ang mga kaibigan na niya ayaw niyang mamatay ang mga ito. Naging mabuti sa kanya sila Ren, Raikoo, Ralph, at Rina. Pati na din ang buong shadow at ang iba pa nilang kaibigan. Hindi niya akalain na mapapamahal siya sa mga ito gayong noong una palang ay nagpapanggap lang siya. Pero ngayon masasabi niya na kung ano ang pakikitungo niya sa mga ito ay totoo. Walang halong pagpapanggap. Pero hindi niya alam na aabot dito ang lahat. Na pati ang best friend niya ay nagawa niyang iframe up para ito ang mapagbintanggang spy ng kalaban at para hindi siya paghinalaan.

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now